Chapter 33 Liberty’s Pov UMAGA ngayon at kanina pa nakaalis si Rufus sa bahay. Bago siya umalis ay nilutuan niya ako ng almusal upang hindi daw ako magutom. Naglinis na muna ako ng bahay bago ako maligo. Ngayong araw kasi ako makikipag usap sa daddy ni Rufus. Ngayong araw ko din tatapusin ang relasyon namin dalawa. Kinakabahan na ako pero kailangan kong gawin ito at hindi na dapat patagalin pa upang matigil na ang lahat. Kung gusto kong magkasama kami ni Rufus ay kailangan kong harapin ang ama niya. Hindi naman siguro kasalanan na mahalin ko si Rufus eh. Kaya sana maintindihan niya ako at palayain. Nag text na din ako kay William at sinabi ko na pupunta ako sa bahay niya. Ang bilis ng reply niya kanina. Hindi na ako nag reply pa sa kanya. Ang mahalaga lang naman ay pinaalam ko sa kany

