Chapter 101 Liberty’s Pov NAGLULUTO KAMI ni Rufus ng dinner dahil plano namin na dito na kumain si Zahir at River. Balak na sanang umalis ni River kanina dahil mukhang naiirita na siya kay Zahir na papansin. Ang walangyang Zahir, ngayon pa yata natutong maligo kung kailan nakita niya si River. Nakiligo siya dito at nanghiram pa talaga ng damit ni Rufus. Ako nalang ang nagbigay ng damit sa kanya upang hindi na niya banatan si Zahir na gusto lang naman maging tao sa harapan ni River. Tumutulong ako kay Rufus kapag may gusto siyang kunin. Siya kasi ang nagluluto dahil alam ko naman na mas masarap siyang magluto kaysa sa ‘kin. Sinigang na baboy ang niluto niya dahil gusto daw niyang humigop ng sabaw. Kaya heto ako.. tinatrabaho ang kangkong at baka hingiin niya at ilagay sa niluluto ni

