Chapter 27 Rufus Pov IGINILID ko ang sasakyan sa harap ng bahay ng ama ko. Hindi na muna ako bumaba at tinitigan ko na muna ang bahay ng aking ama. Ayaw ko sanang makipagkita sa kanya pero kailangan. I turned off the car engine and sighed. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang sasabihin ng ama ko. Bumaba ako ng sasakyan at agad akong naglakad papunta sa gate. Ilang beses kong pinag isipan kung makikipag usap ako sa kanya. Pero nandito parin ako at papasok na ng bahay. Tahimik lang akong naglalakad papasok hanggang sa tuluyan akong makapasok ng bahay. Nakita ko ang katulong namin na nagulat ng makita ako. “Sir Rufus.. magandang tanghali po.” Bati niya sa ‘kin ngunit hindi ko siya pinansin at inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Naisip kong nasa opisina niya si daddy kaya agad ako

