Chapter 22

1874 Words
Hindi lang si Regina ang kalaban ko. May mas mataas pa sa kanya—at siya ang kailangan kong hanapin. "Regina was never the real boss, was she?" tinig ko, malamig, habang nakatayo sa harap ni Migs at Jai. Tahimik silang nagkatinginan. Si Migs, nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Alam kong aabot ka sa tanong na ‘yan." "Sino ba talaga ang nagpapatakbo sa kumpanyang ‘to?" Umupo ako, pinipigilan ang panginginig ng daliri ko habang sinasara ang laptop. "Kung gusto mong malaman, Ava..." lumapit si Migs, at tumitig sa akin nang mariin. "Si Enzo ang kailangan mong hanapin." Napatigil ako. Muling bumangon ang isang bagay na matagal ko ng iniisip na tabunan—kung alam niya ang lahat… bakit siya biglang nawala? So, kung gusto kong matapos ang larong ito, kailangan ko talagang unahing hanapin si Enzo. Dati, inakala kong kaya kong tapusin ang larong ito mag-isa. Ngayon, alam kong mali ako. "Akala ko ba hindi mo na siya hahanapin?" mahinang sabi ni Jai, habang nilalaro ang tasa ng kape niya. Pinisil ko ang tulay ng ilong ko, pilit itinatago ang bumabangong inis. "Hindi na ito tungkol sa personal na isyu, Jai." Napairap siya. "Talaga lang ha? Dahil ang tunog nito, Ava, ay parang—" "Kung gusto kong pabagsakin si Regina, kailangan kong malaman kung sino ang mas malakas sa kanya," putol ko. "At kung may isang tao na posibleng may sagot—hindi si Ryan ‘yon." Tahimik si Jai. Napahigpit ang hawak ko sa mesa. "Si Enzo." Dati, ang iniisip ko lang ay kung paano ako mananalo. Pero ngayon, mas mahalaga ang isang tanong—kung paano ako makakaligtas. At siya lang ang sagot. Hindi ko pala kayang mag-isa. At kahit hindi ko gustuhin, kailangan ko siyang hanapin. "Nagiging mainit na masyado, Ava." Napatingin ako kay Migs. Halatang nagpipigil siya, pero may bahid ng kaba sa boses niya. "Alam kong alerto na sina Regina at Adrian," sagot ko, pinipilit panatilihing kalmado ang tono ko. "Pero, mas delikado ang isang hindi nakikitang kalaban—ang silent investor." “Hindi lang sila ang problema.” Tumikhim si Jai at itinulak sa akin ang cellphone niya. Tumigil ang paghinga ko nang makita ang text sa screen. Unknown Number: Ava, stop digging. Humigpit ang hawak ko sa phone. Kung may isang bagay na sigurado ako, hindi ito simpleng pananakot lang. Kung sino man ang nagpadala ng mensaheng ‘to, alam nilang masyado na akong malapit sa katotohanan. Pero ang tanong… sino ang may gustong pigilan ako? At bakit? Bumalik ako sa fire exit—ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ngayon, may kasama na ako. Tahimik kong tinapakan ang lumang hagdan ng fire exit, ang malamig na bakal sa ilalim ng sapatos ko ay nagdadala ng bigat ng alaala. Ilang beses na akong tumayo rito noon, kasama si Enzo. Ngayon, wala siya. Pero kailangan ko siyang hanapin. “I know this place means something,” basag ni Migs sa katahimikan, nakasandal sa railing. “Anong gagawin natin dito, Ava?” Huminga ako nang malalim, binalingan siya. “Tulungan mo akong hanapin si Enzo.” Nagtaas siya ng kilay, pero hindi nagtanong. Sa halip, ngumiti siya ng pagod at marahang tumango. "Damn. Alam kong isang araw, hihingi ka ng pabor na maghanap ng multo." “Hindi siya multo,” sagot ko, habang nakatingin sa malayong city lights. “Pero kung may isang taong kayang magtago sa lahat, siya ‘yon.” At kailangan ko siyang makita—kahit anong mangyari. Kung may isang hacker na kayang hanapin ang isang taong hindi gustong matagpuan, si Migs lang ‘yon. Dati, trabaho lang ang mahalaga. Ngayon, may isang bagay—or isang tao—na hindi ko matakasan. Umikot ang baso sa pagitan ng daliri ko habang nakatitig ako sa walang laman nitong loob. “T*ngina, Ava, ilang shot mo na ‘yan?” reklamo ni Jai, nakahalukipkip sa tapat ko. Tumingala ako, nagtaas ng kilay. “Hindi mo naman ako sinusukat, ‘di ba?” Napairap siya. “Hindi. Pero iniisip ko lang kung mas mabigat ba ‘yung iniinom mo o ‘yung iniisip mo.” Tumawa ako, pero walang laman. Sa loob ng tatlong taon, inakala kong ang laban na ‘to ay tungkol lang sa trabaho, sa paghihiganti, sa kapangyarihan. Pero ngayon? Aminin ko man to o hindi—ang mga iniisip ko ay hindi na tungkol sa kumpanya. “Gusto mo ba talaga siyang hanapin dahil sa sagot…” May diin sa boses ni Jai. “O dahil sa kanya?” Napangiti ako, pero ramdam ko ang panlalamig sa dibdib ko. Ang pinakamahirap na kalaban ay hindi si Regina. Hindi si Adrian. Ang totoo? Kalaban ko ang sarili ko. Si Jai, tahimik lang na pinagmamasdan ako, habang ang beer niya ay hindi pa nauubos. "So, bakit ka nga ba gigil na gigil na hanapin si Enzo?" Napakurap ako. Tinignan ko si Jai, pero ang mga mata niya ay prangkang nakatingin sa akin, parang hinihimay ang bawat iniisip ko. Hindi ako agad nakasagot. Tumagilid ako, inabot ang baso ko, pero hindi ko ito ininom. “Dahil may utang na loob ako sa kanya,” sagot ko, pero kahit sa sarili kong pandinig, parang hindi buo ang sinabi ko. "Bullsh*t," sagot ni Jai, hindi man lang nag-atubiling punahin ako. "Wag mo nga akong pinaglololoko. Ava, hindi utang na loob ‘yan." Hinampas niya ang beer niya sa mesa. "Hindi mo lang matanggap na may nawala sa’yo na hindi mo kayang palitan." Tumawa ako, pero walang tunog. Hindi ko kayang tanggihan ang sinabi niya, pero hindi ko rin kayang tanggapin. Dahil kung totoo ‘yon, ano ang ibig sabihin nito sa akin? May hinahabol ba talaga akong sagot? O may hinahabol akong taong hindi ko kayang bitawan? Sa kalagitnaan ng inuman, dumating ang isang hindi ko inaasahang bisita. Si Ryan. Hindi ko agad siya napansin. Nakatuon ako sa baso ko, at sa bigat ng usapan namin ni Jai. Pero nang lumamig ang paligid, nang bumagal ang kilos ni Jai sa gilid ko, alam kong may kakaibang nangyari. Lumingon ako. Si Ryan. "Magkasama na naman kayo?" tanong niya, naka-half-smile pero kita sa mata ang kunwaring pag-aalala. Umirap si Jai. “Ano bang trip mo, bro? Hindi ka ba napapagod?” Ngunit hindi natinag si Ryan. Lumapit siya, ibinaba ang kamay sa mesa. "Alam ko na kung nasaan si Enzo." At doon, biglang tumahimik ang lahat. Narinig ko ang sariling paghinga, mababaw, pilit pinapanatili ang composure. Si Ryan, nakatitig sa akin, tila hinihintay ang reaksyon ko. Kung totoo ang sinabi niya… ano ang kapalit? Sa wakas, may sagot. Pero ang tanong, handa ba akong malaman ang katotohanan? Hindi ko na tinapos ang beer ko. May mas mabigat pang lason sa harap ko. Tahimik akong tumayo. Ramdam ko ang pagtigil ng usapan sa paligid. Ramdam ko rin ang paghawak ni Jai sa braso ko, mahina pero may babala. “Ava,” bulong niya. Hindi ako tumingin sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit kay Ryan, ang bawat hakbang mabigat, kontrolado. Huminto ako sa harap niya, tinitigan siya sa mata. “Saan?” Isang salita lang, pero ramdam kong hinigpitan ni Ryan ang panga niya. Alam niyang hindi ko siya tinatanong para sa walang kwentang laro. Kung may kahit isang porsyento ng katotohanan sa sinabi niya—hahabulin ko ito. Bitag man o hindi. Ngumiti si Ryan, pero walang init. “Handa ka bang marinig ang totoo, Ava?” Hindi ako kumurap. Hindi ako umurong. “Mas matagal na akong handa kaysa sa iniisip mo.” Wala nang atrasan. Kung may sagot si Ryan, ako mismo ang haharap sa katotohanan. Sa isang madilim na parking lot, inabot sa akin ni Ryan ang isang piraso ng papel. Hindi ko agad kinuha. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, sinusuri ang bawat galaw niya. “Anong kalokohan na naman ‘to, Ryan?” Hindi siya ngumiti. Hindi rin nagbiro. “Tingnan mo na lang, Ava.” Dahan-dahan kong inabot ang papel. Pagbukas ko, isang address—isang lumang apartment sa labas ng lungsod. Napataas ang kilay ko. "Bakit ka bigla nagkaroon ng ganitong impormasyon?" Huminga ng malalim si Ryan, waring tinimbang ang susunod na sasabihin. “Dahil hindi mo naiintindihan kung bakit siya umalis.” Tumaas ang t***k ng puso ko. “At oras na para malaman mo.” Biglang sumikip ang paligid, parang lumiliit ang mundo ko sa papel na hawak ko. Kung totoo ang sinasabi ni Ryan… kung totoo… Bakit ngayon lang? May sagot na. Pero handa ba talaga akong marinig ang dahilan kung bakit siya nawala? Dapat hindi ako magtiwala. Dapat hindi ako pupunta. Pero bakit hindi ko mapigilan? Pinaglalaruan ko ang susi ng sasakyan ko, marahang iniikot ito sa pagitan ng daliri ko. "Put*ngina, Ava." Tumayo si Jai sa harapan ko, halatang hindi mapakali. “Alam mong bullsh*t ‘to, ‘di ba?” Hindi ako sumagot. "Bakit ka pupunta? Dahil ba sinabi ni Ryan?" Dagdag niya, pilit hinahanap ang sagot sa mukha ko. Napakapit ako sa manibela. Alam kong hindi ko dapat ito gawin. Alam kong maaaring bitag lang ito. Pero... What if this is real? What if Enzo really left… because of me? Ang bigat sa dibdib ko ay hindi dahil kay Ryan, hindi dahil sa laro ni Regina—kundi sa posibilidad. Ano ang mas masakit? Na iniwan niya ako? O na pinili niyang lumayo? Kung may sagot ang address na ito sa tanong ko, handa ba akong marinig kung bakit niya ako iniwan? Walang tao sa loob ng apartment. Pero may isang bagay na nagpahinto sa paghinga ko. Tahimik akong pumasok, dahan-dahan ang bawat hakbang, para bang may bigat sa bawat galaw ko. Walang tunog. Walang presensya. Para itong abandonadong espasyo. Hanggang sa may makita akong bagay sa mesa. Isang lumang tumbler. Napahinto ako. Alam ko ang tumbler na ‘yon—kilala ko ito nang higit sa kahit ano. Gasgas na ang gilid, may kupas na logo ng lumang coffee shop. Ang tumbler na palaging hawak ni Enzo. Nandito siya. Dati. Pero nasaan siya ngayon? At bakit pakiramdam ko… hindi ako ang unang taong pumasok dito kamakailan? Dahan-dahan kong kinuha ang tumbler. Ramdam ko ang malamig nitong bakal, ang bigat ng alaalang nakakapit dito. Kung iniwan niya ito, ibig bang sabihin hindi na siya babalik? Kung nandito nga si Enzo… nasaan na siya ngayon? Hindi ito coincidence. May nagtatago ng impormasyon, at hindi na ako maghihintay ng sagot. Hawak ko pa rin ang tumbler ni Enzo, pero ang malamig na bakal sa palad ko ay wala nang dating. Hindi ito sagot. Isa lang itong piraso ng mas malaking puzzle. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Migs. “Uy, Queen,” sagot niya, pa-joke pero ramdam ang pagod. Hindi ako nagpatumpik-tumpik. “Migs, I need you to do something for me.” “Uh-oh.” "Hanapin mo si Enzo. Starting from this address." Tahimik. Tapos isang buntong-hininga mula kay Migs. "This is getting serious, Ava." "This has always been serious," sagot ko. "Ngayon lang ako nagdesisyong tapusin ‘to." Sa unang pagkakataon, hindi ako naghihintay ng sagot. Hindi ako magpapadala sa laro ng iba. Kung gusto nilang itago si Enzo sa akin… mas lalo ko siyang hahanapin. This time, I’m not waiting for clues. I’m taking control. At walang makakapigil sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD