Chapter 3

1667 Words
May mga umagang ramdam mong may mali, kahit hindi mo pa alam kung ano. Ngayon, ganito ang pakiramdam ko. Tahimik akong pumasok sa opisina, pero hindi ako mapakali. Parang may bumabagabag sa akin—isang pakiramdam na hindi ko maintindihan. Para bang may dapat akong malaman, pero hindi ko pa alam kung ano. Sa kabilang banda, dumating si Ava, mukhang pagod pero matikas pa rin. Hindi niya pinansin ang usual na pang-aasar ni Jai—ibig sabihin, may mabigat siyang iniisip. Lahat abala. Pero ako? Ako lang yata ang nakakaramdam na may mali. At lalo lang akong kinabahan nang makita ko ang isang lumang email thread. Habang ini-scroll ko, napansin kong luma na pala ang sigalot nina Ava at Ryan—mas matagal pa kaysa sa iniisip ng lahat. Pero bakit ngayon lang lumulutang ang lahat? Sa gilid, nakita kong nag-uusap sina Adrian at Boss Regina—mukhang masaya sila, pero ang totoo, para silang mga asong naghihintay ng tamang oras para umatake. "Mukha kang naengkanto," tukso ni Jai, habang siya ay lumalapit sa akin. "May isang bagay akong hindi maintindihan," sagot ko, nakatingin pa rin kay Ava. Para kasing nakita ko na ang eksenang ‘to noon... pero saan? Habang naghahanap ako ng lumang reports, may napansin akong file document sa loob ng folder sa shared drive. Confidential Memo – Project L.A. Nanlamig ang kamay ko. Binuksan ko ang file, pero bago ko pa mabasa nang buo, may lumabas na alert: "Restricted Access. Unauthorized Users Will Be Notified." Tangina. Ano ‘tong pinasok ko? "Uy, Enzo, anong trip mo sa fire exit lately?" tanong ni Jai, pasimpleng ngumunguya ng tinapay habang nakasandal sa counter ng pantry. Napailing ako. "Nagpapahangin." "Ah talaga? O baka naman..." Umirap siya, pero mukhang enjoy sa pang-aasar. Hindi ko na lang sinagot. Sa halip, bitbit ko ang lumang files na kailangan i-archive. Napadpad ako sa isang storage room malapit sa stairwell, ang tipikal na lugar na hindi pinapansin ng karamihan. Habang inaayos ko ang mga lumang dokumento, napansin ko ang isang kahon na may nakasulat na 'Company History & Yearbooks.' May pumitik sa isip ko. Yearbooks? Bakit parang may kung anong bumubulong sa akin na tignan ‘to? Kumuha ako ng isa, pinagpag ang alikabok, at sinimulang buklatin ang mga pahina. "Matagal ka na rito?" biglang may boses na pumukaw sa akin. Napalingon ako. Si Mang Tonyo, ang pinaka-matandang maintenance staff sa kumpanya. Tahimik lang siya sa sulok, parang matagal nang nandoon. "Ha? Ah, hindi naman po. Ilang taon pa lang po," sagot ko, tinitignan kung anong ginagawa niya roon. Tumango siya, pero hindi ako tinigilan ng tingin. "Marami nang dumaan dito sa kumpanyang ‘to, hijo. Pero kakaunti lang ang may alam kung paano talaga ito gumagana." Nanlaki ang mata ko. "Ano pong ibig n’yo pong sabihin?" Ngumiti siya nang bahagya. "Ang tanong, ano bang hinahanap mo?" Natigilan ako. Ano nga ba ang hinahanap ko? Bago pa ako makasagot, itinuro ni Mang Tonyo ang hawak kong yearbook. "Kung gusto mong maintindihan, simulan mo sa nakaraan." Tumingin ako sa pahina. At doon, nakita ko ang isang larawang bumago sa lahat. "Anong tinititigan mo diyan?" tanong ni Jai, inagaw ang yearbook mula sa kamay ko bago ko pa man tuluyang matunton kung ano ang bumabagabag sa akin. "Huy, Jai, seryoso ‘to." Sinubukan kong kunin pabalik, pero itinapat niya