Chapter 118 Rufus Pov Nakatitig lamang ako sa boss ni Liberty na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis. Gusto ko sana siyang paalising ngunit magiging bastos naman kung ganun ang pakikitungo ko sa kanya. Baka mapagalitan ako ni Liberty kapag nalaman niyang binastos ko ang boss niya. Walang nagsasalita sa’min at wala akong planong magsalita dahil naiinis ako sa pagmumukha niya. Panay din ang silip niya sa loob ng ICU kaya mas lalo akong naiirita. Nakita ko si Zahir na naglalakad papunta sa ‘kin. Nagkatinginan pa kaming dalawa at alam kong gusto niyang iparating sa ‘kin kung sino ang kasama ko. Lumapit si Zahir sa ‘kin at sumenyas. Umiling ako para sabihing hindi ko kilala ang lalaki. “Boss daw ni Liberty.” Saad ko sa bored na boses. Napatango tango naman ang aking kaibigan saka n

