Bago pa bumagsak ang Orion Financial Group, may isang hindi kilalang source ang naglabas ng impormasyong nagpatumba rito. Walang nakahanap ng tunay na nag-leak. Ngayon, parehong-pareho ang nangyayari sa Iconic Financial Group. Sa malalaking screen ng financial news networks, isang headline ang kumalat: "Velasquez Holdings Claims IFG Engineered Orion's Collapse – Insider Leaks Proof." Sa opisina ni Ava, bumagsak ang remote sa lamesa. “You’ve got to be kidding me.” Sa loob ng emergency board meeting, ang tensyon ay parang kutsilyong nakasaksak sa hangin. Tahimik lang si Regina pero ang tingin ay matalim. “Ava,” aniya, malamig ang boses. “Explain.” “Walang katotohanan ‘yan,” sagot ko, habang nilalabanan ang galit sa lalamunan. Pero wala kahit isa sa board members ang mukhang kumbinsi

