Chapter 37 Liberty’s Pov NAKATULALA ako habang nakatitig sa bintana. Apat na araw na akong umuwi dito sa probinsya namin upang kalimutan na ang lahat. Ayaw ko ng maalala pa ang mukha ni Rufus pero hindi ko talaga kaya. Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang mukha niya na nagmamakaawa sa ‘kin. Mas lalo ko pang nakikita ang mukha niya na punong puno ng dugo dahil sa ginawa niya. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin yun sa sarili niya. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko ba ang pag iyak at pagmamakaawa niya at baka kasi drama lang niya yun upang lokohin na naman ako. Sa sobrang iyak ko nga nong araw na yun ay hindi ako umuwi sa bahay ko at dumiretso nalang ako sa bus station na papunta sa probinsya namin. Kahit basang basa ako sa ulan ay bumiyahe talaga ako upang makauwi lan

