Nakatayo ako sa gitna ng condo, hawak ang phone, hindi pa rin makapaniwala.
Regina.
Bakit siya ang may hawak ng confidential files ni Enzo?
Gaano na katagal niya kaming minamanipula?
Kung siya ang mastermind, ano talaga ang motibo niya?
Napahawak ako sa dibdib ko—bakit parang mas lumalamig ang hangin?
Tumunog ang phone ko.
Regina Santiago.
Napatingin lang ako. Dapat ko bang sagutin?
Bago pa ako makapagdesisyon, isang text ang dumating:
"May gusto akong pag-usapan. Now."
Pumikit ako sandali bago tuluyang sagutin ang tawag.
“Anong gusto mo?” malamig kong tanong.
“Pumunta ka sa opisina. Ikaw at si Enzo. May dapat kayong malaman.”
"Bakit namin kailangang sumunod sa’yo?"
"Dahil kung hindi, si Enzo ang unang babagsak."
T*ngina.
Hindi na ito tungkol sa chismis.
May isang bagay na pilit tinatago si Regina—at may kinalaman ito kay Enzo.
Agad akong nagbihis at lumabas ng condo.
Sa loob ng sasakyan, tinawagan ko si Enzo.
Walang sagot.
Tatlong beses.
Napakagat na ako sa labi. Kung ayaw mong sumagot, pupuntahan kita.
Pagdating ko sa apartment ni Enzo, walang sumasagot sa pinto.
Kumatok ako nang sunod-sunod.
Wala.
Nasaan ka, Enzo?
Mabilis akong bumalik sa sasakyan, diretso sa opisina.
Pero habang papalapit ako sa Iconic Financial Group…
Isang text ang dumating mula sa unknown number:
"Wala ka nang oras, Ava. Bago mo siya mahanap, nauna na siyang mawala."
Mali ito.
Hindi lang ito tungkol sa trabaho.
Hindi lang ito tungkol sa tsismis.
May isang taong gumagalaw sa likod ng lahat—at hindi lang si Adrian ang problema.
Ang tanong—ano ang gusto nilang mangyari kay Enzo?
Dumiretso ako sa opisina, mabilis ang hakbang.
Kailangan ko siyang hanapin bago pa mahuli ang lahat.
Pagdating ko sa opisina, nakita ko si Regina—diretso ang lakad papunta sa conference room.
“Nandito ka na rin lang,” malamig niyang sabi. “Gusto mong malaman kung anong hawak ko, hindi ba?”
"Anong ginagawa mo, Regina?"
Ngumiti siya, walang emosyon. “Tinitingnan ko kung sino ang tunay na loyal.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Dahan-dahan niyang binuksan ang laptop niya. Isang dokumento.
Company records ni Enzo.
Pero hindi lang basta company records… May confidentiality clause.
May isang bagay na hindi ko alam tungkol kay Enzo.
“Ano ‘to?” tanong ko, lumalalim ang hinga.
Ngumiti si Regina. “Gusto mong malaman, ‘di ba? Kung sino talaga si Enzo?”
Sh*t.
“Regina—”
“Sino’ng mas mahalaga sa’yo, Ava? Ang trabaho mo… o si Enzo?”
Nalaglag ang tingin ko sa laptop.
Kung tatanggapin ko ‘to…
Maaaring hindi na ako kailanman pagkatiwalaan ni Enzo.
Nanlamig ang kamay ko, pero hindi ko ito pinahalata.
Si Regina, tahimik pero alam kong binabasa niya ang reaksyon ko.
“Ano, Ava?” bulong niya.
“Gagawin mo ba ang tama… o pipiliin mo si Enzo?”
Tumingin ako sa dokumento.
Isa lang ang sagot.
Pero ang tanong… handa ba akong piliin ito?
Wala sa opisina si Enzo.
Wala rin sa apartment niya.
At ngayon ko lang napagtanto—wala akong ideya kung saan siya hahanapin.
Tumunog ulit ang phone ko.
Unknown Number: “Alam mo na kung saan siya huling nakita?”
Napakurap ako. Ano'ng ibig sabihin nito?
Mabilis kong tinawagan si Jai.
“Ava, may lead ako.”
“Saan?”
“Bago siya nawala… may huling call siyang natanggap.”
“Ha?! Kanino?”
“Ava…” may bahagyang pag-aalinlangan sa boses niya.
“Kay Ryan.”
H*ly sh*t.
Ryan?
Hindi siya ganung klaseng tao… pero paano kung may hindi pa ako alam?
Paano kung may mas malalim pang sikreto si Ryan tungkol kay Enzo?
Tumawag ako. Walang sagot.
Isa pa. Wala pa rin.
Put*ngina, Ryan, sumagot ka!
Tumunog ulit ang phone ko. Isa pang text mula sa unknown number.
“Bumalik ka sa simula, Ava. Saan kayo unang nagtagpo ni Enzo?”
