Chapter 20 Liberty’s Pov MAAGA ako nagising upang ipagluto si Rufus. Simula ng nalaman ko ang nangyari sa pamilya niya ay may pumasok sa isipan ko na ayaw ko ng dagdagan pa ang mga pinagdaanan niya. Nawala na ang inis ko sa kanya dahil sa trato niya sa ‘kin nong una. Hindi ko naman kasi alam na may pinagdaanan pala siyang hindi maganda. Mayaman nga sila pero ang laking problema pala ang naranasan nila. Hindi katulad sa pamilya ko na ang problema lang ay kung anong kakainin sa araw-araw, mga baon namin at kung saan kukuha ng pangbayad sa bahay. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun nalang ka galit si Rufus. Ang pinagtatakahan ko lang ay bakit hindi man lang sinabi ni William sa ‘kin ang madilim nilang nakaraan. Patunay ba yun na wala siyang tiwala sa ‘kin kaya ayaw niyang magkwe

