Dumating ang isang anonymous email. Walang subject. Walang pangalan. Pero isang babala lang ang laman.
"Stop looking for him."
Nanigas ang mga daliri ko sa keyboard habang nakatitig sa screen. Malamig ang hangin sa opisina, pero pakiramdam ko’y parang binuhusan ako ng kumukulong tubig.
Put*ngina.
Pinindot ko ang phone at tinawagan si Migs.
"Uy, Queen—"
"Migs, may nag-email sa akin," putol ko, mabilis ang t***k ng puso. "Walang pangalan. Walang subject."
"Seryoso? Ano’ng nakasulat?"
"Stop looking for him."
Napatahimik ang dalawa, nag-iisip.
“Teka, remote check ko yung email mo.”
Hinawi ko ang buhok ko, nagmura sa sarili. "Put*ngina, ano ’to, Regina?"
Pero kahit hindi pa sinasabi ni Migs, alam ko na.
“Ava, hindi si Regina ang may gawa nito. May mas makapangyarihang may gustong itago si Enzo.”
“Bakit hindi siya pwedeng matagpuan?” sagot ni Ava. “Ano ang itinatago nila?” dagdag pa niya.
At mas mahalaga—sino ang talagang humahawak sa lahat ng koneksyon sa kumpanyang ito?
Kung may mas malakas pang player dito, oras na para ilabas ang sarili kong alas.
Nasa loob pa rin ako ng apartment. Ang parehong espasyong iniwan ni Enzo. Ang parehong lugar kung saan siya huling nagpakita.
Dati, ang pinakamalaking takot ko ay ang mawalan ng kontrol sa kumpanya. Ang matalo sa corporate war.
Pero ngayon, hindi lang trabaho ang nakasalalay.
Buhay niya.
At marahil, pati ako.
Hinawakan ko ang lumang tumbler sa mesa, ang mga daliri ko naglalaro sa gasgas nitong gilid.
"Stop looking for him."
Pero bakit hindi nila ako mapatigil?
Bakit mas gusto nilang pagtakpan ang katotohanan kaysa hayaan akong hanapin siya?
Kung ito ay isang corporate war lang, kaya kong laruin ang laro.
Pero ngayon, ibang laban ito.
At kung may isang bagay na natutunan ko—hindi ako magpapatalo.
Dati, ang laban ko ay laban lang ng kapangyarihan. Ngayon, ito ay laban ng katotohanan.
Kinalimutan ko na ang sarili kong kaligtasan, kung gusto kong malaman ang katotohanan.
Hawak ko pa rin ang tumbler ni Enzo habang nakaupo sa gilid ng kama. Isang bagay na naiwan niya, isang bagay na hindi ko kayang itapon.
Pumikit ako, huminga nang malalim.
Kung babalik ako sa opisina, tapos na ang laban. Kung tatahimik ako, mananalo sila.
Pero hindi ako tahimik na tao.
Binuksan ko ang phone ko at nag-text kay Migs.
"I need everything you can find on the silent investor."
Sumagot siya agad.
"Ava, sigurado ka ba?"
Wala akong sinagot.
Alam ko na ang sagot.
“Kung gusto kong malaman ang katotohanan, kailangan kong bitawan ang lahat. Kapangyarihan. Seguridad. Ang posisyon ko sa kumpanya.”
At kung kailangang mawala ako para lumabas ang katotohanan… handa akong tanggapin ang kapalit nito.
Ngayon, wala nang pabalik. Hindi ito tungkol sa trabaho. Ito ay tungkol sa katotohanan.
"Kailangan kong hanapin si Enzo—anumang mangyari."
Halos mabali ang mga daliri ko sa lakas ng pagkakahawak sa phone.
"Migs, hack everything. Hanapin mo kung nasaan talaga si Enzo."
Tumawa siya sa kabilang linya, pero hindi na ito tulad ng dati—walang bahid ng pagbibiro, walang kasamang pang-aasar.
"Ava, alam mong delikado ‘to, ‘di ba?" mahinahon niyang tanong.
"Hindi na ‘ko makakapaghintay, Migs. Someone is pulling the strings, at hindi lang si Regina ‘to," sagot ko, malamig. "I need to know who’s really in charge."
Tumahimik siya sandali.
"Aygatchu, Queen."
Hindi na ako magdadalawang-isip. Hindi na ako matatakot.
Kung may pumipigil sa akin para malaman ang totoo, mas lalo akong maghuhukay.
At kung totoo ngang dito huling nakita si Enzo—hahanapin ko siya.
Now, it's personal.
Isang anonymous email na naman. Isang offshore account na may pangalan ni Regina. At isang pangalang hindi ko inakalang makikita ko.
Dumating ang email sa isang account na hindi kailanman natunton ni Regina.
Subject: “I can help.”
Nanlalamig ang mga daliri kong pinindot ang attachment. Isang partial document ang bumukas—isang listahan ng offshore accounts na konektado kay Regina. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napahinto ako.
Isang pangalan ang nandoon.
