Chapter 25 Liberty’s Pov AKALA KO talaga ay nag aalala ang lalaking may pulang buhok na basa pa ang buhok ko. Yun naman pala ay pinapatuyo niya ang buhok ko dahil binuhat niya ako at inihagis sa kama. Walang awa talaga siya sa ‘kin. Pasalamat talaga siya at hindi tumama ang ulo ko sa kung saan. Masasapak ko talaga siya. Mababalian yata ako ng buto dahil kung ano-ano na lang ang ginagawa niya sa ‘kin. Mabilis pa niyang pinunit ang suot kong pangtulog kaya napahiyaw ako. Sayang naman ang effort kong magbihis para lang hindi niya ako magapang. Pero wala lang din pala dahil kayang kaya niyang pumunit ng damit ng walang kahirap hirap. “Ang sama mo talaga! Magdahan dahan ka nga!” Saway ko sa kanya. “Para kang hindi pinapakain ah..” dagdag ko pang sabi dahil para siyang wild animal na hi

