Chapter 117 Rufus Pov ILANG ARAW na simula ng maaksidente ang mahal ko ngunit hindi pa rin siya nagigising. Naka monitor parin ang dalawang doctor sa kanya. Pwede na akong makapasok at hinahayaan na ako ng nurse. Ilang araw na din akong hindi kumakain pati ang kapatid ko ay nakabantay lang upang samahan ako. Nandito din si Zahir na binabantayan ang kapatid ko. Gusto ko na silang pauwiin upang makapag pahinga sila ngunit ayaw naman nilang pumayag. Aalis lang daw sila kapag nakita na nilang gising ang mahal ko upang masiguro nilang ligtas si Liberty. Kanina ko pa sila pinapaalis ngunit ayaw naman nila. Bumabalik din dito si Honey kasama ang asawa niyang si Chantal. Umiiyak pa si Chantal dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Liberty. Pilit siyang pinapakalma ni Honey dahil bun

