Chapter 34 Liberty’s Pov HINDI KO alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Lilith. Ang mas masakit pa ay paano niya nalaman yun at nakuha ang boses ni Rufus. Ibig bang sabihin no’n ay totoo ang sinasabi ni Lilith. Kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko at napagdesisyonan ko nalang na tumayo nalang at umalis sa bahay ni William. Naka ilang tawag pa sa ‘kin si William ngunit hindi ko siya nilingon. Mas nangingibabaw sa ‘kin ang inis at sakit na nararamdaman ko sa mga nalaman ko. Yun kasi ang unan kong duda kay Rufus kaya siya lumalapit sa ‘kin at nilalandi niya ako. Pero naglaho yun dahil sa akala ko ay totoo ang pinapakita ni Rufus sa ‘kin at mahal niya ako. Nawala sa isipan ko na ang unang nararamdaman ni Rufus sa ‘kin ay galit. Nilandi lang yata talaga niya ako para paglaruan