Lorenzo Arceo.
Halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa paghinga.
Imposible.
Naramdaman kong nanginginig ang mga kamay ko.
Bakit nandoon ang pangalan ni Enzo?
Anong kinalaman niya rito?
Anong hindi ko pa alam tungkol sa kanya?
Gusto kong maniwalang isang pagkakamali lang ito.
Pero, alam kong hindi.
Kung may offshore account si Enzo na konektado kay Regina… ibig sabihin ba, matagal na siyang kasabwat?
Hindi ko alam kung sino pa ang mapagkakatiwalaan ko. At mas lalong hindi ko alam… kung kaya ko pa siyang hanapin.
"Impossible," bulong ko, nakatitig sa screen ng laptop.
"Track mo ‘to, Migs. Gusto kong malaman kung sino ang nagpadala," utos ko, pilit na itinatago ang panginginig ng boses.
Mabilis siyang nag-type sa keyboard, mata seryoso. Ilang minuto ang lumipas bago siya bumuntong-hininga.
"Wala, Ava. Masyadong malinis. Whoever sent this knows what they’re doing."
Napaurong ako sa upuan.
Bakit nandito ang pangalan ni Enzo?
Hindi ito simpleng frame-up.
Kung may offshore account siya na konektado kay Regina… ibig sabihin ba, matagal na siyang bahagi ng laro?
Mula noon, naniwala akong biktima lang siya ng sistemang ito.
Pero paano kung hindi?
Paano kung hindi siya iniwan ng kumpanya—kundi kusa niyang pinili ang pag-alis?
Kung ganun, sino talaga si Enzo?
At mas mahalaga—anong papel ang ginagampanan niya rito?
Sa dulo ng email, may isang instruction: “If you want the full document, meet me.”
Napatitig ako sa screen, habang nanlalamig ang mga daliri.
Midnight. Dock 13.
Isang obvious na patibong.
"Kailangan ko bang sabihin na napaka-sketchy nito?" tanong ni Migs, hindi inaalis ang tingin sa laptop.
"Hindi mo na kailangang sabihin." Sinara ko ang laptop at tumayo. "Pero pupunta ako."
"Are you f*ckin insane?!"
Napahinto ako. "Kung may isang porsyento ng katotohanan sa email na ‘to… kailangan kong malaman."
Naramdaman kong napabuntong-hininga si Migs. "Then I’m coming with you."
“Alam kong delikado. Alam kong maaaring wala akong babalikan kung mali ang galaw ko. Pero kung may paraan para malaman ang katotohanan tungkol kay Enzo… wala na akong ibang choice.”
Midnight. Dock 13.
Patibong man o hindi, kailangan kong harapin ang sagot.
“Kung may alam sila tungkol kay Enzo, kailangan kong malaman,” matigas kong sabi, hindi natitinag.
"Okay, let’s break this down," ani Jai, nakahalukipkip. "You got an anonymous email, telling you to go to a random, abandoned dock at midnight? Alam mo kung ano ‘to? Classic ‘meet me in a dark alley’ setup.”
"Alam ko," sagot ko.
"At pupunta ka pa rin?" si Migs naman ang sumingit, nakakunot ang noo.
Tumayo ako. “Hindi ko sinasabi na hindi ito patibong.” Saglit akong natigilan. "Pero kung may isang porsyento ng katotohanan dito... hindi ko kayang hindi malaman."
Napailing lang ng ulo si Jai. “Ava, this is reckless.”
“Kailan ba ako naging safe?”
“Oo nga naman pala. Lahat na ata kasi ng mga pinapasok mo ngayon, kung hindi ka mawawalan ng trabaho, masasaktan ka naman sa pag-ibig. Tapos ngayon, buhay mo naman ang nakataya. GOOD JOB AVA!”
"Kung hindi ako pupunta, paano ko malalaman kung sino talaga ang kalaban ko?"
“Sa pagkakataong ito, wala na akong pakialam. Kung kailangan kong sumugal, gagawin ko.”
Sa rearview mirror, isang itim na sasakyan ang sumunod sa akin—hindi lang basta aksidente.
Napakapit ako sa manibela.
*Put*ngina.*
Hindi lang basta normal na sasakyan. Alam kong sinusundan ako.
Sinilip ko ulit ang rearview mirror, at doon ko siya nakita. Ryan. Nasa likod ng manibela, kasunod ko.
Pinabilis ko ang sasakyan, pero hindi siya bumitaw. Pagdating sa stoplight, bigla siyang sumabay, ibinaba ang bintana, at malakas na sumigaw.
"Ava, bumalik ka!"
Hindi ko siya pinansin.
Pero biglang humarurot si Ryan, pinutol ang lane ko, pinilit akong ihinto. Napamura ako at mariing inapakan ang preno.
Bumaba siya, mabilis akong nilapitan. "Hindi mo naiintindihan. Wala kang dapat puntahan."
Lumabas ako ng sasakyan, diretsong tinitigan siya. "Wala kang pakialam, Ryan."
