NATALIA'S POV Tumingin ako sa anak ko na hawak ang kamay ko ngayon. Sinukaly ko gamit ang mga daliri ko ang medyo kahabaan na niyang buhok. “Did you miss, mommy?” malambing na tanong ko sa kaniya. Nagtaas siya ng tingin at tumingin sa akin habang malapad ang ngiti sa mga labi niya. Mula kanina, kita ko ang saya sa mukha niya. Siguro dahil kay Apollo. Dahil nakita na niya ang daddy niya na matagal na niyang hinihiling sa akin na makita niya. “Yes, yes!” masayang sagot nito. “I was bored because you are not there. I thought you forget me because you are not coming back yet.” “Of course not, mommy will never forget his baby boy,” malambing na sagot ko sa kaniya. Palagi naman akong tumatawag sa kaniya pero alam kong iba pa rin ang presensya ko na nakikita niya ng personal lalo na at bata

