Chapter 2

1620 Words
"P*ta, parang giyera na naman dito," bulong ko, habang pumapasok sa opisina. Tumitili ang printer, tunog machine gun, at ang keyboard—parang rapid fire sa battlefield. "Enzo, halika rito!" sigaw ni Jai na nakangisi. "May malaking presentation mamaya. Alam mo na... corporate hunger games." Napakunot-noo ako. "Sino na namang magpapasabog?" Sabay kaming napatingin kay Ava, matikas ang tindig pero halatang hindi nakatulog. Sa kabilang banda, si Ryan ay mukhang nanlalamig. At sa sulok, si Adrian—na may mapanirang ngiti. Ramdam ko ang bigat ng hangin. Kung may sasabog man, sigurado akong malapit na. "Narinig mo na ba?" bulong ni Jai, siniko ako. "Pinush ni Adrian na isama si Ryan sa presentation." "Ha?!" Napatingin ako kay Ava, na mukhang nagpipigil ng galit habang nakikinig kay Boss Regina. "Huwag kang madiskaril, Ava," malamig na sabi ni Regina. "This is a test of leadership. Kung palpak team mo, ikaw ang mananagot." Tahimik si Ava. Pero kita ko ang panginginig ng kamao niya. Sumingit si Adrian, kunwari’y concerned. "Oh, Ava, kaya mo ba? Baka kailangan mo ng tulong ko." "Hindi ko kailangan ng ahas sa team ko," matalim na sagot ni Ava. Napangiti si Adrian. "Well, let’s see. Kung may babagsak, sigurado akong hindi ako ‘yon." Napamura ako sa isip. Malinaw na may gustong pabagsakin si Adrian ngayong araw. "Ryan, ikaw na sa financial breakdown," utos ni Ava, malamig ang boses. "N—Nakuha ko," sagot ni Ryan, pero nanginginig ang kamay habang binubuksan ang laptop. Isang segundo lang ang lumipas nang mag-freeze ang screen niya. Napahinto ang buong kwarto. "Anong problema?" singhal ni Ava. "W-Wala yung file," bulong ni Ryan, namumutla. Nagtawanan ang ilan sa gilid—kasama si Adrian. "Oh no, Ava. Mukhang may malaking problema ka." Ramdam ko ang biglang buhos ng kaba. Hindi pa nagsisimula ang laban, pero may bumagsak na agad. "Nasan ang report mo, Enzo?" malamig na tanong ni Ava, hindi inaalis ang tingin sa akin. Kinuyom ko ang kamao ko. "Inaayos ko pa. May kulang sa data—" Napasinghap si Adrian. "Kulang? Ava, akala ko ba maaasahan ang team mo?" Tumahimik ang buong kwarto. Hindi ko inasahan na ako ang unang babanatan. Lumapit si Boss Regina, nakapamulsa. "Enzo, paano ka makakakuha ng promosyon kung ganito ka kabagal?" Lalong uminit ang mukha ko. Hindi ko na napigilan. "May discrepancy kasi sa figures. Kung pipilitin ko ngayon, mali ang lalabas." Nagtaas ng kilay si Adrian. "So sinasabi mong may mali ang data?" Umiling ako. "Ang sinasabi ko—" "Excuses," sabat ni Regina. "Ava, control your team. Kung ganito ang performance nila, baka hindi na kita maprotektahan." Nakita kong lumamig ang tingin ni Ava sa akin. Ramdam ko ang pagkapahiya ko. Lahat ng mata nasa akin. Sa gilid, narinig ko ang mahina ngunit malinaw na bulong ni Jai: "Lintek. Alam kong palpak si Ryan, pero ikaw?" Napatingin ako sa laptop ko, pilit nilulunok ang inis. Bakit ako ang naging target? Sa gilid ng paningin ko, nakangisi si Adrian. At doon ko napagtanto—hindi lang si Ava ang target niya. Kasama na ako. Napabuntong-hininga ako habang nakatambay sa pantry, nakatitig sa tumbler kong wala nang laman. Wala na nga akong kape, wala pa akong mukha na maiharap sa team matapos ang nangyari kanina. "Hoy, ano ‘to? Midlife crisis?" biglang sabat ni Jai, naupo sa tabi ko at tumungga ng iced coffee. "Ngayon ka lang ba napahiya sa harap ng lahat?