Tumunog ang cellphone ko. Isang email notification.
Wala akong ini-expect na importante.
Binuksan ko ang email.
Walang pangalan, walang signature. Pero diretso ang mensahe: "Tumigil ka na kung ayaw mong masira. Mas may hawak akong ebidensya laban sa inyo ni Ava."
Napamura ako nang mahina, “T*ngina!”
Sino?
Saan galing ‘to?
At mas mahalaga—ano ang hawak nila?
Naramdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko.
Kung totoo ‘to, anong klaseng ebidensya ang sinasabi nila?
Peke lang ba? O may nilulutong kwento?
Napatingin ako kay Ava, abala pa rin kay Regina.
Hindi niya alam na may isa pang sumusundot sa likod namin.
Humigpit ang hawak ko sa phone.
Hindi ako pwedeng magpadala sa takot.
Pero isang bagay ang sigurado—May nagmamanman sa amin. At gusto talaga nila kaming pabagsakin.
Binalingan ko si Ava. Tahimik pa rin, pero may tensyon sa katawan niya.
Parang may kutob siyang may mali.
Sa gilid ng paningin ko, may gumalaw.
Si Ryan.
Nakatayo sa labas ng pinto, bahagyang nakasilip.
Parang may gustong sabihin, pero hindi makahanap ng tiyempo.
Parang may gustong itama, pero natatakot sa pwedeng mangyari.
Ano bang alam mo, Ryan?
Nagtama ang tingin namin ni Ryan.
Segundo lang.
Pero sapat na para makita ko—may dinadala siyang sikreto.
Isang bagay na hindi niya masabi, pero kinakain siya ng konsensya.
Napatingin siya kay Ava.
Tapos bumalik sa akin.
Gusto kong sigawan siya.
Kung may alam ka, sabihin mo na!
Pero hindi siya nagsalita.
Hindi siya gumalaw.
Hanggang sa dahan-dahan siyang umatras, na parang pinili niyang wag makialam.
Tahimik ang silid.
Pero nang magsalita ulit si Regina, "Kung may magpapatunay na totoo ito…" napatingin ako sa kanya.
Bumaling siya sa papel na nasa mesa. “…baka kailangan nating magtanggal ng tao.”
Parang bumagsak ang mundo ko.
Napatingin ako kay Ava—matigas pa rin ang mukha niya, pero alam kong ramdam niya ang panganib.
Seryoso si Regina.
At kahit sino sa amin… kayang mawala sa isang iglap.
Tumingin ako kay Adrian.
Hindi siya nagsasalita, pero kita sa mata niya ang kasiyahan.
T*ngina.
Ginagawa niya ang lahat para mangyari ‘to.
At si Regina?
Hindi ko alam kung laro lang ‘to sa kanya, o seryoso siyang ibagsak kami.
Kung may isang maling sagot lang akong ibigay…
Maaaring ito na ang magiging huling araw ko sa kumpanyang ito.
Tahimik si Adrian, pero ramdam ko ang kasiyahan niya.
Ngumisi siya, bahagyang yumuko palapit.
“Dapat sanay ka na sa pagkakamali, Enzo,” bulong niya.
Napatigil ako.
Ang boses niya, ang tono—para akong binatukan ng alaala.
Ilang taon na ang lumipas, pero bumalik ang eksena sa isip ko.
Ang conference room.
Ang mga nakaupo.
Ang galit sa mga mata nila habang ako ang sinisisi sa isang kasalanang hindi ko ginawa.
Scapegoat.
“Wala akong kasalanan,” sinabi ko noon.
Pero hindi sila nakinig.
May desisyon na bago pa ako makapagsalita.
Nang araw na ‘yon, nawala ang trabaho ko, ang pangalan ko.
At ngayon?
Si Adrian. Si Regina.
Pareho ang tingin nila sa akin.
Parang nag-aabang lang sila ng huling sipa.
Napatingin ako kay Adrian.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.
Pero isang bagay ang sigurado—Hindi ako papayag na bumagsak muli nang walang laban.
Tumayo ako.
Ramdam ko ang bigat ng bawat galaw, pero hindi ko inalintana.
Iniangat ko ang ulo ko, hindi ako papayag na makita nila akong natatakot.
Nagtagpo ang tingin namin ni Regina.
“Ma’am,” malamig kong sabi, “kung pagbabasehan natin ang email na ‘yan… bakit hindi natin tinitingnan kung sino ang may pinakamalakas na motibo?”
Tahimik ang silid.
Si Regina, hindi nag-react.
Si Ava, bahagyang napaangat ang tingin.
Si Adrian?
Halos hindi niya maipinta ang mukha niya.
“Ano’ng pinapahiwatig mo, Enzo?” tanong ni Regina, malamig ang boses.
Diretso kong tinapunan ng tingin si Adrian.
“Ang sinumang may pinaka-maraming pwedeng makuha… at pinaka-kaunting mawawala.”
Nagtagpo ulit ang tingin namin ni Adrian.
At sa unang pagkakataon, nawala ang ngiti niya.
Ngayon, alam niyang hindi ako titigil nang hindi lumalaban.
Lahat ng mata, isang direksyon lang ang tinatahak—papunta kay Adrian.
Siya lang ang hindi kumportable sa spotlight na ito.
Bumaling ako sa kanya, dahan-dahan, pero may bigat ang bawat salita.
“At ikaw, Adrian…”
Halos maramdaman ko ang pagdikit ng tensyon sa hangin.
“Handa ka bang sumumpa na wala kang kinalaman dito?”
Wala siyang sagot.
At sa opisina namin, ang pananahimik ay mas malakas pa sa kumpirmasyon.
Napakagat siya sa loob ng pisngi. Kita ko ang bahagyang galaw ng lalamunan niya, ang pagpipigil sa sariling hindi madulas.
Si Ava, hindi bumitaw sa titig sa kanya.
Si Regina? Hindi kumikibo, pero alam kong nasisiyahan siya sa eksenang ito.
“Ba’t ako?” sagot ni Adrian, pilit ang ngiti.
Pero ramdam ko—nababasag na siya.
Umangat ang kilay ko.
“Kung wala kang tinatago, madali lang namang sumagot, di ba?”
Tumingin siya kay Regina, parang naghahanap ng sagot.
Pero wala siyang nakuha.
Walang gumagalaw.
Walang nagsasalita.
Pero kahit walang tunog, ramdam ko ang bigat ng mga mata sa silid—lahat naghihintay sa susunod na mangyayari.
Si Regina, nakasandal lang sa upuan niya, hindi umiimik, pero alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ni Adrian.
Si Ava, tahimik, pero mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay niya.
At si Adrian?
Nakatayo siya roon, may bahid pa ng ngiti… pero sa likod nun, may basag na kumpiyansa.
Napadako ulit ang tingin niya kay Regina, parang naghahanap ng direksyon.
Pero wala siyang makitang sagot sa mga mata nito.
Alam niyang hindi siya sasaluhin nito.
Dahan-dahan siyang bumaling sa akin.
Nagkibit-balikat ako. “Ano, Adrian? Wala kang sasabihin?”
Nagsimula siyang magsalita, pero…
Tumunog ang cellphone ni Regina.
Lahat napatingin sa kanya.
Si Regina, walang reaksyon, pero kita kong may bahagyang pagkunot ng noo.
Tiningnan niya ang screen.
Tapos, tumingin siya ng diretso sa akin.
Ngumisi si Adrian, pero hindi iyon ang dating mapanuksong ngiti.
Ito’y pilit, at may bahagyang pag-aalinlangan.
“Bakit ako?” tanong niya ulit, may bahid pa ng yabang.
Tiningnan ko siya nang diretso.
“Dahil ikaw ang may pinakamaraming rason para pabagsakin kami,” sagot ko, walang takot, walang pag-aalinlangan.
Natahimik siya.
Alam kong sapul.
Minsan, hindi mo kailangang maglabas ng ebidensya—
Minsan, sapat nang sabihin mo ang katotohanan nang buong kumpiyansa para yanigin ang kalaban.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Si Adrian, hindi na makangiti nang buo.
Napatingin ako kay Ava.
Tahimik siya, pero alam kong hinihintay niya kung susugal ako.
Tumingin siya sa akin saglit, tapos…
Tumango.
Tahimik lang, pero sapat na ‘yon.
Bumaling si Adrian kay Regina, parang umaasang magsasalita na ito.
Pero wala pa din siyang nakuha.
At sa unang pagkakataon, nakita ko siyang nagdududa… sa sarili niyang laro.
Bago pa makasagot si Adrian, may tunog na pumuno sa tahimik na silid—isang email notification mula sa laptop ni Regina.
Lahat ng mata, napunta sa kanya.
Walang imik na binasa ni Regina ang email.
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya.
Alam kong bihira siyang ma-shock—pero ngayon, halatang hindi niya inaasahan ang nakita niya.
Tumingin ako kay Ava, napakunot ang noo niya.
May mas malaking nangyayari dito.
At hindi namin alam kung anong papasabugin nito.
Dahan-dahang isinara ni Regina ang laptop, pero huli na—nakita kong mabilis ang screen bago niya ito itinago.
Napansin ko ang subject line.
“Project L.A. – Restricted File Request Approved.”
T*ngina.
Alam kong hindi ito coincidence.
May koneksyon ito sa lahat ng mga nangyayari.
Tahimik na tumingin si Regina sa akin.
Hindi si Ava.
Hindi si Adrian.
Ako.
At sa isang iglap, alam kong ako na ang susunod niyang target.