Ava's POV. Maliit lang ang apartment namin noong mga panahong nag-aaral palang ako, pero mula sa bintana, kita ko ang mga ilaw ng siyudad. “Balang araw, magiging akin din ang isa sa mga ‘yan,” pangako ko sa sarili ko. Ngayon, parang unti-unting binabawi ng mundo ang lahat ng inabot ko. Nakatanaw ako sa bintana ng condo, hawak ang malamig na baso ng wine. Sa loob lang ng ilang araw, bumagsak ang lahat. Nagngingitngit ako sa galit. P*ta, paano nangyari ‘to? Binuksan ko ang laptop at sinuri ulit ang headline. "IFG’s Ava Marquez: From Powerhouse to Scapegoat?" Napangisi ako, walang emosyon. Ang ironic. Dati, ako ang nagdidikta ng kwento sa media. Ngayon, ako na ang pinagpipiyestahan. Nag-vibrate ang phone ko—si Regina. Hindi ko sinagot. Alam kong hindi ‘to tawag para suportahan

