NATALIA’S POV Nang matapos kaming kumain ni Alex ay sabay na rin kaming lumakad palabas na dalawa. Pero hindi ko alam kung nagkataon din ba na saktong palabas din si Apollo nang restaurant. Nagkatinginan kaming dalawa at napatingin ako sa dala niyang paper bag. Mukhang nagparito lang siya para umorder ng take out habang siya naman ay napansin kong kay Alex nakatingin. Lumingon ako kay Alex at ngumiti. Binigyan ko siya ng simpleng tango at tipid na ngiti. Tumango din naman siya sa akin at walang imik na nauna nang lumabas ng pinto. Siguro mas mabuti kung ganoon kapag nagkikita kaming dalawa. Iyong hindi na niya ako kailangang kausapin pa. Mas gusto ko ang ganoong trato niya para hindi ako mahirapang iwasan siya. Nang makalabas kami ng restaurant ay naghiwalay na rin kami ni Alex. Babali

