Chapter 77 Rufus Pov NAGMAMANEHO ako ng sasakyan habang si Honey ay nasa passenger seat. Tamad na tamad mag drive ang animal na ‘to kaya ayaw ko siyang kasama. Tamad din kasi ako magmaneho pero mas tamad sa ‘kin si Honey. Para kaming mga tanga dalawa kanina na nagtutulakan kung sino ang magmamaneho. Pero natalo parin ako dahil malakas niya akong sinipa sa tiyan. Isusumbong ko talaga siya sa asawa niya. Ang tapang-tapang pero pagdating kay Chantal ay takot naman siya. “Daanan natin si Keanu, buddy.” Sabi ni Honey sa ‘kin. “Opo, kamahalan. Tadyakan kita palabas eh!” Nakabusangot kong sabi. Akala ko pa naman ay makakarelax ako. Kapag ang mahal ko ang kasama ko ay ayos lang sa ‘kin na magmaneho ako. Pagsisilbihan ko ang mahal ko kahit ano pa ang mangyari. “Ayos na sana eh.. bakit may

