Chapter 5 (Part 1)

1790 Words
Malamig ang conference room. Pinilit kong itago ang kaba habang nakatayo sa harap ng mga senior executives. Hawak ko ang report—isang crucial financial forecast. “Mr. Arceo, paki-explain ito,” malamig na wika ng boss kong si Mr. Fernandez, itinuturo ang projected revenue table. Tiningnan ko ang screen—may nawawalang data. Nanlamig ako. “Sir, I swear, nasa file ‘yan kanina.” “Hindi ito tungkol sa paniniwala mo. Nasaan ang data?” Tahimik ang lahat. Walang sumaklolo. “Alam mo bang sa corporate world, isang pagkakamali mo lang, tapos ka na?” bulong ni Mr. Fernandez, pero sapat para marinig ng lahat. “Sir, may backup file po ako—” “Too late.” Napatingin ako sa paligid. Mga dati kong kaibigan? Wala. Lahat, umiiwas ng tingin. Iyon ang araw na natutunan ko—hindi sapat ang husay sa trabahong ito. Hindi sapat ang sipag. At higit sa lahat, walang kakampi ang mga mahina. Pumasok ako nang mas maaga kaysa dati. Tahimik ang opisina, pero may bumabagabag sa akin. Ang text kagabi—sino ang nagpadala? Sino ang nagmamanman? Umupo ako sa desk, ini-scan ang paligid. Normal lang ang lahat—mga kasamang abala sa trabaho, tunog ng keyboard, tunog ng coffee machine. Pero bakit parang may bumibigat sa dibdib ko? Malamig ang likod ng leeg ko. Mula sa sulok ng mata, parang may nakatingin. "Put*ngina, paranoid ka lang," bulong ko sa sarili, habang sinubukan kong ayusin ang utak ko. Pero hindi ko magawa. Binuksan ko ang phone ko. Walang bagong mensahe, pero nananatili roon ang isa—"Watch your back." Napalunok ako. Kung biro ito, hindi ako natatawa. Kung babala ito, anong kasunod? Sumandal ako, pinakikiramdaman ang paligid. May nakikipaglaro sa akin. Ang tanong, isa ba ‘tong laro lang? O isa akong pawn sa isang mas malaking plano? Sa kabilang dulo ng opisina, nakita kong abala si Ava sa mga papeles. “Hoy, Ava,” bulong ni Jai, siniko siya. “Ba’t parang may bumabagabag sa’yo?” “Huh? Wala,” sagot ni Ava. Hindi siya sanay magpakita ng kahinaan, pero may bigat sa balikat niya ngayon. Hindi namin pinag-uusapan, pero alam kong pareho kaming may iniisip. Nagtama ang tingin namin ni Ava mula sa malayo. Hindi na kailangang magsalita. Pareho naming alam—may nangyayari. Si Jai, napangiwi. “Grabe kayo, ha. Ano ‘to? Silent conversation?” “Shut up, Jai,” sagot ni Ava, pero hindi niya itinanggi. Hindi rin niya inalis ang tingin sa akin. Bumalik siya sa trabaho. Bumalik ako sa mga iniisip ko. Pero hindi ko matanggal ang pakiramdam—kung may laban na paparating, alam kong hindi lang ako ang target. Bumaba ako sa pantry para kumuha ng kape. Tahimik. Hanggang sa makita ko si Ryan, nakaupo sa gilid ng counter—mukhang hindi mapakali. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo. “Kung hindi dahil sa’yo, siguro napahiya na kami ni Ava,” mahinang sabi niya. Pinagmasdan ko siya. Totoo ba ‘to? “Hindi mo kailangang magpasalamat,” sagot ko, habang nilalagyan ng kape ang tumbler ko. Pero hindi siya umalis. Parang may gusto pa siyang sabihin. “Alam kong hindi ako mapagkakatiwalaan ni Ava,” bulong niya, halatang nag-aalinlangan. Napapikit ako sandali. T*ngina. Gusto kong sabihin, ikaw mismo ang gumawa ng dahilan para hindi ka niya pagkatiwalaan. Pero tumahimik nalang ako. Nakatitig lang si Ryan, parang naghahanap ng sagot. “May pagkakataon pa ba akong bumawi?” Tinitigan ko lang siya, hindi agad sumagot. Sa corporate world, may pangalawang pagkakataon ba talaga? O minsan, kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik ang tiwala? Tahimik ang pantry. Kaming dalawa lang ni Ryan. Pero parang biglang lumamig ang hangin nang marinig ko ang isang boses sa likod namin. “Oh, mukhang nagkakamabutihan kayo, ah.” Si Adrian, nakasandal sa pinto, may ngising hindi ko talaga gusto. “Ang sarap sigurong panoorin ng dalawang underdog na nagko-console sa isa’t isa.” Napatingin si Ryan sa sahig. Nilalaro ko lang ang hawak kong tumbler ng kape. “Walang ganun, Velasquez,” sagot ko nang malamig, pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. “Talaga?” Umiling siya, lumapit pa. “Para namang—” “Wala akong oras sa laro mo.” Tumingin siya kay Ryan. “Ikaw, may oras ka ba?” Hindi nakasagot si Ryan. Ngumisi si Adrian. “Tsk. Weak. As usual.” Bumuntong-hininga ako. Lason talaga ang presensya ni Adrian—pumapasok nang walang paalam, pinapanood ang reaksyon ng iba, saka tinatarget ang pinakamahina. And for today’s video, target niya si Ryan. Bago pa ako makalabas ng pantry, may biglang bumigat sa dibdib ko. May tumitingin. Dahan-dahan akong lumingon at doon ko siya nakita. Si Boss Regina. Nakatayo sa corridor, sa likod ng glass window. Hindi gumagalaw. Hindi nagsasalita. Pero alam kong kanina pa siya nandoon. Nanlalamig ang batok ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya—kalma, pero may lalim ang titig. Para bang… inaabangan niya kung ano ang susunod kong gagawin. Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi siya kumurap. Ni hindi siya nagpakita ng anumang emosyon. “Parang may gusto siyang makita,” bulong ni Adrian mula sa likuran ko. Hindi ako nag-react. Pero sa isip ko, isang tanong ang bumabagabag: Ano’ng plano ni Boss Regina… at bakit parang ako ang sunod niyang target? Tahimik siyang tumalikod at naglakad palayo. Pero hindi ko naalis ang bigat ng titig niya sa isip ko. Hindi ako sigurado… pero alam kong may darating. Lumipas ang ilang oras. Akala ko, tahimik na ang araw ko. Pero biglang bumungad si Jai, may ngiting may halong awa. “Hoy, kayong dalawa.” Napataas ang kilay ko. “Ano na naman, Jai?” “Si Ma’am Regina gusto kayong makausap,” aniya, may diin sa salitang *kayong dalawa*. Napatingin ako kay Ava, kita sa mukha niya ang inis. “Ngayon?” tanong niya. “Ngayon na,” sagot ni Jai. “At good luck na lang.” Biglang bumigat ang hangin. Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi pa ako kailanman napatawag sa 10th Floor. At sa isang kumpanyang ganito kabangis, hindi ka basta-basta pinapatawag para lang sa isang *friendly chat*. Alam kong may ibig sabihin ‘to. At siguradong hindi maganda. Nagtama ang tingin namin ni Ava. Walang nagsalita, pero pareho naming alam— Isa lang ang rason kung bakit kami tinatawag ni Regina. Pagdating namin sa 10th Floor, bumungad agad si Adrian—relax na nakatayo sa tabi ni Boss Regina. May ngiti siya. Pero hindi ito pangkaraniwan. “Wow. Special invitation pala kayo,” ani Adrian, nakahalukipkip at nakangisi. Tiningnan ko lang siya, pero ramdam kong gusto niyang may makitang reaksyon. Si Ava, tahimik pero halatang naiirita. Si Regina? Tahimik lang. Pero ang mata niya, nakatutok sa amin—hindi galit, hindi rin friendly. Para bang… nag-aantay. “Upo,” malamig na sabi ni Regina. Agad akong nagmatyag. Hindi ako tanga. Ang totoong laban sa opisina, hindi sa harap ng reports nangyayari. Nang tumabi ako kay Ava, lumapit si Adrian. “Relax ka lang, Enzo,” bulong niya. “Huwag kang masyadong defensive. Baka isipin nilang guilty ka.” Napatitig ako kay Adrian, pero hindi ako sumagot. Sa loob-loob ko, alam ko na—hindi ito simpleng meeting. Isa itong trial. At kami ni Ava ang nasa hot seat. Umupo ako, pero hindi ako kumportable. Si Regina, nakasandal sa upuan, walang ekspresyon. Tahimik si Ava sa tabi ko. Tapos, bumukas ang bibig niya. “Napansin kong mahusay ang performance mo, Enzo,” panimula ni Regina, tinatapik ang mesa. “Pero may ilang… hindi magandang nangyayari sa team ninyo.” Napatingin ako kay Ava. Sabay inilapag ni Regina ang isang papel sa harapan namin. A printed email. Isang anonymous report laban sa amin. Nagbasa ako nang mabilis. “Unprofessional conduct between two employees… inappropriate closeness affecting the team’s morale…” Put*ngina. Napatingin ako kay Adrian. Nakahilig siya sa upuan niya, nakangiti na parang may inaantay. So ito pala ang laro mo, Velasquez. Sinubukan kong hindi magpakita ng emosyon. Tahimik ang buong silid. Si Regina, nakatitig lang sa amin. Si Ava, nakakuyom ang kamao. At ako? Alam kong kailangan kong mag-ingat. Maliit ang espasyo para magkamali. Tahimik akong nakaupo, pero ang isip ko, hindi. Ganito magsimula ang pagbagsak—isang memo, isang paratang, at isang kwento na hindi mo kontrolado. Naalala ko si Greg. Dati siyang senior analyst, may pamilya, respetado. Isang araw, may anonymous complaint laban sa kanya—isang tsismis na wala namang pruweba. Hindi siya nakapagtanggol. Dalawang linggo lang, wala na siya sa kumpanya. Burado. Parang hindi siya kailanman naging bahagi nito. Ngayon, kami ni Ava ang nasa posisyon niya. Malamang may nagkukwentuhan na rin sa pantry. “Alam mo ba, may something daw sila?” “Kaya pala laging magkasama.” “Naaapektuhan na raw ang team.” Ganun lang. Isang maling tingin, isang maling bulong—sapat na para sirain ang pangalan mo. Tumingin ako kay Ava, pero nakatingin siya sa mesa, mariing nakakuyom ang mga kamay. Hindi na ito tungkol sa trabaho. Ito ay isang hatol. Isang paghusga. Pinagmasdan ko si Regina—walang emosyon. Si Adrian—may mapanuksong ngiti. Alam kong may niluluto sila. Alam kong kami ang putahe. Mabilis lang burahin ang pangalan mo rito. Hindi mo kailangang magkamali. Minsan, sapat na ang maling kwento para tanggalin ka. Isang tsismis, isang bulong sa tamang tenga. “Lumalampas na raw sila sa pagiging propesyonal.” “Naaapektuhan ang trabaho.” Ganun lang kadali maging target. “Anong iniisip mo, Arceo?” Nagtagpo ang tingin namin ni Adrian. Ngumisi siya. Walang takot. Walang guilt. Gusto niyang makita akong bumigay. Pero hindi ako bibigay. “Iniisip ko lang,” sagot ko, malamig ang boses, “kung paano ka nakakagalaw nang ganyan… nang hindi natatakot na ikaw naman ang matisod.” Hindi nawala ang ngiti ni Adrian, pero may bahagyang pagbabago sa mata niya. Alam kong naramdaman niya. Tiningnan ko si Ava. Tahimik, pero matigas ang panga. Alam kong naiipit siya, pero hindi siya sumusuko. “Anong plano mo?” mahinang bulong, hindi inaalis ang tingin kay Regina. Hinintay kong sumagot siya, pero tahimik lang siya. Hindi niya kailangan sabihin. Alam kong pareho kami ng iniisip. Papatayin ka ng corporate politics kung tatanggapin mo lang lahat. Kung di ka lalaban, ikaw ang matutumba. “Tinatanggap mo ba ang paratang?” malamig na dagdag ni Regina. Biglang napalingon si Adrian, inaantay ang sagot ko. Napangisi siya. Inaabangan niyang sabihin kong oo. Iyon ang mas madali. Iyon ang mas ligtas. Pero napatingin ako kay Ava. At sa isang iglap, alam ko na ang sagot. Umangat ang mukha ko. Binalingan si Regina. Huminga nang malalim. At sa malamig na boses, sinabi ko: “Kung ganyan ang laro ninyo… handa akong lumaban.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD