NATALIA’S POV Kadarating lang namin ni Mommy nang bahay galing sa flowershop. Maaga kaming umuwi ngayon dahil may pupuntahan daw dinner si Mommy at Daddy. Hindi ko naman na tinanong kung saan. Minsan ay may mga dinner talagang pinupuntahan ang mga magulang ko dahil nga Legal Director si Dad nang Haxell Group. May mga formal event silang pinupuntahan at madalas na kasama niya si Mommy. Tinatamad na naupo ako sa upuang nasa harap ng table ko. Alam kong bakasyon ang dahilan kaya nandito ako sa Pilipinas pero nami-miss ko na agad ang trabaho ko. Binuksan ko ang laptop ko at sinubukang gumawa ng mga design pero napahinto ako at napapatitig na lang sa screen ng laptop ko. Napatingin ako sa phone ko ng bigla iyong tumunog. Si Chanty ang tumatawag. “Hello?” “Hello? Still busy?” tanong niya sa

