GABI ng graduation ni Regine sa high school. May pribadong selebrasyon sa bahay nila. Mga malapit na kaibigan ang lang ang bisita. Kasama sa mga bisita ang pamilya Nuvera, ang ilang mga kapitbahay nila dati na hindi kinalimutan ng nanay niya, at sina Aling Corcing at Carling. May kasama nang girlfriend ang huli kaya natuwa siya. Ngiting-ngiti siya kaninang lumapit ito at binati siya. Mahal na raw nito ang girlfriend kaya wala na raw siyang pag-asa rito. Ang lakas ng tawa niya. Nagkamay sila. Lalo raw siyang gumanda ayon kay Carling. Sa lahat ng inimbitahan niya, si Kuya Moi at ang pamilya nito ang hindi dumating. Ayon sa text ng dati niyang driver ay may importanteng biyahe ito. Dumating din nang gabing iyon ang daddy ng Kuya Antonn niya pero sumaglit lang dahil may business meeting pa ra