Napakurap ako. Ano?!
Saan nga ba?
T*ngina.
Bigla akong tumakbo palabas ng opisina.
Naiwan si Regina, tahimik pero… nakangiti.
Sa gitna ng gabi, pinaharurot ko ang sasakyan ko.
Dumiretso ako sa isang lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan.
Ang lumang branch ng Iconic Financial Group—kung saan unang nagkrus ang landas namin ni Enzo.
Huminto ako sa parking lot.
Dito kami unang nagtagpo.
Dito nagsimula ang lahat.
At ngayon…
Baka dito rin ako makahanap ng sagot kung sino talaga si Enzo.
At kung bakit siya biglang nawala.
Nasa parking lot ako ng lumang Iconic Financial Group branch—ang unang lugar kung saan nagkrus ang landas namin ni Enzo.
Tahimik. Walang tao. Pero ramdam ko ang bigat ng alaala rito.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan, nilibot ang paligid.
Bakit dito?
Bakit siya dadalhin ng text sa lugar na ‘to?
Nasaan ka, Enzo?
Sa gilid ng gusali, may isang pamilyar na anino—isang lalaking nakatayo, nakayuko, parang may iniisip.
Enzo.
Humakbang ako palapit.
Pero bago pa ako makalapit nang husto, tumunog ang phone ko.
Unknown Number: “Mabagal ka, Ava. May oras lang siyang magdesisyon.”
Napatigil ako. Put*ngina. Anong desisyon ang pinagsasasabi mo?
Tiningnan ko si Enzo. Hindi niya ako napansin.
Mabigat ang katawan niya, parang may pasan siyang hindi ko nakikita.
Dapat ba akong lumapit?
O may kailangan akong malaman bago ako sumugod?
Muling bumukas ang phone screen ko.
"May oras lang siyang magdesisyon."
Desisyon para saan? At sino ang nagmamanipula nito?
Huminga ako nang malalim. Hindi ako mag-aaksaya ng oras.
Kung may desisyon siyang kailangang gawin, gusto kong malaman kung ano yun.
At gusto kong malaman kung kasama ako sa pipiliin niyang laban.
Enzo's POV.
"Enzo."
Tumayo ako nang marinig ang boses niya. Malamig, pero may bahagyang pag-aalinlangan.
Dahan-dahan akong lumingon. Kita ko sa mukha ni Ava ang tanong na hindi niya agad masabi.
“Ava? Anong ginagawa mo rito?”
"Ako dapat ang magtanong n’yan."
Nag-iwas ako ng tingin.
Hindi ko inaasahang hahabulin niya ako.
"May kailangan kang malaman."
Hinugot ko ang phone ko. Isang email mula sa HR.
"May natanggap akong email," sabi ko ng walang emosyon.
"Effective immediately, your employment is under review due to confidential records that may affect company security."
"A further investigation will determine your status."
Tahimik lang si Ava, pero kita ko ang bahagyang paninigas ng panga niya.
"Confidential records?"
Napahinga ako nang malalim. Alam kong magtatanong siya. At alam kong wala na akong choice kundi sagutin.
"Si Regina." bulong niya, para bang binubuo ang koneksyon.
“Oo.” Tumingin ako sa kanya. "Alam niyang may hawak akong isang bagay na hindi niya gustong lumabas."
Napakunot ang noo niya.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
“May pinatago siya sa akin noon, Ava.”
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Alam kong hindi niya gusto ang tunog nito.
"At kung lalabas ‘yon… hindi lang tayo ang babagsak."
"Baka ang buong kumpanyang ‘to."
Napahawak si Ava sa sentido. Tahimik, pero alam kong iniisip na niya ang sunod na hakbang.
Hindi lang pala kami ang target.
May mas malaking nilalaro si Regina.
“Ano ba ‘yang hawak mo, Enzo?”
Tumingin ako sa kanya.
Isang sagot lang ang binigay ko—
"Isang bagay na pwedeng magpabagsak sa lahat."
Tumingin ako sa paligid, tila nag-aalangan kung dapat ko bang sabihin.
Pero wala na siguro itong atrasan.
“Sa isang client deal five years ago, may isang malakihang financial anomaly na hindi kailanman nailabas.”
“Hindi ko maintindihan,” sabi ni Ava, nakakunot ang noo. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“May pinagtakpan si Regina,” sagot ko, bumigat ang boses ko. “Isang malaking halaga ng pera ang inilipat sa isang shadow account.”
Hindi makapagsalita si Ava.
“Illegal transaction? Embezzlement?”
Tiningnan niya ako, naninigid ang mga mata.
“Bakit ikaw ang may hawak ng impormasyon na ‘yan?”
“Dahil noon, pinagkatiwalaan ako ng isang empleyado para bantayan ang files niya.”
“Ano?” Humigpit ang hawak niya sa braso ko. “Sino?”
Napalunok ako.
Dahan-dahan akong tumingin kay Ava.
“Si Ryan.”
Napalunok si Ava.
“Ryan?”
Tumango ako.
“Paano siyang nakasali dito?”
“Siya ang unang nakakita sa anomalya,” paliwanag ko. “At siya rin ang ginamit ni Regina para itago ito.”
Napaatras siya.
“Bakit hindi siya nagsalita?”
“Dahil kung ginawa niya, mawawala siya.”
Tumunog ang phone ni Ava.
Unknown Number: “Nagdesisyon na ba kayo? O hayaan na lang natin silang manalo?”
Nagtagpo ang tingin namin ni Ava.
Ito na ‘yon.
Kailangan naming pumili—ilalabas ba namin ang katotohanan?
O pipiliin naming manatiling ligtas?
Either way, parehas madumi, parehas magulo.
Tahimik si Ava, kita ko ang lalim ng iniisip niya.
Kung totoo ang hawak ko, hindi lang trabaho ang mawawala sa amin.
“Ano ang plano mo?” bulong niya.
“Depende sa’yo,” sagot ko.
“Ako?”
Tumingin ako sa kanya. “Ava, ikaw ang isa sa mga may pinakamalakas na posisyon ngayon. Kung ilalabas natin ‘to… kakampi ka ba sa akin, o iiwan mo ako?”
Napalunok siya.
Alam kong hindi ito simpleng desisyon.
Kung lalaban kami, Regina mismo ang babangga sa amin.
Kung tatahimik kami… magiging kasangkot kami sa kasinungalingan.
"Alam mo kung anong mangyayari kapag lumabas ‘to, ‘di ba?"
Tumango ako. "Oo."
"Handa ka bang harapin ‘yon?"
Tinitigan ko siya. “Ang tanong… handa ka ba?”
Sa gilid ng paningin ko, may isang sasakyang naka-park sa hindi kalayuan.
May nakaupo sa loob. Nanonood.
Hindi namin napansin kanina, pero may nagmamasid sa bawat kilos namin.
Tumunog ang phone ko.
Unknown Number: "Tama na 'yan. Masyado na kayong mapangahas."
Napatigil si Ava.
Sh*t.
Mukhang hindi lang si Regina ang kalaban namin.
Humakbang si Ava palapit, matigas ang tingin niya.
Wala nang atrasan.
“Okay,” bulong niya. “Let’s burn them down.”
Napakurap ako. Hindi ko inasahan ‘yon.
Pero bago pa kami makakilos, isang itim na sasakyan ang biglang dumaan—
At isang envelope ang itinapon sa harapan namin.
Pareho kaming napaatras.
Binuksan ko ang laman—isang serye ng leaked documents.
Isang sulat-kamay na note: "Huwag niyong subukang labanan ito. Kung hindi, mauuna kayong mawawala."
Nagtagpo ang tingin namin ni Ava.
Sino pa kaya ang mga nasa likod ng lahat ng ito?
At paano kami lalaban kung pati buhay na namin ang nakataya?
Tahimik si Ava, hawak ang dokumento, pero kita ko sa kanya—hindi siya matitinag.
Bumuntong-hininga ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili ko.
Hindi lang ‘to basta laban sa opisina.
May nagmamanipula sa amin mula sa mas mataas na antas.
"Ava..."
Hindi siya lumingon.
“Hindi tayo pwedeng umatras,” mahina pero matigas niyang sabi.
Tumunog ulit ang phone niya.
Unknown Number: "You think you're in control? Think again."
Hindi siya natinag.
“Kahit anong gawin nila, lalabas ang katotohanan.”
Tiningnan ko siya. “Sigurado ka? Dahil kapag lumaban tayo… baka hindi na tayo makabalik.”
Nagtagpo ang tingin namin.
“Kapag umatras tayo…” bulong niya, “sino pang lalaban?”
Napansin kong bahagyang nanginginig ang kamay ko.
“Ava…”
Tumingin siya sa akin, nag-aalangan. “Hm?”
Huminga ako nang malalim.
May isa pang bagay kang hindi alam.
"Ano?"
Matalim ang tingin niya sa akin, naghihintay.
“Sasabihin ko na sana sa’yo noon pa.”
“Ano bang—”
Pero bago pa niya matapos ang tanong…
“Ava… matagal na kitang…”
Sasabihin ko ba?
Nakatingin lang siya sa akin, naghihintay.
“…kilala.”
Napasinghap siya.
“Ano?!”
“Hindi lang tayo nagkita sa opisina.”
Sh*t.
“Enzo, ano bang pinagsasasabi mo?”
Tahimik lang ako, pero alam kong hindi ko na ito kayang itago.
“Matagal na kitang hinahanap.”
Tumigil ang mundo niya sa sinabi ko.
“Matagal na? Hindi ko maintindihan.”