Chapter 6

1401 Words
Nasa office pantry ako nang mapansin kong matagal nang nakatulala si Ava sa laptop niya. Hindi niya namalayang nandoon ako. May binabasa ba siya? Lumapit si Jai, sumilip sa screen ni Ava. “Uy, ex mo ‘yan ah.” Hindi siya gumalaw. “Bakit mo pa binabasa?” tanong ni Jai, nakataas ang kilay. “Hindi ko binabasa,” sagot ni Ava, pero hindi inalis ang cursor sa email title—Ryan Gomez: Can we talk? Tahimik lang si Ava. Kita ko ang bahagyang pagpigil ng hininga niya. “Ano? Closure?” tukso ni Jai. Walang sagot. Alam ko ‘yung hitsura niya. Hindi galit. Hindi takot. Pero may isang bagay akong nabasa sa mukha niya—Hinahanap niya pa rin ang sagot sa tanong na: Bakit hindi siya naging sapat? Maya-maya, isang mabilis na click lang. Spam folder. Delete. Tumayo siya, kinuha ang kape niya. “Tara, Jai. Marami pa ‘kong gagawin.” “Arceo, upo ka.” Malamig ang conference room. Tatlong senior managers, dalawang HR, at isang lawyer ang nakatingin sa akin. Alam kong masama ‘to. “May natanggap kaming complaint,” sabi ni Mr. Santos, itinutulak ang printout sa harap ko. Isang email. Anonymous. “Financial discrepancy?” tanong ko, hindi makapaniwala. “Walang ebidensya,” sabi ko, habang pilit kong pinapanatili ang pagiging kalmado. “Tama ka. Pero may usok na, Enzo,” sagot niya. “At alam mo ang kasabihan.” Kapag may usok, may sunog. Ganun lang? Isang email lang? “Sir, ginawa ko ang trabaho ko.” “Sigurado akong ginawa mo,” sagot niya. “Pero minsan, hindi ‘yon ang mahalaga.” Tahimik ang silid. Walang dumepensa. Walang nagtanong. Ipinasa lang nila ang desisyon—burahin ang pangalan ko bago pa mag-apoy. Mula noon, natutunan ko ang batas sa opisina—hindi mahalaga kung sino ang tama. Ang mahalaga lang? Sino ang unang matutumba. Madaling araw na, pero nasa opisina pa rin ako. Tahimik ang fire exit—hanggang sa bumukas ang pinto. Si Ava. At mukhang may sunog na naman. “Alam mo, Enzo, ang galing mong umiwas.” Napangisi ako, sinandal ang likod sa pader. “Sabi mo?” “Kung seryoso ka sa trabaho, ipakita mo,” matalim niyang sabi. “Ginagawa ko naman.” “Hindi sapat.” “Hm,” tumango ako. “O baka hindi lang sapat para sa’yo?” “Alam mo, hindi lahat ng tao kasing-dumi ng iniisip mo,” mariing sabi niya. Nagkibit-balikat ako. “At hindi rin lahat ng tao kasing-linis ng iniisip mo.” Naningkit ang mata niya. “Ano ‘yang ibig mong sabihin?” “Tama ka,” sagot ko, kalmado pero may gigil. “Minsan, hindi ko rin alam.” Tahimik kaming nagkatitigan. Hindi away ito—hindi rin debate. Pero sa isang iglap, pareho naming alam—pareho kaming sinugatan ng nakaraan. Tahimik ang opisina. Ilang araw na mula noong meeting kay Regina, pero parang may hangin na hindi gumagalaw. Lahat nagmamasid, nag-aabang ng susunod na papatayin. Si Ava, tahimik lang sa desk niya. Walang bumabati, walang lumalapit. Si Jai lang ang sumubok. “Mare, hindi ka robot. Ano na naman bang iniisip mo?” Tiningnan lang siya ni Ava. Hindi nagsalita. Pero kita ko sa mukha niya—hindi niya alam kung sino ang pwedeng pagkatiwalaan. Minsan, hindi kailangan ng salita para malaman mong may giyera. Kita ko sa mata ni Ava—naglalaro na ang utak niya ng worst-case scenarios. Sino ang nagsumbong? Sino ang nag-leak? Sino ang susunod na tatraydurin siya? At higit sa lahat… Sino sa opisina ang kakampi niya? Hindi sumagot si Ava kay Jai. Pero nang nagtagpo ang mata namin, hindi ko alam kung ba’t ko naisip ang isang bagay— Pareho kaming nag-iisa. Sa dulo ng pantry, nagkukumpulan ang ilang empleyado, pabulong na nag-uusap. Tahimik akong kumuha ng kape, pero hindi pwedeng hindi marinig ang pangalan ko. “Alam mo ba? Si Ava at Enzo daw… may relasyon.” May mahinang tawa. “Kaya pala laging magkasama.” “Hmm. Favoritism o totoo?” Nagkibit-balikat ang isa. “Pareho lang naman ‘yon sa kumpanyang ‘to.” Sumimsim ako ng kape, pinakikiramdaman ang mga boses sa paligid. Sa sulok, si Adrian—nakangiti lang. Hindi siya nagsasalita, pero kita ang amusement sa mukha niya. Nilagyan niya ng gatas ang kape niya, walang pakialam sa pagkalat ng tsismis. Dahil hindi niya kailangang magkalat. Sapat na ang iisang bulong. Isang maling tingin. At ang mga tao na mismo ang gagawa ng kwento. Kibit-balikat si Adrian, kinuha ang kape at lumabas ng pantry. Nagtagpo ang tingin namin. Ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Pero sa isip ko—wala siyang idea kung sino'ng pinaglalaruan niya. Nasa desk ako, inaayos ang files, nang biglang tumunog ang phone ko. Isang bagong text na naman. Unknown Number: You’re being watched. Careful where you step. Napasinghap ako, tumingin sa paligid. Walang kakaiba—mga empleyado, abala sa trabaho, tunog ng keyboard, lagitik ng ballpen. Pero bakit parang biglang lumamig ang hangin? Napahawak ako sa batok ko. Mula sa gilid ng paningin ko, parang may nakatingin. Pero paglingon ko? Wala. Pinagmasdan ko ang screen ng phone. Sino ‘to? Ano bang gusto nila? Hindi ito ang unang beses. Pero bakit ngayon? Gusto ba nilang may gawin ako? O gusto lang nila akong guluhin? Pinigilan kong ilagay sa bulsa ang phone. Hindi ako dapat mag-react. Pero t*ngina, hindi ako mapakali. Bago ko pa mas lalong isipin, tinawag ako ni Ava. “Enzo, meeting. Now.” Tiningnan ko ulit ang text, saka huminga nang malalim. May nagmamanman sa akin. Pero bakit? Sa harap ng conference room, hawak ko ang remote habang ipinapakita ang last slide ng proposal. Tahimik ang lahat. Hanggang sa magsalita si Adrian. “Puro numbers, pero walang impact,” aniya, nakahalukipkip, bahagyang nakangisi. May mahinang hagikhik mula sa ibang empleyado. Nagtagpo ang tingin namin. “Wala ka bang mas konkretong insights?” tanong niya, relax lang, pero ramdam ko ang tusok ng bawat salita. “Numbers are just numbers kung walang kwento, Enzo.” Alam kong pang-iinsulto ‘yon. Pero hindi ako nag-react. Kalmado lang akong tumingin sa kanya. “Depende kung sino ang nagbabasa.” Ngumisi siya. “O depende kung may nakikinig.” Napansin kong dumapo ang tingin niya kay Ava, para bang hinihintay kung sasang-ayon siya. Pero hindi siya kumibo. Naghihintay lang. Hindi ako sumagot kay Adrian. Sa halip, tumingin ako kay Ava. Kung ako, hindi papatol sa pang-iinsulto, siya kaya? O bibitawan niya rin ako? Habang nagtatawanan ang iba sa meeting, napansin kong may isang hindi sumasabay. Si Ryan. Tahimik. Nakayuko. Para bang gusto niyang mawala sa upuan niya. Alam kong nakikinig siya. Alam kong naririnig niya ang tsismis—ako at si Ava, may relasyon daw. Pero hindi siya nagsasalita. “Ryan, okay ka lang?” bulong ni Jai, bahagyang tinatapik ang braso niya. Napalingon ako sa kanila. “Ha? Oo naman,” sagot niya, pero hindi siya tumingin sa amin. Alam kong hindi lang ito tungkol sa chismis. Kasalanan niya kung bakit hindi makapagtiwala si Ava. Alam niya ‘yon. At ngayon, siya mismo ang nasa gitna ng isang mas malaking gulo—dahil paano ka babawi sa taong nasaktan mo, kung alam mong hindi ka na niya papaniwalaan? Hindi siya nagsalita. Hindi siya tumayo. Pero kita ko sa kanya—may pinipigilan siyang gawin. At kung hindi siya kikilos ngayon, baka wala nang bukas. “May client visit tayong kailangang asikasuhin sa Batangas,” ani Regina, malamig ang tono. Tahimik ang conference room. Nagtaas ng kamay si Ava. “I’ll handle it.” Nagbulungan ang iba—hindi normal na siya mismo ang magbo-volunteer. Pero mas lumakas ang usapan nang… “Kasama si Enzo,” dagdag niya na may diretsong tingin kay Regina. Napatingin ako sa kanya. “Ako?” T*ngina, ngayon lang ako ni-recruit nang ganito kabilis. Biglang may umubo sa tabi ko. “Well,” ani Adrian, nakangiti. “Baka gusto n’yong may sumama para… extra support?” Nagtagpo ang tingin namin. Put*ngina. Ngumiti ako, habang tinitikman ang laro niya. “Sigurado ka?” “Of course,” sagot niya. “Ayokong mahirapan kayo, lalo na sa field.” Lason. At alam niyang lason ‘yon. Alam kong hindi lang ito simpleng trip. Alam kong may agenda si Adrian. At kung anuman ang balak niya, isang bagay ang sigurado—hindi ako ang titimbuwang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD