Noon, first major deal ko sa Iconic Financial Group. Sigurado ako sa pitch, pero hindi sa larong corporate. "Dapat mas matapang ka, Ava." Boses ni Regina, malamig. "You need to control the room." Ngayon? Nasa harap ko siya ulit, pero may catch. "Ikaw at si Enzo ang hahawak sa negotiation." Napakurap ako. "Ano? Siya?" "Unless gusto mong ibigay kay Adrian." Bumaling ako kay Enzo. Walang kahit anong reaksyon. Parang ang buhay niya ay isang long weekend at hindi isang crisis meeting. "Looks like we’re working together again," aniya, casual, walang hint ng emotions. Hinawakan ko ang tulay ng ilong ko. Bakit parang mas talo ako dito kaysa kay Adrian? "Hindi ba pwedeng ako na lang?" tanong ko kay Regina, halos pabulong. Tumingin siya sa akin nang walang emosyon. "I need someone to bala

