NATALIA’s POV
Nang makarating kami sa hotel kung saan ako pansamantalang tumutuloy at pagmamay-ari mismo ng pamilya nina Apollo ay sabay na kaming bumaba ng kotse niya.
“Salamat,” saad ko at mabilis nang tumalikod sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmamadali na akong pumasok sa hotel.
Ayaw kong may iba pang makakita na magkasama kami. Agad na akong sumakay sa elevator at nagtungo sa hotel room ko.
Nang makapasok ako sa room ay basta ko na lang hinagis ang bag ko sa kama at pabagsak akong nahiga. Ilang beses akong huminga ng malalim. Kanina habang nasa kotse kaming dalawa ay hindi ako nagsasalita. Nararamdaman kong sumusulyap siya sa gawi ko pero nanatili akong nakatingin sa bintana.
Habang nasa elevator ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon.
Si Mama ang tumatawag.
“Lia, I heard you are back. Asan ka?” bungad na tanong niya bago pa man ako makapagsalita.
“I am in a hotel.”
“Hotel? Bakit hindi ka dumiretso dito sa bahay? Umuwi ka na ngayon din,” utos niya.
Huminga ako ng malalim. “Okay.”
“Sige, I will wait for you.”
Mabilis na akong lumabas ng elevator. Naglalakad ako sa hallway habang nasa cellphone ko ang atensyon ko nang bigla akong bumangga kaya napahinto ako. Nakita kong lalaki iyon kaya mabilis akong umatras palayo sa kaniya habang nahihiyang tumingin sa mukha niya. Hindi ako nakatingin sa daraanan ko kaya bumangga ako sa kaniya.
“I am sorry.” Naalala ko siya. Siya iyong kumatok kahapon sa hotel room ko na lasing.
“It’s okay. No harm done.” Nakangiting sagot niya sa akin.
Tumango ako sa kaniya. Lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
“Long time no see, Natalia.”
Napahinto ako at nagtatakang tumingin sa kaniya. Pilit kong inaalala kong kilala ko ba siya pero wala akong matandaan.
Ngumiti siya sa akin.
“You probably don’t remember me. I am Peter, they guy in the library during our high school days,” pagpapakilala nito.
“Oh.” Natutuwang saad ko habang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Siya iyong chubby guy na madalas makiupo sa tabi dati noong high school pa lang ako. Hindi kami magkaklase pero madalas ay binibigyan niya ako ng chocolates dati kapag nagkikita kami sa library. “Yeah, it’s a long time no see.”
Ang gwapo na niya ngayon. Ang ganda na rin ng tindig niya, mukhang alaga na sa gym. Malapad na ang mga balikat niya pero hindi pa rin nagbago ang mga ngiti niyang umaabot sa mga mata niya. Kaya bakit nakapagtataka na lasing na lasing siya kahapon nang unang magkita kami at namali pa siya nang katok sa hotel room room ko.
“I was contemplating if I will greet you or not, because I am afraid that you can’t remember me,” nakangiting saad nito.
Bakit ko naman siya hindi matatandaan? Naalala ko na minsan siyang inaway ni Apollo at dahil natapunan niya nang juice ang uniform nito at ako ang nagtanggol sa kaniya, iyon nga lang ako naman ang binalingan ni Apollo. Hindi ko lang agad siya nakilala dahil ang laki na ng pinagbago niya.
“Are you busy? How about lunch, kumain ka—”
“Natalia.” Sabay kaming napalingon ni Peter sa tumawag sa pangalan ko.
Si Apollo iyon. Humakbang siya papalapit sa akin habang ang tingin at nagulat ako nang bigla niya akong akbayan kaya itinulak ko ang kamay niya gamit ang balikat ko pero mariin niya iyong hinawakan.
“Who is he?” tanong niya habang nakangiti pero matalim ang tingin kay Peter.
Ngumisi si Peter habang nakatingin sa amin ni Apollo.
“So, kayo rin pala ang nagkatuluyan? Well, I heard the two of you got married years ago. Late congratulations,” wika ni Peter.
“We already—”
“Thanks,” putol ni Apollo sa sasabihin ko. “So, you should know you have no chance,” Apollo added with a mocking smile on his face.
Ngumiti lang si Peter at bumaling sa akin habang humawak naman ako sa likod ni Apollo at lihim ko siyang kinurot dahil sa ginagawa niya ngayon.
“I’ll go ahead, Lia,” paalam ni Peter at agad na lumapit sa elevator.
Marahas ko namang itinulak si Apollo habang masama ang tingin ko sa kaniya. Ano bang problema niya? Saka bakit sinundan niya ako?
“Who is he?” muling tanong ni Apollo sa akin at lumingon pa sa may elevator pero papasok na si Peter sa loob noon na bahagya pang kumaway sa akin kaya nginitian ko siya.
“It’s not fake.”
Kinunutan ko siya ng noo.
“Funny how your smile looks different when it’s not meant for me.”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
“You gave me the fake one, while you are giving him the real one. Do you know him?” Nakatikwas ang kilay na tanong niya sa akin pero sa halip na sagutin ko siya ay tinalikuran ko na lang siya para magtungo sa hotel room ko.
“Do you like him?” muling tanong pa ni Apollo habang nakasunod sa akin.
Kababalik ko pa lang ng bansa pero ang daming beses na agad naming nagkita at ngayon ay kung ano-anong walang kwentang tanong pa ang lumalabas sa bibig niya.
Tinap ko ang card na hawak ko para buksan ang room ko. Pero tinuon ni Apollo ang kamay niya sa pinto nang akmang isasara ko na iyon.
“Ano bang kailangan mo? Hindi ka ba busy?”
“I am.”
“Then why are you here?”
“Why are you mad?” Nginisihan pa niya ako na parang nang-aasar.
“Ano bang kailangan mo sa akin?” Iniwan ko na nga siya sa parking kanina pero sinundan pa niya ako rito. At pinigilan pa niya akong sabihin kay Peter na divorce na kami kaya baka iniisip noon na kasal pa rin ako kay Apollo.
“Let’s have a lunch,” yaya nito na para bang sobrang close naming dalawa.
“Busog ako.” Nagpaalam na nga ako kanina para hindi ko siya makasabay na kumain tapos yayain naman niya ako.
“How come? Hindi ka pa nagla-lunch, don’t tell me you still love skipping meals?”
Asar na tumingin ako sa kaniya.
“It’s none of your business,” magaspang na sagot ko sa kaniya. Kailan pa siya nagkameron ng pakialam sa akin?
“You almost say yes to eating with that man, but you are rejecting me. So, you prefer to eat with him rather than with me?” kung makapagsalita siya parang may nagawa pa akong kasalanan dahil naniningkit pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“Will you please stop it. Kung ano man ang ginagawa mo ngayon, itigil mo na. Can’t we just ignore each other? Hindi mo kailangang gawin ito.”
Bakit ganito siya? Samantalang dati noong kasal pa kami, parang hangin lang ako sa kaniya. Bakit hindi na lang siya maging gaya ng dati? Bakit hindi na lang maging gaya dati na wala siyang pakialam sa akin?
Hindi ko maintindihan ang inaasal niya. Kailan pa siya naging makulit?
“I just want to be friend with you. I know we’re separated, but we end up everything without bad blood, so I think it’s not bad if we can be friends.”
“Hindi ko kailangan ng kaibigan,” matigas na sagot ko sa kaniya at ipinagsak pasara ang pinto sa pagmumukha niya.
Marahas akong napabuga ng hangin mula sa dibdib ko. Hindi ako umuwi ng bansa para makipagkaibigan sa kaniya.
Mabilis kung kinuha ang maleta ko. Mukhang kailangan ko nang umuwi ng bahay. Kapag nagtagal pa ako dito sa hotel, mas madalas kong makikita si Apollo at wala akong balak na makipagkaibigan sa kaniya.