Chapter 35

1183 Words
Napatitig ako sa taong nasa harapan ko. Hindi. Imposible. Hindi siya dapat nandito. Napalunok ako. Ilang taon na ang lumipas mula nang iharap ko ang Takeover System sa board. "Paano mo nalaman?" tanong ko, pero hindi ko na kailangang marinig ang sagot. Alam ko na. Isang hakbang pa, at lumamig ang hangin sa pagitan namin. "Now," aniya, kalmado ang tono. "Are you ready to learn the truth?" Pakiramdam ko, bumigat ang bawat segundo. Hindi ito laro. Hindi na ito simpleng corporate war. Mas malalim nga ito gaya ng sabi ni Enzo. Akala ko, unt-unti ko nang natutunton ang totoo. Pero paano kung ang buong akala kong laban… Isa lang palang distraction? Huminga ako ng malalim. Imposible. "Ikaw?" halos bulong kong sabi, hindi makapaniwala. Napangiti siya—hindi ang tipong pagngiti ng isang kaibigan, kundi isang paalala. "Matagal na tayong hindi nagkikita, Ava," aniya, habang inaayos ang kanyang kwelyo. "Tila marami kang hindi alam." Naglakad siya papalapit, malakas ang kumpiyansa sa bawat hakbang. "Kung nagulat ka sa presensya ko," aniya, dahan-dahang tumigil sa harapan ko, "magugulat ka lalo kapag nalaman mo kung sino talaga ang naglaro sa iyo." Tumingin ako sa paligid, hinahanap si Enzo. Pero wala siya. Dapat alam niya 'to. Kung sino man ang taong ito— Kung paano siya konektado sa lahat— Dapat matagal na niyang sinabi sa akin. Muli akong tumingin sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Ngumiti siya. "Ako ang dapat magtanong niyan." Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—na nandito siya, o ang katotohanang matagal ko na palang alam ang sagot. Nagtagpo ang mga mata namin. Matalim ang titig niya, walang bahid ng pagkagulat—parang siya pa mismo ang matagal nang naghihintay ng sandaling ito. Si Gab Montemayor. Siya. Siya pala. "Bakit ngayon ka lang lumabas?" tanong ko, nilalabanan ang kaba sa loob ko. Ngumiti siya, payapa, parang hindi ito isang larong puno ng pagtataksil. "Hindi ako nawala, Ava. Ikaw lang ang hindi tumingin." Humakbang siya palapit, marahang-mabagal, para bang binibigyan ako ng oras para tumakbo. Pero hindi ako umalis. Hindi ngayon. "Sabihin mo sa akin, Ava," aniya. "Alam mo na, hindi ba?" Hinintay ko ang sarili kong magsalita, pero walang lumabas. Dahil oo, alam ko na. Matagal na. Siya. Ang hinahanap kong sagot. At marahil, ang tunay kong pagkakamali. "Gab," bulong ko, kasabay ng paglamig ng hangin sa paligid. "Anong ginawa mo?" Kung si Enzo ay matagal nang may alam… ano ang papel ni Gab sa lahat ng ito? Nagtagpo ang mga mata namin ni Gab, at sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. "Anong ginawa mo?" ulit ko, mas matigas ngayon. Tahimik siyang ngumiti. "Ang mas tamang tanong," aniya, nakatingin sa akin nang diretsahan, "anong ginawa natin, Ava?" Ramdam ko ang panlalamig sa katawan ko. Hindi niya sinabing “ako”. "Ginawa natin?" Paulit-ulit sa utak ko ang mga salitang iyon. Si Enzo, si Regina, ang pagbagsak ng Orion Financial Group—lahat ng ito, tila isang kwentong isinulat nang matagal na. At ako? Ako ba ang bida rito? O… isa lang akong tau-tauhan? Lumingon ako sa sasakyan, sa itim nitong salamin, parang nag-aabang kung may ibang lalabas pa. "Ano talaga ang papel mo dito, Gab?" Bahagya siyang tumawa. "Mas magandang tanong—ano ang papel mo?" At higit sa lahat—mapagkakatiwalaan ko pa ba siya? O matagal na akong pinaglalaruan? Anong nangyari sa blueprint ng Takeover System? At paano ito naging sandata ng mga kalaban? "Nasaan ang original files ng Takeover System?" tanong ko, pilit pinapanatiling kalmado ang boses ko. "Sa tingin mo ba