Ilang taon na ang nakalipas, nanalo ako sa unang corporate battle ko laban kay Adrian. Mula noon, hindi niya na ako tinigilan. "This isn't over," bulong niya noon, habang nakangiti. Ngayon, sa parehong boardroom, nakatapat ko ulit siya. Sa magkabilang dulo ng mahahabang lamesa, nagtagpo ang mga mata namin. "This should be fun," bulong ni Adrian, habang nakangisi. T*ngina. Here we go again. Pinanatili kong kalmado ang mukha ko, pero alam kong matalim ang tingin ko. "Cut the theatrics, Adrian. Let’s get this over with." Ngumisi siya ulit, at umayos pa ng upo. "Relax, Ava. Hindi pa nga tayo nagsisimula, competitive ka na agad." G*go ka talaga, naisip ko, pero ngumiti lang ako. "Start the presentation." Nag-project ang financial reports sa screen. Isa-isang lumitaw ang figures, gra