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Salamat sa suporta ha!" Ngumisi siya. "Relax ka lang, Enzo. Masasanay ka rin." Napailing ako. "Ang labo kasi. Ginawa ko naman lahat, pero bakit ako ang pinag-initan? Parang... parang kahit anong gawin ko, mali pa rin." Naging seryoso ang mukha ni Jai. "Sa opisina, hindi lang sipag ang labanan, tol. Diskarte. Sino ba’ng inaasahan mong kakampi mo rito?" Napakunot-noo ako. "Ano ibig mong sabihin?" Umiling siya. "Ikaw lang kasi ang hindi nakakakita ng laro. Hindi ‘to tungkol sa kung sino ang magaling." Napaisip ako. Totoo nga, wala akong binatbat pagdating sa office politics. Si Ava? Sanay sa laban. Si Adrian? Masyadong tuso. Ako? Isang nobody na iniisip lang kung paano makakabayad ng kuryente this month. "Kung ganyan ang laro, dapat ba akong sumali?" Ngumiti si Jai. "Kung hindi mo kaya, umalis ka na lang." Tumingin ako sa kanya, nag-aalab ang dibdib. "T*ngina naman, Jai. Laking tulong mo talaga. Promise!" Ngumisi siya ulit. "Ayan. Ganyan dapat. Konting apoy sa mata, tol. Tanong: handa ka na bang lumaban, o aatras ka na lang?" Tahimik akong bumalik sa desk ko, ngunit sa loob-loob ko, naguguluhan pa rin ako. Tama si Jai. Kung wala akong laban, bakit ko pa ipagpapatuloy ‘to? Pero kung susuko ako ngayon, anong mangyayari? Babalik na lang ako sa pagiging walang saysay sa kumpanyang ‘to? Napatingin ako sa desktop wallpaper ko—isang lumang litrato ng bahay namin sa probinsya. Doon lumaki ang pangarap ko, pero doon din ako muntik sumuko. "Enzo, ikaw lang ang pag-asa namin." Naalala ko ang boses ng Nanay ko, hawak ang listahan ng bayarin noong unang taon ko sa Maynila. "Hindi p’wedeng dito ka lang habang buhay, anak. Lumaban ka." Alam kong hindi lang para sa sarili ko ang laban na ‘to. Para ‘to sa kanila. Naputol ang pag-iisip ko nang mapansin kong naglalakad si Ava, may hawak na folder. Agad akong tumayo. "Teka, Ava." Huminto siya, kita ang pagod sa mukha. "Ano na naman?!" Huminga ako nang malalim. "Bigyan mo ‘ko ng isa pang pagkakataon." Napataas ang kilay niya. "Para saan?" "Para ipakita na kaya ko ‘to," sagot ko, pero hindi ako sigurado kung tama ang ginagawa ko, pero alam kong hindi ko gustong umatras. "Alam kong nagkamali ako kanina. Pero hindi kita hahayaang sumabog nang mag-isa." Tinitigan niya ako saglit, bago dahan-dahang tumango. "Okay, Enzo. Huling pagkakataon mo ‘to." At doon ko naramdaman ang bigat ng desisyong ginawa ko. Ito na ‘yon. Wala ng atrasan. "Hindi mo makuha?" ulit ko, habang tinitingnan si Ryan na mukhang tuliro. "Hindi kasi tugma ‘yung strategy sa client," sagot niya, pinapakita ang presentation. Pinagmasdan ko ang file. May mali. Hindi lang sa approach—mali ang buong focus ng strategy. "Bakit ganito ang analysis ni Ava?" tanong ko sa isip. Alam kong mas matalas siya rito. Mula sa sulok ng mata ko, nakita kong si Adrian ay nakangiti—tulad ng taong naghihintay ng gulo. Napaisip ako. Bakit parang hindi ito simpleng client pitch? Sinubukan kong ayusin ang presentation, pero sa isang hindi ko