Hinawakan niya ang braso ko. “Mali ka. Dahil kung hindi mo pipigilan ‘to, baka si Enzo mismo ang ialay ng kumpanya bilang scapegoat.”
Napatigil ako.
Kung may plano silang gawing sakripisyo si Enzo... ibig sabihin, buhay pa nga siya.
Pinigil ko ang sarili kong sumagot agad. Hindi ito isang simpleng pagpili—lahat ay may kapalit.
"Alam mong hindi ka puwedeng magpatuloy, Ava," bulong ni Ryan, matalim ang tingin.
Pinilit kong hindi magpakita ng reaksyon, pero ramdam kong kumakapit ang lamig sa balat ko.
"May plano ka, hindi ba?" patuloy niya. "Pababagsakin mo si Regina, guguluhin mo ang lahat ng nasa taas. Pero paano kung mali ang iniisip mo?"
Natawa ako—mapait, walang saya. "Alam kong may tinatago ka, Ryan."
"At ikaw, alam mong may tinatago rin si Enzo."
Biglang humigpit ang hawak ko sa manibela.
"What if he's not the victim, Ava? What if he's the key to everything?"
Ramdam ko ang pagdagundong ng puso ko.
Alam kong may punto si Ryan.
Pero huli na.
Hindi na ito tungkol kay Regina.
Hindi na lang ito paghihiganti.
Kailangan kong hanapin si Enzo.
Malamig ang hangin sa Dock 13, pero mas malamig ang presensyang bumalot sa paligid ko.
Sa ilalim ng mahinang ilaw ng streetlamp, nakita ko ang source—isang matandang lalaki, naka-coat, mukhang executive. Hindi ko siya kilala, pero alam kong siya ang hinahanap ko.
Humakbang ako papalapit.
Isang saglit.
Bago pa ako makalapit, isang itim na sasakyan ang dumaan sa harapan ko, humarang sa pagitan namin.
Biglang bumukas ang pinto.
Si Adrian.
"Anong ginagawa mo rito, Ava?" tanong niya, tinatanggal ang sunglasses niya.
Napaatras ako, nagmamasid. “Dapat ako ang nagtatanong niyan.”
Ngumiti siya, pero hindi ito umabot sa mata niya. “Kung may makuha kang ebidensya laban kay Regina…”
Humakbang siya palapit, binitawan ang isang buntong-hininga na parang pasensya ang nakasalalay.
“…ikaw ang susunod na mawawala.”
Tumigil ang mundo ko sa isang iglap.
Nanghina ang tuhod ko.
Pero hindi ako umatras.
Hindi na ito laro.
Ang buong laban ko ay laban kay Regina—pero paano kung hindi siya ang totoong halimaw?
Humigpit ang hawak ko sa bag habang ang tinig ni Adrian ay parang sumisirit sa tenga ko.
"Ikaw ang susunod na mawawala."
Si Regina. Siya dapat ang target. Siya dapat ang papatumbahin ko. Pero paano kung hindi siya ang nagmamaniobra ng lahat?
Tumawa ako, pilit, walang emosyon. “Gumagamit ka na ngayon ng death threats, Adrian?”
Lumapit siya. Masyadong malapit.
“Hindi ako nagbibiro, Ava.”
Nanlalamig ang sikmura ko.
Kung may mas malaking player sa likod nito, hindi lang trabaho ko ang nakataya.
Baka ako mismo ang susunod na isusuko sa sistema.
Dapat may sagot ako. Dapat may laban ako. Pero ang bibig ko, hindi gumagalaw.
Paano kung lahat ng ginawa ko—lahat ng isinugal ko—ay walang kwenta?
Paano kung talo na ako?
Tumikhim si Adrian, pabulong, halos awa ang tunog.
“Ava, minsan mas mabuting hindi mo alam ang totoo.”
Nakatayo ako sa harap ng matandang lalaki, ramdam ang bigat ng presensya ni Adrian.
Tumigil ako, pinakikiramdaman ang paligid. Sa ilalim ng madilim na ilaw ng pier, nagtatama ang mga anino namin.
“Gusto kong malaman ang totoo,” sabi ko, hindi iniinda ang malamig na ihip ng hangin.
Ang matandang lalaki, hindi kumibo. Hindi man lang ako tiningnan ng diretso, parang tinatantiya kung dapat ba akong sagutin.
Pero bago pa siya makasagot—
Isang tinig ang bumalot sa hangin. Matalas, kalmado, pero may bigat na parang kutsilyong idiniin sa balat.
“Ava, siguraduhin mong kaya mong harapin ang katotohanan... dahil baka hindi mo magustuhan ang malalaman mo.”
Napalingon ako, at ang malamlam na ilaw sa pier ay tumama sa mukha ng taong nasa likuran ko.
Ang lalaking pinilit kong hanapin.
Ang lalaking akala kong iniwan ako.
Si Enzo.
Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakapagsalita.
Dahil sa isang tingin, alam kong may tinatago siya.