hahayaan nilang mawala iyon?" sagot ni Gab, may bahid ng pang-uuyam. Napakurap ako. "Imposible. Tinanggihan ng board ang proposal na ‘yon. Wala dapat silang kopya." "Talaga ba, Ava?" Umiling siya. "Sa palagay mo ba, mawawala lang iyon nang basta-basta?" Muling bumalik sa akin ang mga huling meetings ko noon. Ang confidential na files. Ang NDA. Hindi ko naisip noon. Pero paano kung… "Holy sh*t," bulong ko. "Ginamit nila ‘yon." "Bakit mo pa hinahanap ang blueprint?" Napalunok ako. Napangisi si Gab. "Dahil hindi na ito tungkol sa Orion Financial Group." Huminga siya nang malalim. "Ava, may ibang target ang Takeover System mo ngayon." At sa lahat ng puwedeng sirain ng sistemang ginawa ko… Ako mismo ang sumunod. Bumagsak ang Orion Financial Group. Ngayon, nagbabanggaan ang pinakamalalaking kumpanya para kunin ang labi nito. “Official na. IFG ang isa sa pinakamalakas na bidder sa Orion takeover,” anunsyo ni Regina, walang emosyon. “Tingin mo ba basta ka lang makakawala rito, Ava?” Napalunok ako. "At guess what? Ikaw ang ipapadala ng IFG sa takeover.” Napahawak ako sa sentido. “You’re kidding, right?” Ngumisi bigla si Regina. “At hindi ka naman mag-isa. May second-in-command ka—whether you like it or not.” Lumingon ako kay Gab, pero hindi siya nagsalita. Bago ko pa mabuksan ang bibig ko, nag-vibrate ang phone ko. Tumatawag si Enzo. Tumigil ang mundo ko sa isang segundo. “Ava,” mahinahon pero matigas ang boses ni Enzo. “Mukhang wala tayong choice.” Huminga ako nang malalim. “Regina set this up, didn’t she?” “We work together now,” sagot niya. “Try not to kill me.” Ang larong ito ay hindi pa tapos. At ngayon, maglalaro kami sa parehong koponan. Lima kaming nasa boardroom, pero wala sa amin ang gustong maunang magsalita. Adrian Velasquez. Velasquez Holdings. Nakatingin siya sa akin, bahagyang nakangiti. "Didn't think we'd meet again like this, Ava." Ngumiti ako pabalik. "Well, you always loved competition, didn't you?" Celeste Navarro. Black Tower Capital. “Interesting,” aniya habang nilalaro ang baso ng whisky sa kamay. "You’re still standing after all that mess?" Nakangiti siya, pero alam kong sinusukat niya ako. Miguel "Migs" Rivera. Titan Securities. Nagkibit-balikat siya. "Don't mind me, Ava. Nandito lang ako para mag-enjoy ng corporate bloodbath." Pero iba ang tingin niya—para bang alam na niya kung sino ang mananalo. Ryan Gomez. Gomez & Co. Finance. Tahimik lang siya, pero nang magtama ang tingin namin, nag-angat siya ng kilay. "Ironic, 'no?" bulong niya. "Ikaw ang bumuo ng plano... pero tayo ang maglalaban para dito." Lumingon ako kay Enzo. "Are you ready for this?" tanong ko. Ngumiti siya. "Ikaw?" Nasa fire exit kami ni Ava—ang tanging tahimik na lugar sa buong opisina. Puno ng usok ang hangin mula sa sigarilyo niya. Hindi siya dating nagyoyosi. "Hindi ko gusto ang tahimik na laban," bulong niya. "Ano'ng mas gusto mo?" tanong ko. "Tahimik na laban... o laban na tahimik kang natatalo?" Saglit siyang natawa. Pero walang saya. "Ikaw, Enzo," aniya, diretsong nakatingin sa akin. "Ikaw ba… kailan mo ako tinalo?" Tinitigan ko siya, hinayaang lumipas ang ilang segundo bago sumagot. "Ava, anong mas mahirap?" Kumunot ang noo niya. "Ang lumaban," sabi ko, "o ang malaman mong matagal ka nang talo?" Nanahimik siya. Sa pagitan ng distansyang ito, sa pagitan ng alaala at kasalukuyan, naramdaman kong hindi lang ito laban sa kumpanya. Laban ito sa nakaraan naming hindi namin kayang banggitin. "Ava," bulong ko, mas malambing kaysa dapat. "Tiwala ka ba sa sarili mong panalo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD