bc

CEO, Doctor and Me

book_age4+
31
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
playboy
goodgirl
CEO
journalists
sweet
city
office/work place
childhood crush
passionate
like
intro-logo
Blurb

A story of a girl name Maria Gracia trapped by the two choices she can never imagine. To be love by the Broken CEO that can't move on, or to love a handsome Doctor who loves her ever since. Who will she choose? The CEO or the Doctor? And this is the story of the CEO, Doctor and Me

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Year 1995 Sa isang trahedya dito naulila ang isang dalawang taong gulang na si Maria Gracia Silvestre. Sa musmos na gulang ay naranasan niya ang sakit na tinatawag na Broken heart syndrome na kung saan nahihirapan itong huminga na kinakailangan ng medikasyon. Napilitan ang mga kaanak nito na ibigay na lang si Maria sa bahay ampunan dahil hindi nila kaya ang gastusin sa mga gamot nito. Lumipas ang limang taon sa tulong ng mga donation ay gumaling si Maria. Marami ang nagtangkang ampunin siya ngunit tuwing nalalaman nila na may dati’ng sakit ang bata ay tinatanggihan nila ito. Lumaking masayahin si Maria at bibo. Alam niya ang tungkol sa kan’yang sakit kaya sinisiguro niya na hindi siya magiging malungkot kailanman. Marami siyang mga kaibigan kabilang na doon si Ella at Hansel. Si Ella ay kasing edad niya lang ngunit nauna itong napunta sa bahay ampunan kaisa kay Maria. Kailanman ay hindi nakita ni Ella ang kan’yang mga magulang. Iniwan siya sa pintuan ng ampunan noong siya’y sanggol pa lang, habang si Hansel naman ay dumating dito noong 4 years old ito. Pakalat-kalat kasi ito sa lansangan at minabuti ng mga awtoridad na sa bahay ampunan na lamang ito kaisa tumira ito sa kalsada. Masaya silang tatlo ngunit nagbago ‘yon ng may mag-asawa na taga Amerika ang umampon kay Hansel. “Akala ko ba hindi tayo maghihiwalay?” tanong ng sampung taong gulang na si Maria. “Ayoko sumama Ria pero sabi nila puwede daw akong maging doctor kung sasama ako sa kanila,” saad ng isang labing-isang taong gulang na si Hansel. Ang mga bata na kasama nila sa ampunan ay nagiiyakan na rin. Napamahal na ang mga bata kay Hansel dahil napakabait nito at matulungin. Hindi lingid sa kaalaman nila nais ni Hansel maging doktor para kay Maria. Gustong tulungan ni Hansel si Maria sa sakit nito. “Dahil ba ito sa ’kin? Aalis ka kasi gusto mong paggalingin ako?” umiwas ng tinggin si Hansel. “’Di ba sabi ko sa ’yo na kapag lumaki na tayo pagagalingin kita. Ito na ang sagot Ria,” sabi nito. “Hindi Sel, okay lang sa ’kin kahit may sakit ako basta hindi mo ako iiwan, hindi mo kami iiwan.” Patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ng batang Maria. Onti-onti niya na rin nararamdaman ang pagsakit ng kanyang dibdib pero hindi niya ito pinahalata kay Hansel. “Wala na kong magagawa Ria, aalis na kami mamaya. Sasakay na kami ng eroplano sabi ni Auntie Cel.” Pinunasan ni Hansel ang mga luha sa mata ng kan’yang kaibigan. “Hansel iho, tara na. Nag-aantay na ang iyong bagong pamilya sa labas,” saad ni Auntie Cel, isa itong staff sa bahay ampunan. Hinigpitan ni Maria ang hawak sa mga kamay ni Hansel dahil alam niya na sa sandaling bitawan niya ito ay hindi niya na makikita ang kan’yang matalik na kaibigan. Lalo rin lumakas ang iyakan sa kwarto na iyon ganoon din si Ella na tahimik lang sa gilid pero basang-basa na ang mukha nito sa luha. Inalis ni Hansel ang mahigpit na pagkakahawak ni Maria sa kan’yang mga kamay, tinalikuran niya ito at lumabas nang k’warto na ‘yon at mabilis na sumakay sa sasakyan ng kan’yang bagong pamilya. “Welcome to our family Hansel Sebastian,” masayang bati sa kan’ya ni Mrs. Sebastian. Niyakap ito ng ginang ng sobrang higpit dahil sabik ito sa anak. Sa isang dekada nilang kasal ng kan’yang asawa ay kailanman ay hindi sila nabiyayaan ng supling. Nilibot nila ang buong mundo para mahanap ang batang nakatadhana sa kanila at ‘yon ay si Hansel. “We’ll promise you that once you achieve your dreams we’ll come back here to see your friends again,” saad ni Mr. Sebastian. Tumango lang ang batang Hansel at hindi na nagsalita. Nagtinginan ang mag-asawa at ngumiti sa isa’t-isa. Naiintindihan nila ang nararamdaman ng kanilang anak dahil mawawalay na ito sa mga taong tinuring niyang pamilya. Pinaandar na ni Mr. Sebastian ang sasakyan paalis sa lugar na iyon. Saktong bilis lang ang takbo nito dahil mabato ang kalsada. Niyakap naman ng mahigpit ni Mrs. Sebastian ang kan’yang anak. Hindi nila namalayan na may isang bata ang humabol sa kanila at ‘yon ay si Maria. Puno ng luha ang kan’yang mga mata habang hinahabol ang sasakyan. “Sandali! Hansel!” mahina nitong sigaw. Hinawakan niya ang kan’yang dibdib dahil patuloy ang pagsikip nito at onti-onti na siyang nahihirapang huminga, “Hansel! Hans-” hindi niya na naituloy ang kan’yang sasabihin ng mapaluhod ito hawak ang kan’yang naninikip na dibdib. “Ria!” Sigaw ni Ella. Mabilis na nagtakbuhan ang mga bata at staff papalapit kay Maria. “Cielo dali tumawag ka ng tricycle at itatakbo natin si Ria sa hospital!” Sigaw ni Auntie Cel sa isa pang staff. “Masusunod po Auntie,” sabi ni Cielo. Kinarga niya si Ria pabalik sa ampunan. Nakaalis na ng tuluyan ang sasakyan ng mga Sebastian ng hindi nalalaman ang nangyari. Naisugod kaagad sa hospital ang batang Maria. Nagdamdam ito sa pagalis ng kan’yang kaibigan kaya bumalik muli ang kan’yang sakit. Pinayuhan sila ng doktor na hindi p’wedeng malungkot si Maria sa mga susunod na buwan. Nakauwi din kaagad si Maria pero nanatili itong tahimik at laging mag-isa sa isang sulok. Pilit siyang pinapasaya ng mga bata at ni Ella roon. Hindi rin naman nagtagal at bumalik ang pagiging masiglahin nito na tila walang nangyari. Nakapagtapos si Ella at Ria sa elementarya sa taong 2005. Sa iisang paaralan sila nag-aral ni Ella noong sila ay high school at matagumpay nila iyong natapos sa taong 2009 na may karangalan. Salutatorian si Ella habang 3rd honorable mention naman si Maria. Hindi maitatanggi na mas matalino si Ella kay Maria, habang si Maria naman ay palakaibigan kaya madami ang nagmamahal dito. Sa iisang college university din sila nag-aral tulong ang ibinigay ng full scholarship sa kanilang dalawa. Business Administration ang kinuha ni Ella habang Mass Communication naman ang kinuha ni Maria. Sa taong 2014 grumaduate sila bilang c*m laude sa kanilang batch. Dahil ganap na silang dalaga kinakailangan na nilang umalis sa bahay ampunan. Nagsama sa iisang apartment si Ella at Ria. Sa kanilang dalawa ang mabilis na nakahanap ng trabaho ay si Ella habang si Maria naman ay nagtratrabaho sa isang fast food chain habang nag-aantay na may tumawag sa mga inapplyan niya. Naging mahirap para sa kanila ang buhay na silang dalawa lang walang matanda na gumagabay sa kanila. Tuwing linggo ay nabisita sila sa kanilang orphanage para magdala ng pagkain para sa mga bata at staff. Maraming bata na rin ang naampon sa kanilang orphanage pero hindi na nalulungkot si Maria. Lagi niya lang iniisip na nasa mabuting pamilya na ang kan’yang mga kaibigan at kapatid. Sa taong 2016 nang mabuntis si Ella ng kan’yang nobyo kaya kinailangan na nitong umalis sa tinitirihan ni Ella. Nalungkot si Maria pero hindi niya ito pinatagal, iniisip niya lagi na may pamilya na si Ella at hindi na p’wede na mag-stay pa siya sa tabi niya. Sa taong 2017 natanggap si Maria bilang isang sports journalist sa isang maliit na newspaper company. Naging maganda ang takbo ng kan’yang trabaho ngunit sa taong 2018 ay nagsara ang kan’yang pinagtratrabahuan. Hindi na masyado mabenta ang mga diyaryo noon kaya nagsara ang kanilang kompanya. Taong 2019 ng matanggap si Maria sa isang ‘di gaanong maliit pero ‘di rin malaking Journalism company. Isa siyang entertainment journalist ng isang website. Ang kailangan niya lamang gawin ay maghanap ng mga scandal o chika ng isang artista lalo na ang mga sikat na businessman o women. Naging maganda naman ang kan’yang trabaho, minimum ang kan’yang sahod at libre ang kanilang pagkain, ‘yon nga lang masungit ang kan’yang boss. Onting mali ay sisigawan ka na nito kaagad, may makalimutan ka lang ay ibabawas na kaagad ito sa iyong sahod, ganoon kahigpit ang kan’yang boss pero tinitiis niya ito. Taong 2021 ng onti-onting bumababa ang kanilang viewers sa website dahil marami na silang kakompetensya. Masyadong marami na ang gumagamit ng website sa paghahatid ng mga balita at chika tungkol sa mga artista. Sabay-sabay na rin ang pag-uupload ng iisang balita sa maraming website at minsan ay natatabunan na sila. “Damn it Ria! Wala pa sa 5% ang ratings ng website mo!” Gigil na sabi ni Mr. Chu. Ang panot nitong ulo ay nagkakaroon nang wrinkles at ang mga litid nito sa leeg ay parang puputok na. Para siyang isang makunat na siopao. “Sorry po sir, masyado na pong maingat ang mga artista ngayon,” sabi ko dito. Masama itong tumingin sa ’kin kaya napayuko ako. “Anong sorry-sorry? Kapag nagpatuloy pa ito hanggang next month you’re fired!” Sigaw nito. Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi nito. “Ano po ba ang quota ko sir?” tanong ko. “100,000 views!” Sigaw nito ng sobrang lakas. Napatakip pa ako sa tainga ko sa lakas ng pagkakasigaw nito. Pero ano raw? “Ho! 100,000 views? Sir hindi ko po yata keri ‘yan hindi pa nga po lumalagpas sa 1,000 ‘yong views sa blog ko,” sabi ko rito. Totoo naman na hindi ko pa naaabot ang 1,000 tapos 100,000 thousands pa kaya. “Wala akong paki kung paano mo ito gagawin basta ‘yan ang quota mo next month. Kapag hindi mo na gawa ‘yan bye-bye trabaho. Lumayas kana nga dito sa opisina ko!” Mabilis akong lumabas ng opisina niya at bagsak balikat na naglakad sa mesa ko. “Ano kamusta sa loob Ria? Rinig na rinig dito sa labas ‘yong sigaw ng dragon ah,” tanong ni Sherily, isa sa mga in charge sa news website. Napabugtong hininga ako bago sumagot, “Ayon mukhang matatanggal na ako next month.” Kinuha ko ang bag ko at nilagay doon lahat ng kakailangan ko para magstalk ng tao. “Jusko naman ‘yang si panot nagiging maiinitin ang ulo nitong nakaraang araw. Paano pa siya tutubuan ng buhok niyan,” pabiro nitong sabi. Gusto ko man tawanan ang kan’yang joke ay mas inuna ko mag-isip kung sino ang una kong hahanapan ng butas. “Mauuna na ako Sherily. Maghahanap pa ako ng balitang makakapagbigay sa’kin ng one hundread thousand views,” sabi ko dito. Nanlaki ang kan’yang mga mata dahil sa sinabi ko. “What! One hundread thousand views? 10 thousand nga lang ang pinaka malaking views natin eh. Sumusobra na talaga itong panot na ‘to sabihin niya na lang na tatanggalin ka na niya hindi ‘yong papahirapan ka pa.” Napailing na lang ako sa sinabi niya. “Wala tayong magagawa. Siya ang boss dito habang alila lang tayo,” sabi ko dito. “Laban lang Ria, makakahanap ka rin ng juicy na balita. Fighting!” Ginaya pa nito kung paano nag ‘hwaiting’ ang mga koreano. Ginaya ko ‘to at umalis na. Paglabas ko ng building ay napatitig ako sa langit. Buti na lang at hindi mas'yadong mainit. “Ngayon saan naman ako hahanap ng chika?” mahina kong tanong sa sarili ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook