Chapter 19 Liberty’s Pov NAIKOT ko na ang buong bahay kung saan ako dinala ni Rufus. Ang bad pa nga niya dahil lock ang dalawang kwarto at isa lang talaga ang pwede. Hindi ko alam kung sinadya ba niya upang hindi ako makapalag sa sinasabi niya na iisang kwarto lang kaming dalawa. Talagang pinag planuhan niya ang pagdala niya sa ‘kin dito. Pasalamat na lang talaga siya dahil may terrace ang kwarto kaya kitang kita ang karagatan. Ang ganda ng view. May duyan din sa terrace kaya ang sarap tumambay habang pinagmamasdan ang karagatan. Si Rufus ay nasa kusina pa rin at may inaayos pa yata. Ako naman ay nandito sa terrace at nakaupo ako sa duyan. Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang karagatan. Ang payapa ng puso ko at para bang ang sarap ipikit ang mga mata. Ito talaga ang mga gu

