Chapter 76 Rufus Pov NGAYONG araw ay balak kong lumabas ng unit. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari na muntik ng mapahamak si Liberty dahil sabi niya ay hinabol daw siya ng mga tauhan ng ama ko. Mabuti nalang at nakatakas siya at walang masamang nangyari sa kanya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung sakali man na may nangyari sa kanyang masama. Magkikita kami ng mga kaibigan ko upang huntingin ang ama ko. Nagtatago na kasi sabi ni Hiroshi na inutusan kong hanapin. Wala na siya sa dati naming bahay. Tanging mga katulong nalang ang naiwan at ang alam nila ay nasa ibang bansa daw ang ama ko at nagbabakasyon. Hindi sinabi kung saan kaya alam kong nagtatago na siya sa ‘kin. Nandito na kami sa kotse at binabaybay na namin ang highway. Tahimik lang na nakaupo si Liberty habang nak

