Chapter 36 Rufus Pov NAGISING ako dahil sa naririnig kong ingay. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at unang bumungad sa ‘kin ang puting kisame. Dahan-dahan kong tinignan ang isang kamay ko na may nakakabit na dextrose. Bigla kong naalala ang ginawa ko upang hindi ako iwan ni Liberty. “Kaya nga, pre eh. Tatlong araw na yang hindi nagigising.” Dinig kong sabi ni Keanu. “Alam mo my friend Keanu.. may naka tengga akong kabaong do’n. Kay Demetrius sana yun eh pero hindi naman siya namatay. Kay Honey ko din sana yun ibibigay pero ayaw pa naman niya mawala sa mundo kaya ibibigay ko nalang kay Rufus baby.” Dinig kong sabi ni Koa na kaibigan ni Honey. Doon ko lang napansin na nandito din pala si Honey. Hindi nila ako napansin na gising na ako kaya nagagawa nila akong pag usapan. “Ako

