NATALIA’S POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Agad akong bumangon at kinalikot ang phone ko pagkatapos ay tumayo na ako para maligo.
Plano kong pumunta kina Lola Hera ngayong araw. Ang alam ko ay nakalabas na siya ng ospital kaya sa mansion na ako didiresto. Wala siyang alam na uuwi na ako pero nang tumawag sa akin si Tito para ipaalam ang nangyari sa kaniya ay agad akong umuwi ng Pilipinas. Ilang beses na akong sinasabihan niyang umuwi dati pero lagi akong humihindi sa kaniya. Kahit sinasabi niyang hindi siya galit sa ginawa namin Apollo, alam kong disappointed siya. Pero wala naman akong magagawa, hindi ko naman pwedeng piliting manatili sa tabi ng isang taong hindi naman ako gustong makasama.
Nagbihis lang ako ng simpleng white slacks at plain baby blue shirt, naka-tucked in ako habang may maliit na belt. Pagkatapos ay nag-flats lang ako ng sapatos.
Tumingin ako sa relong suot ko. Mag-aalas nwebe na, kaya agad ko nang kinuha ang bag ko bago ako lumabas ng hotel room. Sumakay ako ng taxi para magpahatid sa pupuntahan ko.
Alam kong magugulat siya kapag nakita ako, pero isa siya sa dahilan kung bakit umuwi ako. Na-miss ko na rin siya, kaya sigurado akong matutuwa siyang makita ako.
Nang bumaba ako sa taxi ay napatingin ako sa mataas na gate. Dati madalas akong pumaparito, may mga pagkakataon na dito ako dumidiretso paggaling ko sa klase ko noong high school at college pa lang ako.
Nag-doorbell ako at makalipas ang ilang sandali ay may babaeng nagbukas ng gate. Nanlalaki ang mga mata nito ng makita ako.
“Ma’am Lia!” masayang masayang saad niya.
“Hello, Ate Lottie,” nakangiting bati ko sa kaniya.
“Pasok po kayo.” Natatarantang binuksan niya nang malaki ang gate para makapasok ako. “Naku, siguradong matutuwa si Ma’am Hera na makita kayo.”
Ngumiti ako sa sinabi ni Lottie at sumunod sa kaniya patungo sa kwarto ni Lola Hera pero napahinto ako nang makita ko si Tita Kendra.
“Lia, you are back!” nanlalaki ang mga matang saad nito at nagmamadaling lumapit sa akin para ibeso ako.
“Hello po, Tita. Kumusta kayo?”
“I am okay, I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” nagtatampong saad nito.
“Naging busy lang po,” pagdadahilan ko sa kaniya.
Ngumuso siya sa akin.
“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko nakalimutan mo na kami,” aniya at humawak sa braso ko, siya na ang sumama sa akin para magtungo sa kwarto ni Lola Hera. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik, kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas nagtatampo siya.”
Alam ko naman iyon. Kaya nga nandito ako ngayon para mag-sorry sa kaniya. Huminga ako nang malalim nang buksan ni Tita Kendra ang pinto ng kwarto ni Lola Hera.
“Ma, may bisita ka,” pagbibigay alam ni Tita Kendra dahilan para mapalingon sa amin si Lola Hera na nakatulala lang habang nakatingin sa labas ng balcony niya. Nakaupo ito sa isang rocking chair at tila malalim ang iniisip.
Matamis akong ngumiti sa kaniya. Unti-unting rumishestro sa mukha niya ang isang ngiti nang makita ako.
“Natalia…”
“Lola.”
“Bumalik ka na.”
Tumango ako sa kaniya habang namamasa ang luha ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya lumuhod sa harapan niya.
“I am sorry,” naiiyak na saad ko habang nakayuko ako.
Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman kong pinawakan niya ang balikat ko.
“Wala kang kasalanan. Naiintindihan ko. Hindi ko dapat kayo pinilit na magpakasal na dalawa. Ako ang patawarin mo. Akala ko kasi may pag-asang maging masaya kayo ng apo ko…” saad niya pero ramdam ko ang panghihina ng boses niya. Kita ko rin ang mabilis na pagtaas at baba ng balikat niya na para bang nahihirapan siyang huminga.
“Lola, pumayag ako sa nangyari kaya wala kayong kasalanan,” bawi ko sa kaniya. Ayaw kong sisihin niya ang sarili niya dahil ginusto ko rin naman ang nangyari at alam ko na una pa lang kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. “Okay lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Sumandal siya sa rocking chair at ngumiti.
“Masaya akong nakabalik ka na. Ang tagal kong hinintay na umuwi ka. Bakit ngayon ka lang umuwi, Natalia?”
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Hindi ko masabi sa kaniya ang tunay na dahilan ko. Hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag sa lahat ang totoo, dahil alam kong selfish ang naging desisyon at dahilan ko.
“Sorry po,” iyon na lang ang tanging nasabi ko.
“Hindi naman kita papagalitan kung naghiwalay kayo. Pero naiintindihan ko rin kung bakit ka lumayo pero sana bumalik ka agad.” Malungkot na tumingin siya sa akin. “Sana nakapag-bonding pa tayo ng matagal.”
“Lola naman, ano bang sinasabi ninyo? Magba-bonding pa tayo ng matagal kaya huwag kayo magsalita ng ganiyan.” Pinahid ko ang luha ko. Alam kong successful ang operation niya dahil iyon ang kwento ni Tito Hanz sa akin, pero bakit parang ang hina niyang tingnan ngayon. Bakit parang namamaalam siya kung makapagsalita?
“Lia, alam kong hindi na—”
“Ma, stop. Kapag narinig kayo ni Apollo, pagagalitan na naman niya kayo,” saway ni Tita Kendra kay Lola.
Ikalawang asawa ni Tito Hanz si Tita Kendra at madrasta siya nina Apollo at Artemis pero kahit ganoon, close siya sa lahat.
“Si Apollo. Matigas ang ulo niya.”
Ngumiti si Lola pero bigla siyang napahawak sa ulo niya kaya nagmamadaling lumapit si Tita Kendra sa tabi niya habang nag-aalala. Maging ako ay natataranta pero hindi ko naman alam ang gagawin ko.
Nakita kong napapapikit si Lola sa sakit ng ulo niya kaya agad siyang pinainom ng gamot ni Tita Kendra. Makalipas ang ilang sandali ay kumalma na ito.
Nang muling magtaas ng tingin si Lola ay nagtatakang tumingin siya sa akin habang hindi ko naman maintindihan kung ano ang nangyayari. Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Nawala ang lungkot sa mga mata niya, parang gaya lang dati ang kapag pinapagalitan niya si Apollo ang reaksyon ng mukha niya.
“Teka?” Lumingon si Lola sa paligid. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Lia, nasaan ang asawa mo? Hindi mo kasama ang asawa mo? Huwag mong sabihin na busy na naman siya sa trabaho?”
Nagtatakang tumingin ako kay Lola bago ako bumaling kay Tita Kendra. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
Anong nangyayari?
Malungkot na ngumiti sa akin si Tita Kendra.
“Huwag kayong mag-alala, Ma. Uuwi na rin si Apollo. Sigurado akong paparito siya kasi nandito si Lia,” saad ni Tita Kendra kay Lola kaya mas lalo akong naguguluhan. “Kaya magpahinga na muna kayo.”
Inalalayan ni Tita Kendra si Lola Hera patungo sa kama. Mabagal na rin itong humakbang. Hindi gaya dati na malakas pa ito noong umalis ako. Ang tanging alam ko lang ay inatake siya sa puso at inoperahan siya kaya akala ko magaling na siya pero bakit parang may iba pa siyang problema.
“Lia, alam mo ba iyang asawa mo, dito umuwi noong nakaraan. Lasing na lasing, natatakot umuwi sa bahay n’yo kasi pagagalitan mo raw siya,” humagikhik pa si Lola Hera habang nagku-kwento na para bang kailan lang nangyari ang lahat. Wala rin naman akong matandaan na umuwing lasing si Apollo dati noong kasal pa kami, pero may mga pagkakataon na hindi talaga siya umuuwi ng bahay. "Sabi ko na nga ba tama ako. Ikaw lang magpapatino sa apo ko.”
“Lola matagal na po kaming—”
“Lia, halika, iwan muna natin si Mama para makapagpahinga siya,” pigil ni Tita Kendra sa sasabihin ko bago niya ako hinila palabas ng kwarto.
“Tita.”
Malungkot na ngumiti sa akin si Tita Kendra.
“She has a dementia, Lia.”
Natigilan ako sa sinabi ni Tita Kendra. Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang iyon.
“Minsan okay naman siya, pero kapag inaatake siya gaya kanina. Bumabalik siya sa mga nangyari na dati at iniisip niyang iyon ang kasalukuyan. Kaya siguro iniisip niya kanina na kasal pa rin kayo ni Apollo,” paliwanag niya. "Minsan naman para siyang bata."
Napasuklay ako sa buhok habang hindi makapaniwala sa naririnig ko.
Hindi ko mapigilang mag-alala. Ilang taon lang akong nawala pero hindi ko inaasahang ganito ang sasalubong sa akin.
“Kaya nga sinabi ko kay Hanz na tawagan ka, kasi lagi ka niyang hinahanap.”
Bigla akong na-guilty sa nalaman ko. Gusto ko lang naman makalimot kaya umalis ako, pero hindi ko ganito ang sasalubong sa akin pagbalik. Iniisip ko pa isang masiglang Lola Hera ang makikita ko, pero mali pala ako.
“Bumabalik din naman siya sa dati pero minsan tumatagal ng ilang araw, minsan naming sandal lang. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya pababayaan. She treated me like her own daughter, kaya hindi ako aalis sa tabi niya,” nakangiting saad ni Tita Kendra pero hindi maitago ang lungkot sa mata niya.
Ngumiti ako sa sinabi ni Tita Kendra. Nagpapasalamat ako na may isang gaya niya na alam kong handing alagaan si Lola Hera.
Gusto kong sabihin sa kaniya na tutulungan ko siya pero dalawang buwan lang ang plano kong pananatili sa Pilipinas at babalik na rin ako ng London pero sa sitwasyon ngayon hindi ko alam kung masusun
od pa ba ang plano ko.
“You’re here.”
Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Apollo. Seryoso ang mukha niya ngayon habang naglalakad palapit sa amin ni Tita Kendra.