Chapter 11

1439 Words
Tumingin ako kay Ava, diretso, walang pag-aalinlangan. “Noong una kitang nakita, alam kong hindi ito ang unang beses.” Napakunot ang noo niya. “Anong ibig mong sabihin?” Huminga ako nang malalim. “Ava… may kinalaman ang nakaraan natin sa kung bakit tayo nandito ngayon.” Bumalik sa isip ko ang lahat—ang tension, ang hindi namin maipaliwanag na koneksyon. Ang pakiramdam na para bang kilala na namin ang isa’t isa bago pa ang lahat ng ito. Napapikit siya, mariing bumuntong-hininga. "T*ngina, so tama ako…" bulong niya. “Hindi ito ang unang beses.” Hindi ako sumagot. Dahil totoo. Muli siyang tumingin sa akin, pero ngayon… may takot na. “Pero, anong ibig mong sabihin?” halos pabulong niyang tanong. Huminga ako nang malalim, ramdam ang bigat ng mga susunod kong salita. “May nakaraan tayo, Ava,” sagot ko. “At hindi natin ito matatakasan.” Naningkit ang mga mata niya. "Huh?! Hindi ko talaga maintindihan.” Tumunog ang phone ni Ava. Unknown Number: “Too late. The game has already begun.” Napaatras siya, nanlamig ang mukha. Biglang bumigat ang hangin sa paligid. Huli na ba ang lahat? O mas malaki pa ang laban na pinasok namin kaysa sa inakala namin? Ang student leadership summit ay isang larangan ng mga ambisyoso. Isang debate competition ang sentro ng lahat, at dito ko unang nakilala si Ava Marquez—matalim, palaban, at walang inuurungan. “Nervous?” tanong niya, ngiting mayabang habang inaayos ang lapel mic. “Hm?” sagot ko, pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. “Kalaban kita sa finals. Wala pang nanalo sa’kin.” Tumingin na ako sa kanya sa unang pagkakataon—mataas ang baba, matalim ang tingin. “Gusto mo bang ipagpatuloy ‘yang streak mo?” sagot ko, kalmado. Nasa entablado na kami, magkatapat sa podium. “Miss Marquez, you have the floor,” sabi ng moderator. Nag-angat siya ng tingin, punung-puno ng kumpiyansa. Nginitian ko siya bago pa siya makapagsalita. “Mas magaling ka bang magsalita o makinig?” tanong ko, sinadya kong ibagsak ang depensa niya. Para sa unang pagkakataon, si Ava Marquez ay hindi agad sumagot. At sa sandaling iyon, alam kong hindi ito ang huling beses na magtatagpo kami. Ang debate hall ay puno ng ingay, ngunit sa sandaling nagsimula ang finals, tumahimik ang lahat. Kami ang natitirang magkalaban. “Miss Marquez, huwag kang masyadong kumpiyansa,” sabi ko, walang emosyon, habang nakatingin sa notes niya. Ngumiti siya nang bahagya. “Mister Arceo, kung hindi mo kayang sumabay, ‘wag kang sumali.” “Hindi ako sumasali sa larong hindi ko kayang tapusin.” “Gano’n ba?” Tumikhim siya, lumapit sa podium. “Then prove it.” Sinimulan niya ang argumento niya—mabilis, matalas, walang sablay. Alam niyang magaling siya, at gusto niyang ipakita ‘yon. Pero nang ako na ang nagsalita, tahimik ang lahat. Hindi ako nagsisigaw, hindi ako nagmadali. Pero sa bawat salitang binitawan ko, nakita ko sa mata ni Ava—hindi niya ito inasahan. Nang matapos ang round, nagtagpo muli ang tingin namin. Walang nagsalita. Ngunit sa pagitan naming dalawa, alam naming pareho—hindi ito matatapos dito. Final round. Isang tanong, isang huling sagot. Pareho kaming may matibay na puntos, at ang buong hall ay naghihintay kung sino ang tatayo bilang panalo. “Miss Marquez, your rebuttal?” tanong ng moderator. Tumayo siya, diretso ang likod, malalim ang paghinga. “Mali ang premise ng argumento niya—” “Hindi,” putol ko. Napatingin siya. Hinawakan ko ang mic. “Ang mali, ay ang paniwala mong palaging ikaw ang tama.” Tahimik. Matapos ang ilang segundo—“Final call: Mister Arceo wins.” Walang pumalakpak. Walang nagdiwang. Ang tanging naramdaman ko ay ang titig ni Ava—matigas, matalim, puno ng hindi natanggap na pagkatalo. Tumayo siya, mabagal, walang kahit anong emosyon sa mukha. Ngunit bago siya lumabas ng hall, nakita kong gumalaw ang labi niya. "Hindi pa tayo tapos." Nagtagpo muli ang tingin namin, pero hindi na siya nagsalita. At sa sandaling iyon, alam kong ang laban naming dalawa ay nagsisimula pa lang. Lumipas ang mga taon, nagpatuloy ang buhay. Ang lumang laban sa debate hall ay isa na lang malabong alaala. O akala ko lang. Sa unang araw ko sa Iconic Financial Group, hindi ko inakalang makikita ko siya muli. “Ava Marquez,” basa ko sa nameplate sa pinto ng senior account manager. Tahimik akong humakbang papasok sa meeting room. Nag-angat siya ng tingin. Hindi nagbago ang pananalamin niya—matigas, matalim. Hindi ko alam kung napansin niya rin, pero sa pagitan naming dalawa, may kakaiba. Para bang matagal na kaming may alitan, kahit hindi namin maalala kung bakit. Sa bawat meeting, sa bawat sagupaan ng opinyon—naroon ito. Isang tensyon na hindi namin mabigyang pangalan. O baka hindi lang namin inaamin. Sa aming pagtutunggali sa opisina, hindi ko maiwasang isipin—bakit parang matagal na kaming magkalaban? At isa pa, bakit hindi ko gustong tumigil? Ava's POV. Pitong taon na ang nakalipas, sariwa pa ako sa corporate world. Bagong sahod, bagong ambisyon, bagong buhay—at si Ryan, ang lalaking akala ko'y kasama ko sa lahat. “Power couple,” sabi nila tuwing dumadaan kami sa hallway. Nginingitian ko lang sila, pero sa loob-loob ko, alam kong hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. “Gusto kitang makasama sa taas,” bulong ni Ryan minsan, yakap ako mula sa likod. Hindi ko alam na unti-unti niya akong iniiwan pababa. Isang gabi, habang inaayos ko ang reports niya, napansin ko ang isang message sa phone niya—isang pangalan na hindi akin. “I had fun last night. See you again?” Nanigas ako. “Ryan,” mahina kong tawag, hawak ang phone. Lumapit siya, walang emosyon. "Don't overthink, Ava." Ngunit sa mga mata niya, alam kong may tinatago siya. Sa gabing iyon, sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung dapat ko pa siyang ipaglaban. At doon ko rin natutunang ang isang relasyon ay hindi palaging patas. Madaling araw na nang maramdaman kong bumangon si Ryan mula sa kama, at lumabas ng kwarto. Alam kong may mali. Hindi ako nagdalawang-isip. Kinuha ko ang phone niya, binuksan ang huling notifications. Isang chat. Isang tawag. Isang larawan. Isang babae na hindi ako. Nanlamig ang kamay ko. Lumabas ako ng kwarto, nakita ko siyang nakatayo sa balcony. "Ryan," tawag ko, nanginginig ang boses. Lumingon siya, walang gulat sa mata. "Anong ibig sabihin nito?" Inabot ko ang phone, kita ang mensahe. Hindi siya agad sumagot. "Ryan, sagutin mo ako." Bumuntong-hininga siya. "Ava… hindi mo ako naiintindihan." Natawa ako, mapakla. "Ano'ng hindi ko naiintindihan? Na may ibang babae ka?" Hindi siya umamin. Pero hindi rin siya nag-deny. Sa isang iglap, bumagsak ang ilusyon ng "power couple." At doon ko naintindihan—hindi mo malalaman kung gaano ka kahina hanggang hindi ka ipinagpapalit. Tumayo ako sa harap niya, mahigpit ang hawak ko sa phone, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili ko. Hindi ako iiyak. Hindi ngayon. "Ava—" "Tama na." "Hindi—" "Tama na, Ryan!" sigaw ko, mas malakas kaysa sa inaasahan ko. Tahimik siya. Tinitigan ko siya, naghahanap ng kahit anong pagsisisi. Wala. Hawak ko ang katotohanan pero wala akong laban. "Alam mo kung ano'ng pinakamasakit?" bulong ko. "Ni hindi mo ako pinili." Tinalikuran ko siya, dumiretso sa kwarto. Hindi siya sumunod. Pagkasara ko ng pinto, doon ako bumigay. Hawak ko ang labi ko, pilit pinipigil ang hikbi. Sa buong buhay ko, hindi pa ako natatalo nang ganito. Pero sa larong ito, hindi ko alam paano bumawi. Mula noong gabing iyon, nagbago ang lahat. Hindi ko na hinayaan ang sarili kong maging mahina. At wala nang lalaking makakabasag sa akin muli. Lumipas ang mga taon, nawala si Ryan sa buhay ko—kasabay ng lahat ng sakit na iniwan niya. Hindi ko na siya inisip mula noon. Pero isang umaga, sa loob ng Iconic Financial Group, isang pangalan ang nagpakaba sa dibdib ko. "Ryan Gomez – New Hire, Sales Department." Napahawak ako sa screen, pilit inaalis ang kahit anong emosyon. Makalipas ang ilang minuto, may kumatok sa pinto ng opisina ko. "Ava," pamilyar na boses. Nagtagpo muli ang mata namin. Sa harap ko, nakatayo si Ryan, walang bahid ng pag-aalinlangan. "Hindi ko inasahan na ikaw ang boss ko," aniya, may ngiti sa labi. Hindi ako gumalaw. "Hindi mo ako inasahan, o hindi mo ako ginustong makita ulit?" malamig kong tanong. Saglit siyang natigilan. "Ibang Ava ka na ngayon," bulong niya. Tama siya. Hindi na ako ang dating Ava. Pero hindi ko alam kung sapat na ‘yon para hindi bumalik ang sakit… o ang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD