Chapter 112 Liberty’s Pov ANG LAKI ng ngisi ko habang nagtatampisaw sa tubig. Kasama ko si Rufus at naghahabulan kaming dalawa. Madaya nga lang dahil mabilis niya akong mahabol. Pagkatapos kasi namin mag almusal ay agad kaming pumunta sa dagat. Naiwan si River doon sa loob ng bahay kasama si Zahir. Ayaw naman sumama ni River kaya naisip ko na okay na din yun para may time silang mag usap ni Zahir. Sana nga ay makatulong ang bakasyon na ‘to sa dalawang yun. Si Zahir ang pag asa ko para makasama pa ng matagal ni Rufus ang kapatid niya dito sa mundo. Napagod na ako kakatakbo para hindi ako mahuli ni Rufus. Nakayakap siya mula sa likuran ko. Isinandal ko ang aking ulo sa matipuno niyang dibdib habang nakatitig sa napaka gandang kalangitan. “Masaya ka ba, mahal ko?” Tanong sa ‘kin ni R