maipaliwanag na paraan, ang ginawa kong solusyon ay mas naging epektibo kaysa sa inaasahan. "P*ta, Enzo..." bulong ni Ryan, gulat na gulat. "Ba’t ‘di ko naisip ‘yan?!" At hindi ko rin alam. Ako mismo, hindi rin sigurado kung paano ko ‘to nagawa. Napansin ko ang folder na hawak ni Ryan—may lumang notes, may pirma ni Ava. "Kailan ‘to ginawa?" tanong ko, tinuturo ang date sa sulok. "Tatlong taon na," sagot niya. Napaisip ako. Tatlong taon? Ibig sabihin, hindi lang simpleng client test ‘to—may mas lumang isyu sa pagitan ni Ava at ng kumpanyang ‘to. "Teka..." binuklat ko ang notes. May isa pang pirma sa ilalim. Kilalang initials. L.A. Nanigas ako. Bakit parang pamilyar ‘to? Napatingin si Ryan sa akin. "Mukhang may alam ka, Enzo." Hindi ko alam kung paano, pero alam kong hindi lang ‘to basta corporate politics. Kasama ako rito—kahit hindi ko pa maintindihan kung paano. "May problema tayo," bulong ni Jai, biglang sumulpot sa tabi ko. "Nag-report si Adrian kay Boss Regina—sinabi niyang ikaw raw ang sumabotahe sa strategy ni Ava." Nanigas ako. "Anong—" "Sinadya nilang gawing mali ang plano," dagdag ni Ryan, mukhang napagtanto na rin ang sabwatan. "Para bumagsak si Ava. Pero ikaw, Enzo... ikaw ang nakahanap ng solusyon." Bigla akong natahimik. Ibig sabihin, ako ang naging sagabal sa plano nila? At ngayon, alam kong hindi lang ito simpleng corporate war. Ako ang target nila. At ako lang ang may kakayahang pabagsakin ang laro nila. Pero paano ko ‘to gagawin, kung ako mismo ang gustong ilaglag? Tahimik akong naupo sa tabi ni Ava sa fire exit, hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. Nakikita kong nanginginig ang kamay niya habang hawak ang phone, isang patak ng luha ang dumaloy. "Enzo..." bulong niya, hindi tumitingin. "Mali ang naging desisyon ko. Hindi ko dapat siya pinapasok dito." Tumingin ako sa kanya. "Si Ryan?" Huminga siya nang malalim. "Oo. Pero hindi lang siya." Napalunok ako. Ibig sabihin, may mas malaki pang dahilan kung bakit ganito siya kagalit—at hindi lang ito tungkol sa nakaraan nila. Pero bago pa ako makapagtanong, tumunog ang phone ko. Si Boss Regina. Kailangan kong umalis. Pero habang nasa elevator, hindi ako mapakali. Ano pa bang hindi ko alam tungkol kay Ava? Kinabukasan, pagpasok ko sa opisina, ramdam ko ang bigat ng tingin ng mga tao. Alam nilang ako ang dahilan kung bakit hindi bumagsak ang presentation kahapon. Naglakad ako papunta sa desk, pero bago pa ako makaupo, may bumati sa akin. "Enzo," malamig na boses ni Boss Regina. "Impressive ang ginawa mo kahapon." Napahinto ako. Regina? Impressed? Lumapit siya, tinitigan ako. "Pero may tanong ako..." bulong niya. "Sinadya mo bang i-expose ang butas sa plano?" Alam kong sinusubukan niya akong basahin. At sa isang iglap, napagtanto kong ngayon lang niya ako nakita bilang isang tunay na banta. Akala ko tapos na ang gulo—pero isang email ang dumating sa akin. Subject: You Got Lucky. But Luck Runs Out. Nag-init ang katawan ko. May nagmamatyag sa akin. May nagbabantay sa bawat galaw ko. Napatingin ako sa cubicle ni Adrian—nakangiti ito, pero may halong panunuya. Hindi pa ito tapos. Ngayon lang nagsisimula ang laban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD