Chapter 3

2809 Words
I had a dream. I was there with a boy, I don't know him, we were at the age of 7 I think. Nakasilong siya sa isang malaking puno at umiiyak, nilapitan ko naman siya. "Bata bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa bata na nakayuko at nakapatong ang mga kamay sa tuhod, pero hindi siya sumagot. "You know what my dad said to my kuya when he cried?" He slowly lift his head and he shrugged. "He said, "Alexi, boys should not cry dahil nakakapangit ito. You'll get wrinkles kahit bata ka pa. And that goes the same for you too, Akeisha. We should always smile okay?", Kaya wag ka ng umiyak bata, kundi papangit ka. Ano bang nangyari?" Sabi ko sa bata na unti unti nang tumitigil sa pag-iyak. Pinunasan niya yung luha niya. Umupo naman ako sa harap niya at tinignan ko siya. "I broke one of the vases at my house accidentally," he said. "Pinagalitan ka nila mommy and daddy mo kaya ka lumayas?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya. "Eh bakit ka umiiyak?" This kid's weird. "I ran away because I know mommy and daddy will be mad at me and I cried because of that thought." Englishero pala itong bata. "Of course your mommy and daddy will be mad pero they will understand naman na hindi mo sinasadya hindi ba? Bakit ka naman kase agad lumayas eh, you're a scaredy-cat you know?" Sabi ko naman sa kaniya at nakita ko siyang yumuko. "But that's okay basta magsorry ka na lang pagbalik mo sa inyo, hinahanap ka na niyan nila. By the way, I'm Akeisha. And you are?" Sabay abot ko ng kamay ko sa kaniya at nahihiya naman niyang inabot iyon. "Kaiden." Sabi naman niya. "Hindi ka ba marunong magsalita ng Tagalog Kaiden? Kanina ka pa kasi nage-English eh. Mukha ka namang taga rito." Natawa naman siya, anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang weird talaga niya. But he's cute. "Marunong ako mag-Tagalog." Sabi niya ng nakangiti na. "Ayun naman pala eh!" Natawa na naman siya. Napangiti naman ako sa kaniya. "Huwag ka nang lumayas tsaka umiyak ha, I don't like boys crying 'coz they look ugly when they cry just like my kuya-" Hindi ko na natuloy dahil may bumatok sa akin. "So you're kuya looks so ugly when crying pala ha" It's Alexi, young Alexi Hosueh. Mas gusto ko pa yung batang Alexi kaysa sa ngayon, he's irritating. "Kuya Alexi! Well yeah it's true that you're ugly when you're crying kaya!" "No, I'm not Aki. By the way, kanina pa kita hinahanap, did you forgot that we're playing hide and seek? And sabi ko wag lalayo masyado hindi ba? Ikaw talaga." Sabi niya. "Oh right I forgot kuya hehe, pero nahanap mo naman na ako ehh." Napansin naman niya yung batang kasama ko. "Are you lost?" Tanong niya, umiling naman si Kaiden. "Kuya hatid na muna natin si Kaiden sa kanila bago tayo umuwi. He cried earlier like you but you look so much uglier than him when crying haha!" Hindi alam ni Kaiden kung matutuwa ba siyang mas pangit umiyak si Alexi or maiinis dahil he also look ugly when crying, while Alexi is already fuming mad. Binatukan ulit ako ni Alexi pero pumayag naman siya na ihatid namin muna si Kaiden at itinuro naman niya kung saan yung bahay nila. Saglit lang ay nasa harap na kami ng bahay ni Kaiden, it's a big house. And it's not far from our house too. "Kaiden," tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya. "Be sure to say sorry ah. Maiintindihan ka naman nila eh and wag ka na umiyak like kuya. Kuya Alexi's already big but he's still a crybaby." Ngumiti at tumawa na naman si Kaiden dahil nabatukan na naman ako ni kuya. "Pasok ka na Kaiden, they're waiting for you." Sabi naman ni kuya and tumango naman si Kaiden. "See you." Ani Kaiden at pumasok na. Tsaka naman kami umuwi ni kuya. And the next days, kuya and I eventually started to hang out sa kung saan namin nakita si Kaiden, hindi naman siya park pero malaki ang space kaya pwedeng makapaglaro lalo na't may silong galing sa mga puno na nakapaligid dito. Kaiden showed up again after two days and the days after that, we had fun playing in those days. And that's it, that's my dream. It's weird to have that dream. Childhood memory ko ba yun? I guess it is. "Hey, okay ka lang ba Aki? Kanina ka pa nakatunganga diyan." Sabi ni Alexi, nasa dinner table kami ngayon at kumakain ng breakfast. "She's probably dreaming about Axel, Alexi. You know, that guy from yesterday." Ani Ashley habang kumukuha ng panibagong kanin. We're having brunch dahil late na kami nagising, it's already 10:30 and aalis pa kami mamaya para magshopping. "Ang daldal mo Ashley. Don't you have your own life?" Sabi ko at nagpatuloy ng kumain. "Of course I do. Pero concern din naman ako sa buhay mo, lalo na sa lovelife." Nagkibit balikat siya at kinuha ang baso ng tubig at saka uminom. "Sina mom pala Alexi?" Tanong ko sa kapatid ko. "They had a flight today papuntang Madrid, business matters, and they took off earlier. Maybe they're in for 2-3 days." Tumango na lang ako at tinapos ang pagkain ko. "Oo nga pala, aalis kami ngayon. Punta kaming mall. Do you wanna come?" Sabi ko kay Alexi and he just shrugged. "Gusto kong magpahinga buong maghapon kaya kayo na lang. But bring some icecream for me okay?" "Okay. We'll be out until 9 or 10 I think." Nag okay naman siya at tumungo na sa taas. Naiwan naman kami ni Ashley dito na kakatapos lang kumain. "Tapos na ba kayo mga iha? Ipapaligpit ko na itong mga pinagkainan." Ani manang Othella. "Opo manang, kumain na rin po kayo. Aakyat na po kami." Sabi ko naman at ngumiti naman siya. "Oo nga pala, niyaya ko na rin sila Xy and kanina pa sila nandoon na naghihintay sa atin. Nga pala, makikisleep over din sila dito." Sabi niya at kinukuha na ang tuwalya. "Wow, nakaplano na pala ang lahat. Niyaya mo pang makisleep over dito sa AMIN." Tumawa na lamang siya at pumasok na sa banyo. Kinuha ko na rin yung tuwalya at damit ko tsaka pumunta sa kabilang room para doon na maligo at magbihis. Nang matapos akong makapagbihis ay bumalik ulit ako sa kuwarto ko at inayos ang mga dadalhin. Hindi nagtagal ay nasa kotse na kami at si Ashley naman yung magmamaneho ngayon 'coz I told her to. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa parking lot ng mall at ipinarada na ang kotse tsaka na pumasok. "Where are they?" Tanong ko kay Ashley at sakto namang may tumatawag sa kaniya. "It's Xy," aniya at sinagot ang tawag. We stopped at the side for a moment. Ini loud speaker naman niya ang phone. "Where the heck are you people?! Nakakain na kami't lahat wala pa rin kayo! Tapos hindi niyo pa sinasagot yang mga phone niyo!" Ani Xy. "Hey, easy. Nandito na kami sa loob ng mall, saan kayo?" Ani Ashley. Inilayo naman niya ang phone at tumingin sa akin. "Tara banyo." Aniya at tumango naman ako. "Nandito kami sa harap ng Department Store, naglalakad lakad, nagpapatunaw ng kinain. Bilisan niyo na." Ani Xy at tinapos na ang tawag. Pagkatapos naming magretouch ay dumiretso na kami kung nasaan sila Xy. Nakita nga namin silang tumitingin sa mga stalls, she's with Novwynne. Tinawag sila ni Ashley, and they're really pissed. "Woah, wait lang. Don't be mad, nagkataong sobrang traffic kanina kaya kami nalate." Sabi ni Ashley. Which is hindi naman totoo. "Eh lagi ka namang late sa tuwing may gala tayo." Sabi ni Novwynne. Tumingin siya kay Ashley at bumaling naman kay Xy na kanina pa masama ang tingin sa babaeng katabi ko. Novwynne eyed Ashley. "Xyrene. Xyrene Art. Oy girl, wag nang masama ang tingin sa akin it-treat na-" hindi na natuloy ni Ashley ang sasabihin dahil pinitik siya sa noo ni Xyrene. Napa-aray naman siya. At nagpatuloy silang mag-away. Natapos naman sila sa wakas. "Oo nga pala, kumain na kayo?" Tanong ni Xy at tumingin sa amin. "Nagbrunch na kami bago pumunta dito." Sabi ko at tumango naman sila. "Good, now let's go. Mamaya ililibre tayo ni Ashley magmilktea and she can't say no since nalate kayo and kailangan niyong bumawi." Sabi naman ni Xy. Ashley gave up since sinabi naman niya yun. Nagsimula na kaming mag ikot ikot sa Department Store. Wala naman akong masyadong nabili kaya't nagpatianod na lang ako sa tatlo dahil hindi pa sila tapos. Nandito kami ngayon sa isang shoe store at habang nagtitingin tingin kami ay biglang nagvibrate yung phone ko. It was a message. Tinignan ko ito at nagmessage na naman yung Axel. Axel: Hey.. :> Yun lang ang laman ng message. Nagtype naman ako. Akeisha: Trip mo ba ako? He replied immediately. Axel: Oo naman, ikaw ba? By the way, what are you doing right now? I didn't mean it that way! Tinignan ko sila Xy at tuloy pa rin sila sa pagsusukat kaya binalik ko na ang paningin ko sa phone. Akeisha: No, it's not like that. I mean, trip mo ba akong paglaruin? At kung ganoon, pwede ba tigilan mo na ako. Axel: Nope. Hindi kita pinaglalaruan okay. I just wanna be friends with you. :> Akeisha: Okay? Friends lang pala eh. Axel: Totoo? Friends na tayo? Reply niya na may shocked face pa. Akeisha: Yes, pero ano ba talagang pakay mo sa akin ha? Axel: For us to be friends. :> Akeisha: Okay. Ibinalik ko na sa bag yung phone ko at nagtingin na rin ng mga sapatos. Buti na lang hindi nila napansin na may kachat ako kung hindi ay hindi na nila ako tinantanan. "Aki," lumingon naman ako. "Ano sa tingin mo? Okay ba?" Tanong ni Novwynne habang ipinapakita sa akin yung suot niya. "Okay lang naman. It looks good on you." "How about this one?" Sabi niya habang isinusuot ang 4-inch heels. "Wow, I didn't know that you can wear that kind of heels. You don't even like heels before," sabi ko naman sa kaniya. "Well, dati yun. Heels may be in good use someday." Sabi naman niya at ipinakita rin sa iba ang suot niya. "Okay, if you say so." Tuloy ko at isinukat ang napili kong sapatos. It fit perfectly, and all in all I've got 3. Ang dami pa naming napasukang mga store at nang mapagod ay napagpasiyahang magmilktea na daw, umupo naman kami at naghintay. I took out my phone para maglaro and to check if someone messaged me. So far ay yung Axel na naman kaya't nagpatuloy na lang ako sa paglalaro. Ilang saglit lang ay dumating na ang order, I checked the time at mag 9:30 p.m. na pala. Hindi namin namalayan ang oras. "May bibilhin pa ba kayo?" Tanong ni Ashley sa amin. Naalala kong nagpapabili pala ng icecream si Alexi. "Since makikisleep over kami, bili tayong pagkain para mamaya." Sabi ni Novwynne na tinanguan naman namin. "And bibili pa pala akong icecream." Sabi ko sa kanila. At habang papunta kami ay may nakasalubong kaming dalawang lalaki na kakilala ni Novwynne. They're both handsome. Itong si Ashley naman ay todo tingin sa dalawa. "Claire, punta ka sa party ah? Isama mo na rin mga friends mo." He's pertaining to Novwynne. Novwynne Claire. Tumingin naman siya sa aming lahat at ngumiti. Pati rin yung kasama niya ay ngumiti sa amin kaya itong mga kasama ko ay ngumiti rin pabalik. "Sige." Sabi naman ni Novwynne. "I'll just text you the details later. See you there." "Yup, thanks. See you." Ani Novwynne at binalik na ang tingin sa amin nang umalis na yung dalawang lalaki. Kaagad naman silang nagtanong kay Novwynne. Nakarating na rin kami sa grocery store at bumili na ng mga pagkain. Bumili rin sila ng beer at iba pa. Kumuha na rin ako ng strawberry icecream para kay Alexi at dalawa pang ibang flavors para sa amin mamaya. Pagkatapos naming bumili at makapagbayad ay bumalik na kami sa parking lot. "Saan nakapark yung sa inyo?" Tanong ko sa kanila nang makarating kami sa kotse ko. "Malapit lang rin sa inyo. Isang sasakyan lang ang gamit namin, sinundo ko si Novwynne sa kanila kanina." Sabi naman ni Xyrene habang ipinapasok na namin ni Ashley sa compartment yung pinamili namin. "Magkita na lang tayo sa amin. Ingat kayo." Sabi ko at pumasok na sa kotse. Hindi rin nagtagal ang byahe namin at nakauwi na kami, kasunod lang rin namin sila Xyrene. Wala na ring sumalubong na mga kasambahay dahil alas once na ng gabi. Kinuha na namin yung mga pinamili at pumasok na. Madilim ang paligid at tanging sinag lang ng buwan ang naging ilaw namin. "Aki," bulong ni Xy, lumingon naman ako. "Naririnig mo yun?" Dugtong naman niya. "Ang alin?" "Niloob ata kayo Akeisha. May mga bumubulong, hindi mo ba naririnig?" Lumingon naman ang iba sa amin, nakikita ko sa mukha nila na naguguluhan sila. Tumahimik kami at pinakinggan ng mabuti kung mayroon pang taong nandito bukod sa amin habang inilalagay ang mga pinamili sa counter table dito sa kusina. Nakakakita naman kami kahit papaano dahil sa liwanag ng buwan kaya't sinunod namin kung saan nanggagaling ang mga boses. And I already have a feeling na hindi ito mga magnanakaw. Kinapa ko ang switch ng ilaw at binuksan ito. "Hindi ko alam na pagpapahinga na pala ang tawag sa ginagawa mo ngayon Alexi." We saw him making out with a random girl. Nagulat naman silang dalawa habang yung babae ay nagtakip agad ng katawan. Yung mga kasama ko naman ay hindi umiimik, they're probably shocked except for Ashley. "I thought you'll be out until 10?" Sabi ni Alexi habang nagsusuot na ng pantalon. "Yep, actually it's already 11." "Oh," sabi niya at tumingin naman siya sa babae. "Hey, you may go now. We're done." "Hindi mo man lang ba ako ihahatid?" Sabi nung babaeng bihis na. Halatang nabadtrip. "No, so you may go." "Asshole." Sabi nung babae at binigyan kami ng masamang tingin at tuluyan ng umalis. "Akeisha, mauna na kami sa itaas." Ani Ashley at tumango naman ako. Kinuha na nila yung mga gamit at inilagay na sa kwarto ko "I'm sorry for that, hindi ko alam na may bisita pa palang darating." Lumapit naman si Alexi at akmang aakbayan ako. "No touching please lang Alexi. You reek of sex." Sabi ko sa kaniya. Bumalik ako sa kusina para kunin ang strawberry icecream at ibigay sa kaniya. "Oh icecream mo." Sabay abot ko sa kaniya. "And please take a bath already." "Yeah, I'm sorry. And by the way, I don't reek of s*x. We just made out, no s****l intercourse." Sabi naman niya habang natatawa. What's funny anyway? "Akyat na ako sa room." Sabi ko at umakyat na. And then I saw the girls laying in my bed for heaven's sake na hindi pa nakakapagbihis. I shoved them off, napa-aray naman sila. "Huwag kayong hihiga ng basta basta hangga't hindi pa kayo nakakapaglinis ng katawan, you can use the other bathrooms. My God!" Nagsipagtayuan na sila at naghanap na ng banyo. Ako nama'y nagpahinga ng saglit at kalauna'y naligo na. Natapos naman ako kaagad, ganoon rin sila Xyrene. They already set up the food and the movie. Nahiga naman ako sa tabi nila habang sila'y nakasandal sa headrest ng kama. We had a huge comforter covering our bodies. Mabuti na lang at malaki ang kama kung hindi may nahulog na dahil sa kalikutan nila. We first had a romcom movie then after that is horror. Which made the whole room a mess. Habang nanonood kami ay napansin kong umilaw ang phone ko kaya't kinuha ko ito at tinignan. Axel calling... Hinintay kong matapos ang pagtawag niya sa akin. Ayokong sagutin dahil may mga chismosa sa tabi ko. Axel: Hey. Akeisha: Ba't ka napatawag? He replied right away. Axel: Wala naman. :> Akeisha: Okay.. Axel: Wanna meet up tomorrow? Akeisha: Woah. I barely even know you. Axel: Just kidding. Ano palang ginagawa mo ngayon? Akeisha: Nothing. Matutulog na ako. Axel: Ay, ganun ba.. :< Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Xy at Ashley. Hinampas naman sila ni Novwynne. Napausog naman ako sa gilid at tuluyan akong nahulog sa kama. "Aray! Ano ba! Ang gulo niyo naman eh, manonood na nga lang, kailangan pang manghampas at manulak." Hindi naman nila ako narinig kaya't iritado naman akong bumalik sa aking pwesto at inilagay na lamang ang phone ko sa side table. "Sorry Aki. Ang gulo kasi nitong dalawang to." Sabi naman ni Novwynne at pinaghihila si Ashley at Xyrene palapit sa kaniya. Inubos ko naman ang beer na kanina ko pa iniinom at hindi ko namalayan na bumibigat na ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. ---------- ©eumoiriety
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD