Chapter 26 Rufus Pov NANDITO kami sa kusina ni Liberty at gumawa ako ng merienda. Gusto kong tumaba si Liberty kapag bumalik na kami ng Manila. Binubusog ko siya sa masasarap na pagkain. Hindi pwedeng hindi siya kumain every three hours. Minsan ay naiinis na siya sa ‘kin dahil panay daw ang luto ko. Gusto ko lang naman siyang mabusog sa pagmamahal ko. Titig na titig ako kay Liberty at hindi ko mapigilan mapangiti. She turned to me and stopped chewing her food. “Bakit ka nakatitig sa ‘kin?” Tanong niya sa ‘kin. Ngumiti ako sa kanya at para bang nag s-slow motion ang pag nguya niya ng pagkain. Nababaliw na yata ako dahil pati sa pagkilos niya ay bumabagal. Ganito ba kalakas ang tama ko sa dalaga. “May iniisip lang ako..” wala sa sarili kong sabi. Her forehead furrowed because of wh

