Chapter 102 Liberty’s Pov LINGGO ngayon at nandito parin ako sa condo unit ni Rufus. Hindi ko nasabi kagabi na nagtatrabaho ako sa isang kumpanya dahil inangkin na naman niya ako. Naka tatlong rounds kami at talagang bumagsak ang katawan ko at nakatulog. Late na din kami nagising kanina dahil sa sobrang pagod. Ngayon ko gustong sabihin kay Rufus na nagtatrabaho ako pero hindi ako makahanap hanap ng tyempo. Gusto ko sanang umuwi ngayong tanghali sa bahay ko. Mag aayos pa kasi ako ng uniform ko para bukas pero hindi ko naman masabi sabi kay Rufus. Ayaw ko kasing mawala ang ngiti niya sa kanyang labi habang gumagawa siya ng pagkain kanina. Pero hindi naman pwedeng umalis ako mamaya sa unit niya na walang paalam. Hindi naman pwede yun. Nandito kami sa kusina at kumakain. Ako lang ang k

