Chapter 9

1799 Words
Ava's POV. Nagising ako nang hindi maayos ang tulog. Katabi ko si Enzo—hindi dahil sa kung ano’ng iniisip ng iba, kundi dahil wala kaming choice. Bumangon ako, dumiretso sa banyo, hindi ko na siya tiningnan. Ano na namang kalokohan ‘to? Ang trabaho ay trabaho. Pero bakit parang hindi lang ito tungkol sa trabaho? Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Ava Marquez—matapang, malamig, hindi bumibigay. Pero kagabi, parang saglit akong naging mahina. Parang… hindi ko kayang isipin na wala si Enzo. Napahawak ako sa lababo. P*nyeta, anong nangyayari sa akin? Hindi ito tama. Paglabas ko, nakaupo si Enzo sa gilid ng kama, hawak ang phone. Tahimik. Parang may iniisip. Alam kong pareho naming iniwasang pag-usapan ang dapat pag-usapan. "Aalis na tayo," sabi ko, walang emosyon. Hindi siya tumingin. Tumango lang siya. Pero alam kong may bumago sa pagitan namin. Sa loob ng sasakyan, hindi kami nag-usap. Nagtagpo ang tingin namin sa rearview mirror. Walang bumigay. Walang umamin. Pero pareho naming alam—may isang kailangang sumuko. Ang tanong lang… sino sa amin ang unang bibitaw? Pagpasok ko sa Iconic Financial Group, ramdam ko agad—may nag-aabang ng eksena. Sa pantry, may nagbubulungan. May tahimik na nakangiti. Sa dulo, si Adrian. Nakatayo sa tabi ni Regina, nakatingin sa amin ni Enzo na parang may hawak siyang baraha. “Nag-breakfast ka na?” tanong ni Jai, pilit akong kinakausap. “Wala akong gana.” Totoo naman. Pero hindi ko masabi kung dahil ba ito sa trabaho… O dahil sa kung anong gumugulo sa isip ko tungkol kay Enzo. Lumingon ako sa kanya. Tahimik lang siya, pero ramdam ko rin—may bumabagabag sa kanya. Tahimik kaming naglakad papunta sa mga desk namin. Biglang may lumapit kay Enzo—isang empleyado na hindi ko kilala. Tahimik itong nag-abot ng papel. "Basahin mo ‘to," bulong niya. "Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo rito… pero gusto ko lang malaman mo." Tumingin ako kay Enzo. Nang makita niya ang laman, kitang-kita ang bahagyang pagbilis ng paghinga niya. Isang printout. Isang email na may nakalakip na file. Mula sa isang anonymous sender—pero malinaw ang mensahe. Napatingin ako kay Enzo. “Meeting. Now.” Pagpasok ko sa conference room, tahimik si Enzo sa tabi ko. Si Adrian, nakangisi—alam niyang may bomba siyang pasasabugin. Si Regina, walang ekspresyon. Pero malamig ang tono niya. “Bago matapos ang araw na ‘to, may isang aalis sa kumpanyang ‘to.” Hindi ako umimik. Alam kong kapag bumukas ang bibig ko, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Si Enzo, hindi natinag. Pero alam kong pareho ang iniisip namin. Kung hindi kami lalaban ngayon… kami ang mawawala. At p*nyeta, hindi ako papayag na matalo lang ng ganito. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Enzo. Kapag siya ang umalis, ako ang iiwan niyang mag-isa sa larong ito. Kapag ako ang bumagsak, siya ang makakakita nito hanggang sa huli. At sa sandaling iyon, may isang bagay akong narealize—hindi ko alam kung kaya kong makita siyang matalo. “Ano na, Ava?” tanong ni Adrian, may bahid ng panunuya. “Ano’ng plano niyo, Arceo?” dagdag ni Regina, malamig. Tahimik si Enzo. Tumingin siya sa akin. At sa unang pagkakataon… nabasa ko ang iniisip ni Enzo. Ava, ano’ng pipiliin mo—pride o ako? Tahimik ang conference room. Si Enzo, kalmado lang, pero ramdam kong may hinihintay siya. At ako? Hindi ko siya matingnan. May tamang sagot, pero hindi ko kayang sabihin. “Ano na, Ava?” Nakakabwisit na tono ni Adrian, para bang ini-enjoy ang paghihirap ko. Huminga ako nang malalim. Kapag hindi ako nagsalita ngayon, wala na akong babalikan. Tumayo ako. “Kung may aalis dito, dapat ‘yung taong nagkakalat ng paninira.” Napakunot-noo si Regina. “Si Adrian. Siya ang may pakana ng lahat ng ‘to. Kung may dapat mawala, siya ‘yon.” “Wow.” Tumawa si Adrian, halatang hindi aatras. “Ava, kaya mo ‘kong pagbintangan dahil lang gusto mong protektahan si Enzo?” "Wala akong gustong protektahan. Gusto ko lang malaman ang totoo.” Ngumisi siya. “Kung gusto mong malaman ang totoo… baka gusto mong malaman kung ano'ng ginagawa ni Enzo bago pa kayo nagkalapit?” Napatigil ako. Napatingin ako kay Enzo. Tahimik siya. At bakit parang hindi siya nagulat? “Ano’ng ibig mong sabihin?” malamig kong tanong. Ngumisi si Adrian. “Tanungin mo siya.” Dahan-dahang tumingin sa akin si Enzo. P*nyeta. May hindi siya sinasabi. Pero bago pa siya makapagsalita—may isang katok sa pinto. Isang empleyado mula sa HR. May hawak na bagong ebidensya. “May bagong report,” anunsyo ng HR. Napatingin si Regina sa amin ni Enzo. “Ano na naman ‘yan?” tanong ko, habang pilit kong kinakalma ang sarili. “Isang formal complaint… pero hindi lang tungkol sa trabaho niyo.” Tumigil ang mundo ko sa sumunod na sinabi niya. “May kinalaman ito sa past records ni Enzo.” Hindi gumalaw si Enzo. Ako, biglang hindi naging sigurado kung dapat ba akong matakot o magalit. “Past records?” bulong ko. “Ano ‘to?” “I think it’s best if Enzo explains,” ani Adrian, ngumisi, parang hawak niya lahat ng baraha. Napapikit si Enzo. Sh*t. Bakit parang hindi ito basta-basta? At bakit ngayon lang lumalabas ‘to? “Enzo,” malamig kong sabi, at hindi pa rin ako makatingin sa kanya. “Ano ‘tong tinatago mo?” Hindi siya sumagot. Tahimik. Pero sa katahimikan niya, ramdam ko ang bigat ng kasinungalingan. “Isang sagot lang ang kailangan ko. Nagpapagamit ka ba kay Adrian? O may dahilan kung bakit hindi mo sinasabi ‘to?” Napabuntong-hinga nalang si Regina. “Ava. Enzo. Magdesisyon kayo.” “Isa sa inyo ang kailangang lumayo.” Tahimik si Enzo. Tahimik ako. Pero sa loob naming dalawa, parehong sumisigaw ang tanong— Hanggang saan namin ipaglalaban ang isa’t isa? Matapos ang meeting, lumabas si Enzo at pumunta sa fire exit, tahimik. Hindi siya umuwi. Hindi ko siya iniwan. Ilang minuto lang, sumunod ako. "Bakit hindi mo sinabi sa’kin?" Hindi siya lumingon. "Ano’ng gusto mong sabihin ko?" "Ang totoo, Enzo. Kung wala kang tinatago, sabihin mo!" Hindi siya sumagot. Napailing ako. P*nyeta, ito na lang ba ‘yon? "Ganito ka na lang ba? Hindi ka magsasalita? Kahit isang beses lang, ipaglaban mo naman sarili mo!" Huminga siya nang malalim. "Ava," malamig niyang sabi. "Hindi ko kailangang ipagtanggol ang sarili ko sa’yo, o kahit na kanino. Alam mo na kung sino ako." Napatigil ako. Oo, alam ko kung sino siya. Pero bakit parang hindi ko na siya maintindihan ngayon? "Ikaw ang bahala," bulong ko, saka tumalikod. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko kaya. Pero ramdam ko—hindi rin siya gumalaw. Para kaming dalawang taong hinihintay ang isa't isa… pero parehong ayaw gumawa ng unang hakbang. Sa loob ng opisina, si Adrian, tahimik lang, pero alam kong may nilalaro siya. Si Regina, walang sinasabi, pero iniisip kung sino ang papanigan niya. Ako, lumabas ng fire exit, pilit na hindi pinapakita na nasasaktan ako, at hindi ko alam kung bakit. Si Enzo—isang malalim na buntong-hininga lang ang sagot sa lahat. Tumunog ang email notification. Subject: INTERNAL INVESTIGATION NOTICE. "Due to allegations of misconduct and inappropriate relations within the company, an internal investigation will be conducted immediately." Napahawak ako sa sentido. Put*ngina. Opisyal na ‘to. Tiningnan ko si Enzo. Tahimik lang siya, pero kita ko sa mata niya—may tumama sa loob niya. Tatlong posibilidad. Si Adrian—final attack na niya. Si Regina—nagpapakitang malinis. O isang anonymous na tauhan na nakikisakay lang sa gulo. "F*ck," bulong ni Jai, binabasa ang email sa likod ko. "Mare, paano na yan?" Hindi ako sumagot agad. Hindi ako pwedeng matalo nang ganito lang. "Hindi ko alam," sagot ko. "Pero hindi ako babagsak." Hindi ako nag-isip. Lumabas ako ng opisina, dumiretso sa conference room. Naroon si Adrian, nakangiti, parang wala lang. "You think you can win this?" matalim kong tanong. Umiling siya, ngumiti pa lalo. “Ava, I don’t need to win,” bulong niya. “I just need you to lose.” Sa harap ng lahat, hindi ako natinag. Sa loob ko, gusto kong durugin ang lamesa. Hindi ako bibigay. Pero ang tanong—kakampi ba sa akin si Enzo, o mag-isa akong lalaban sa laban na ‘to? Natapos ang imbestigasyon. "Further investigations are needed." Walang kasong napatunayan, pero hindi rin kami malilinis ng basta-basta. T*ngina, hindi pa tapos ‘to. Tiningnan ko si Enzo. Wala siyang reaksyon. Pero ramdam ko—may pumutok na sugat sa loob niya. “P*nyeta ka, Enzo,” bulong ko, pero hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. "Akala ko ba kaya mong lumaban?" "Kaya ko," sagot niya, malamig. "Pero tanong ko sa’yo… ikaw, kanino ka lalaban?" Napatigil ako. Alam kong hindi lang ito tungkol sa trabaho. Pero hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Hindi nalang ako sumagot. Hindi dahil wala akong gustong sabihin—kundi dahil hindi ko alam kung alin ang tama. Trabaho o si Enzo? “Kaya mong lumaban?” ulit niya, walang emosyon. “Kaya mo ba akong ipaglaban?” Sh*t. T*ngina ka Enzo. Bakit parang hindi ko kayang sagutin ‘yon? Tahimik ang buong opisina, pero ramdam ko ang mga matang nagmamasid. Si Adrian, pinapanood kaming parang isang pinipilahang blockbuster movie. Si Regina, naghihintay kung sino ang unang susuko. Si Enzo, hindi na naghintay. Tumayo siya, lumingon sa akin, at bumuntong-hininga. “Wala akong panahon para sa mga taong hindi sigurado.” At iniwan niya akong nakatayo—tahimik, pero nasaktan ako, at hindi ko yun inasahan. Malamig ang gabi. Tahimik ang buong condo, pero ang isip ko, hindi. Nakatitig ako sa city lights ng Makati, pero wala akong nakikita. Tumunog ang phone ko. Isang bagong message. Unknown Number: “Ava, isang maling hakbang pa… mawawala ka.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Anong mas masakit? Ang takot na bumagsak ako sa trabaho? O ang takot na bumagsak ako sa isang bagay na hindi ko inaamin—ang nararamdaman ko kay Enzo? Tumunog ulit ang phone ko. Isang tawag mula kay Jai. “Ava…” kabado ang boses niya. “May problema ulit tayo.” “Ano?” "Hindi lang pala tayo ang target." Napaatras ako sa kinatatayuan. “Anong ibig mong sabihin?” “Si Enzo.” Huminga nang malalim si Jai. “May lumabas na bagong confidential files niya.” Napasinghap ako. “At hindi galing kay Adrian… galing kay Regina.” Nabitawan ko halos ang phone ko. Regina? Kung gano’n… hindi lang si Adrian ang may hawak ng baraha. Sino ba talaga ang kaaway namin? At ang mas mahalaga… hanggang saan nila kayang sirain si Enzo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD