Chapter 35

1411 Words

Chapter 35 Liberty’s Pov NAGLALAKAD ako sa highway kahit malakas ang ulan. Panay ang tawag ng mga nadadaanan ko na taxi pero hindi ko sila pinapansin. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakayuko. Para akong wala sa sarili at hindi alam kung saan ba ako pupunta. Kung uuwi ba ako sa bahay o hindi nalang. Alam ko kasing pupuntahan ako do’n ni Rufus kung sakali man na hindi pa siya tapos sa ‘kin. Habang naglalakad ako ay may narinig akong boses na tinatawag ang pangalan ko. Napahigpit ang hawak ko sa dala kong shoulder bag at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad at hindi pinansin si Rufus. “Liberty..” tawag niya sa pangalan ko at sa pagkakataon na ‘to ay alam kong malapit na siya sa ‘kin. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako paharap sa kanya. “Liberty..”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD