Chapter 113

1644 Words

Chapter 113 Liberty’s Pov PABALIK NA kami ni Rufus ng Manila. Sabay-sabay kaming umalis apat pero iba ang sinakyan ng dalawa. Naka motor kasi si River habang si Zahir naman ay nagdala din ng sasakyan niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana hanggang sa may nadaanan kaming nagbebenta ng kakanin. Ang tagal na din kasi nong last kain ko no’n. “Mahal ko.. pwede bang paki stop muna ng sasakyan do’n sa gilid.” Wika ko kay Rufus at tinuro ko kung saan siya hihinto. “Sure. May gusto ka bang bilhin, mahal ko?” Tanong niya sa malambing na boses. “May nakita akong kakanin, mahal ko. Ang tagal na kasi nong huli akong nakakain ng kakanin. Pwede ba tayong bumili?” Tanong ko sa kanya. “Oo naman, mahal ko. Ako nalang ang bababa ng kotse dahil mainit.” Aniya saka niya iginilid ang sasakyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD