Chapter 18 Liberty’s Pov SUMAMA ako kay Rufus at hindi ako nagdalawang isip kahit pa nga nababaliw na ako kakaisip kay William. Kinakain talaga ako ng konsensya ko. Takot kasi talaga ako gumawa ng kalokohan pero ngayon ay gumawa ako ng kasalanan sa boyfriend ko. Tahimik lang ako buong biyahe at panay tingin ako sa labas ng bintana. Ang ganda ng nadadaanan namin. Papunta yata kaming probinsya nito kaya mas lalo akong nasasabik na makarating sa sinasabi ni Rufus. “Ayos ka lang, mahal ko? Bakit ang tahimik mo?” Tanong sa ‘kin ni Rufus kaya napalingon ako sa kanya. Binasa ko ang ibaba kong labi gamit ang dulo ng dila ko. Pakiramdam ko kasi ay tuyot na tuyot ang labi ko. Sakto naman na napalingon si Rufus habang ginagawa ko yun kaya napa preno bigla ang binata. Muntik pa akong masubsob