ito sa ilaw at tinignan nang mabuti. "Wow, mukhang vintage, ah." Pinagmasdan niya ang litrato sa pahina. Nakita niya ang isang batch ng mga photos. Tapos, tumuro siya sa isang pangalan. "Wait, teka… Bakit andito si Boss Regina?!" Nanlaki ang mata ko. Tama nga. Si Boss Regina, mas bata, pero pareho pa rin ang matalim na titig. "Tangina, Jai. Anong ginagawa niya sa yearbook na ‘to?" Nagkibit-balikat si Jai. "Ewan, pero kung ito ‘yung batch na may kinalaman sa—" Napatigil siya, mukhang naalala ang sinabi ko noon tungkol sa Project L.A. "May mali rito," bulong ko. "Kung matagal nang nandito si Boss Regina, ibig sabihin... hindi lang basta corporate politics ‘to." Sumingit bigla si Ryan, lumabas mula sa likod ng shelf. "Anong pinag-uusapan niyo?" Agad akong kumuyom ng kamao. Eto na naman ‘tong tao na ‘to. Pero bago ko pa siya mabara, sinilip niya ang yearbook at mukhang nagulat din. “Ano ‘to?” Nagkatinginan kami ni Jai. Hindi ko alam kung dapat ba siyang pagkatiwalaan. "May koneksyon ba ‘to sa kumpanyang ‘to?" tanong ko, pilit binibigyang linaw ang misteryo. Tahimik lang si Ryan. Hindi ko alam kung nag-aalangan siya o may mas alam siya kaysa sa amin. Pero isang bagay ang sigurado: Kung nasa yearbook si Boss Regina, ibig sabihin, matagal nang may niluluto sa kumpanyang ‘to. At ngayon lang namin nasimulan ang pag-usisa sa kung anong totoong nangyayari. Napapikit ako, pilit nire-replay sa isip ang nakita ko sa yearbook. Boss Regina—noon pa lang, may koneksyon na siya sa kumpanyang ‘to. Pero bakit walang may alam? At anong kinalaman nito sa Project L.A. na biglang lumitaw sa records? "Enzo," bulong ni Jai, mukha siyang seryoso ngayon. "Kung may tinatago sila, hindi tayo makakahanap ng sagot sa mga lumang litrato lang." Huminga ako nang malalim. "Alam ko." Tumingin ako kay Ryan, na tahimik pa din. Hindi ko pa rin alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya, pero halata ang kaba sa mata niya. "May kilala akong dating empleyado rito," biglang sabi ni Ryan. "Pwedeng may alam siya tungkol sa batch na ‘to." Nagkatinginan kami ni Jai. "Seryoso ka?" Tumango si Ryan. "Pero delikado ‘to. Kung tama ang hinala natin, na hindi lang basta corporate politics ‘to. May mas malaking kwento sa likod ng kumpanyang ‘to." Alam kong tama siya. Hindi ko man maintindihan pa ang buong larawan. "Okay," sagot ko, desidido na. "Hanapin natin ‘yung taong ‘yon." Ngunit bago pa kami makalabas ng storage room, may narinig kaming mahinang kaluskos sa labas. Napatingin kami sa isa’t isa. May nakikinig. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto, at sa siwang nito, nakita ko ang isang pamilyar na anino—si Adrian. At sa ekspresyon sa mukha niya, halata ang isang bagay: Narinig niya ang lahat. Tangina. Alam na niyang may iniimbestigahan kami. At ngayon, siguradong hindi na niya kami tatantanan. Habang nagbabasa-basa ng mga lumang papeles, may nakita akong litrato sa isang lumang newsletter—mga empleyado sa isang company event ilang taon na ang nakalipas. At sa isang sulok ng litrato, may nakita akong pamilyar na mukha: si Ava, mas bata, nakangiti... at may hawak na trophy. Katabi niya ang isang lalaking nakatalikod, hindi kita ang mukha—pero may kakaibang pakiramdam na kumurot sa akin. Hawak ko pa rin ang lumang litrato nang biglang bumukas ang pinto—si Ava, mukhang may hinahanap. "Anong ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong. Bago pa ako makasagot, sumulpot si Adrian, nakangisi. "Oh, Ava. Halika, may importanteng bagay tayong pag-uusapan sa office ni Boss Regina." Nanlamig ako. Tangina, nahuli nga ata kami. Napansin kong hindi natuwa si Ava, pero wala siyang nagawa kundi sumunod. May alam kaya siya sa ginagawa ni Adrian? Bago ako makapagtago ng litrato, biglang inagaw ni Adrian ang lumang newsletter—at walang sabi-sabing pinunit ito. "Luma na 'to," aniya, nakangiti pero puno ng panunuya. "Wala namang kwenta ang nakaraan, ‘di ba, Enzo?" Napamulagat ako nang walang pakundangang punitin ito ni Adrian—ang tanging ebidensyang hawak ko. "P*ta, Adrian!" bulong ko, pigil na pigil ang galit. Ngumisi siya. "Huwag kang magpakabayani, Enzo. May mga bagay na mas mabuting hindi mo nalalaman." Biglang bumukas ang pinto—si Jai, hiningal. "Tangina, Enzo! May nag-delete ng files mo sa server!" Bago pa ako makagalaw, lumapit si Adrian, bumubulong. "Mas mabuting umatras ka na habang kaya mo pa." Napakuyom ako ng kamao. Alam kong hindi ko siya matatalo ngayon. Pero hindi rin ako susuko. Ito na ang simula ng tunay na laban. Habang papalabas ako ng storage room, humabol si Adrian ng bulong sa tenga ko. "Hindi mo pa rin ba naaalala, Enzo? Hindi ito unang beses na nakisawsaw ka sa gulong ‘to." Nanigas ako. Anong ibig niyang sabihin? Pero bago ko pa maitanong, dumaan si Boss Regina, malamig ang tingin kay Ava. "Magaling ka, pero tandaan mo, Ava... walang puwang ang mahihina rito." Napahawak ako sa kamao ko. Ito na ba talaga ang sistema? At kung ganito kabagsik ang laban, paano kung matagal na akong kasali—pero hindi ko lang alam? Hawak ko ang punit na litrato, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Anong koneksyon ko rito? At bakit parang hindi lang ito tungkol kina Ava at Ryan—parang mas malaki pa ang nakataya? Lumapit si Jai, may tipid na ngiti pero may halong pag-aalala. "Enzo, ‘wag mo nang pakialaman kung ayaw mong madamay." Napatingin ako sa kanya. "At kung matagal na akong damay?" Napabuntong-hininga siya. "Ibig sabihin, may dapat ka ngang tapusin." Sa tabi ko, si Ryan ay tahimik lang, tila may iniisip. "Kahit takot ka, hindi mo na pwedeng umatras." Alam kong tama sila. Pero paano kung hindi ko pa rin alam ang buong kwento? Huminga ako nang malalim. Hindi lang ‘to corporate politics. Hindi lang ‘to simpleng alitan sa opisina. May mas malalim pang sikreto sa nakaraan, at gusto ko nang malaman. Bago ko pa maisipang lumapit kay Ava, lumapit si Jai at inabot ang isang sulat. "Galing ‘to sa anonymous sender. Dumating bago ka pa pumasok kanina." Binuksan ko ito. Isang address. Isang pangalan. Isang babala: "Hanapin mo siya bago sila mauna." Tumaas ang balahibo ko. May ibang puwersang kumikilos sa kumpanyang ‘to. Bago ako makapag-isip nang matino, biglang may komosyon sa kabilang dulo ng opisina. Tumakbo si Ava, halatang galit, habang sinusundan siya ni Adrian na nakangisi. Mukhang may bagong atake sa kanya. "Enzo," bulong ni Ryan, "kung may gusto kang malaman... ngayon na ang oras." Tumingin ako sa sulat, tapos kay Ava, tapos kay Adrian. Dalawang direksyon. Dalawang landas. Dalawang laban. At ngayon, kailangan kong pumili kung saan ako lalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD