Matagal nang palaisipan sa opisina kung meron ba akong puso o kung ginagawa lang ako sa pabrika ng mga unemotional workaholics. One time, sinet-up ako ni Jai sa blind date. Nag-walkout ako in ten minutes. Pero ngayon, may bago silang libangan—ako at si Enzo. Sa pantry, isang whiteboard ang nakasulat nang malaki: "Ava & Enzo: Mag-aaway o magkakatuluyan?" Takte. "Okay, mga kaibigan," anunsyo ni Jai, hawak ang marker na parang game show host. "Tatlong category lang ang pagpipilian natin." 1. Mag-aaway at magkakasakitan (MOST LIKELY). 2. Magiging civil pero walang feelings. 3. Mag-aaway… pero mauuwi sa love story. Lahat nakatingin, excited. Parang boxing match ang pinag-uusapan. "Teka," singit ng isang empleyado. "May ‘tragic breakup’ category ba?" "Huwag kayong nega!" nakakunot-n

