I saw Axel leaning against his car. He's wearing a button down navy blue polo with his white jeans. And I saw him smiled.
How did he even knew where I am right now? Nagulat ako nang nakita ko siya. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na dito ako nag-oojt. Wait, baka hindi ako ang ipinunta niya rito. Wag assuming Aki.
Nakita ko namang tumingin sa akin si Ashley, she moved her brows while grinning. Creepy.
"Akala ko ba wala kang sundo ngayon?" Bulong niya at tsaka ako kinurot sa tagiliran.
"Wala nga." Sabi ko naman sa kaniya.
"Eh bakit nandito yung kachat mo?" Nandito pa rin kami sa harapan at mayroon namang lumalabas kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad, sumunod naman bigla si Ashley. Hindi ko na pinansin si Axel dahil nga baka may hinihintay siyang iba rito.
"Hindi ko alam. Baka may hinihintay siya dito kaya tara na bago tayo-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil may humawak sa kaliwang braso ko.
"Hey, hindi mo ba ako papansinin?" Nakita kong nakahawak ang isa niyang kamay sa kaniyang batok. Tinignan ko naman yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko, bigla naman niyang binitawan nang makita niyang nakatingin ako roon.
Hindi naman ako sumagot at tumingin lang sa kaniya. Bakit ganito ang ikinikilos ko ngayon?
"Uhm Aki ano, I think I need to go, may biglaang emergency sa bahay. Sasama ka pa ba or ano?" She said it in an uncertain way. Alam kong gawa gawa lang niya na may biglaang emergency sa kanila.
"Ako na lang ang maghahatid sa kaniya." Sabi naman ni Axel ng nakangiti kay Ashley at saka naman tumingin sa akin.
"O'siya sige, mauna na ako Aki." Aniya at humalik sa pisngi ko. Tumango naman ako sa kaniya at saka na umalis.
Ngayong wala na si Ashley, ano na? Ano na? Anong nang gagawin ko? Magcocommute na lang ba ako? Or magpapahatid sa kaniya? Why am I even acting this way? Ugh.
He motioned for me to get inside his car, wala naman akong magawa kaya sumunod ako sa kaniya at pumasok na. Inayos ko naman ang seatbelt ko pero hindi ko maayos ayos. Pambihira.
"Tulungan na kita-"
"A-Ah hindi na kaya ko na ito." He looked startled at my voice dahil biglang tumaas ang tono nito. I know it's already cliché, yung tutulungan ka nung guy na ayusin yung pagkakalagay ng seatbelt mo kaya mapapalapit siya sa iyo then you'll be nervous because he's too close to you then blah blah blah.
I heard him chuckled kaya't tinignan ko siya at nakita ko kung gaano siya kagwapo sa malapitan. We never Face Time each other since we started talking, which is for like 4 days or so, but he always calls me and I keep turning him down. Don't blame me, I'm always like that. And to see him now this close is so much for me to take.
"You done?" He asked while smiling. I nodded then he started the engine and maneuvered the car to who knows where.
"Uhm, would you mind if we just open the windows? Nahihilo kasi ako kapag naka-aircon lalo na sa gabi."
"It's alright, I don't mind at all." Aniya at saka binuksan ang bintana.
"Thanks."
"So did you liked the flowers?" Aniya nang hindi tumitingin sa gawi ko. Even his side profile looks gorgeous. God, Aki stop staring.
"So ikaw pala ang may bigay nito," tinignan ko naman ang hawak kong bulaklak. Wait, how the heck?
"Wait. Paano mo nalaman yung number ko? I'm sure na ikaw rin yung nagtext sa akin kanina." I looked at him and he looked back, still having a smile.
"Guess I'm caught." He also raised both of his hands in the air like he's not fxcking driving a car!
"Fxck! Get your hands back on the wheel! Oh my God!"
"Alright, easy! Easy, I'm on it." Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Gusto niya ba akong mamatay?! Napahawak naman ako sa sentido ko.
Nakita ko namang tinignan niya ako. He asked me if I was fine and I just nodded. We stood silent for awhile.
"Are you mad?" He said long after the silence.
"No, but you didn't answer my question."
"Which one?" He asked.
"About how you got my number."
"Oh that, I asked your number from Novwynne, luckily my friend knew her." At tsaka siya nagkibit balikat. That girl, pinamigay ba naman ang number ko sa kung sinu-sino.
"Okay."
"Is it okay if I treat you to dinner first before I drive you home?" Saktong nagugutom na ako. Anong oras na rin kaming natapos sa ospital kanina.
"Yeah."
Ilang saglit lang ay huminto na kami sa isang restaurant. Mukhang mamahalin dito.
"We're here." He took off his seatbelt and walked outside to open the door for me. Naks, gentleman naman pala eh.
"You can just leave that here." He's pertaining to this bouquet of flowers that he gave me.
Dinala ko na lang ang bag ko at tsaka na lumabas. Isinara naman ni Axel ang pintuan at tsaka na naunang maglakad kaya't sumunod ako.
"Good evening ma'am, sir." Bati ng babae sa amin ng nakangiti nang makapasok kami.
"Table for two please." Tumango naman yung babae sa sinabi ni Axel. And did I see that the girl blushed when she saw Axel smiled at her?
"This way ma'am" sabi nung babae at iginiya kami sa aming table. Napansin ko namang nakatingin pa rin yung babae sa likod ni Axel kahit na nakalayo na siya sa amin. I am facing the girl that's why I can see her clearly from here. Yes I know that this man in front of me is gorgeous kaya't marami siyang na-aattract na babae kahit na wala pa siyang ginagawa, so girl I feel you.
Naputol naman ang aking pag-iisip ng may lalaking dumating na may dalang dalawang wine glass at bote ng red wine? Inilapag niya ang mga baso at isinalin ang mga ito.
"What would you like to order ma'am/sir?" tanong nung lalaki at tumingin sa aming dalawa. Tapos naman ng tumingin si Axel sa menu at isinabi na ang gusto niyang i-order.
"What would you like to eat?" tanong sa akin ni Axel.
"Anything will do for me."
"Are you sure?" tumango naman ako sa kaniya. Humarap naman na siya sa lalaki at sinabi na ang order. Nagvibrate naman ang phone ko kaya't kinuha ko ito at nakita kong tumatawag si Alexi. Nagpaalam ako na lalabas lang at tumango naman siya.
"Oh Alexi napatawag ka?" tanong ko sa kaniya.
"I was just checking up on you. Nakauwi ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa. I'm having dinner with Ashley first." Liar.
"Ahh okay."
"Have you picked them up already?" tanong ko habang nakatungo sa dumadaang mga sasakyan.
"Yep, I'm with them. Malapit na kami sa bahay. Ingat ka pauwi okay. See you later."
"Thanks. Ingat din kayo, see you later. Love y'all." and he hung up. Bumalik na ako sa table namin at nakita kong nakatungo lang si Axel sa phone niya.
"Who was that?" tanong niya at itinago na ang phone sa bulsa niya.
"Kapatid ko." sabi ko naman at kinuha ko yung wine glass at sumimsim rito.
Tumango naman siya at tumingin sa akin. Naiilang ako sa tuwing tumitingin siya sa akin lalo na't hindi ako sanay sa paraan ng pagtingin niya.
"Nga pala, paano mo nalaman na nasa ospital ako ngayon? Hindi ko naman nasabi sa iyo kung saan ako nag-oojt ah?" Tumingin ako sa kaniya habang hawak pa rin ang wine glass.
"Ah that. I also asked Novwynne about your schedules and whereabouts." aniya habang nakangiti sa akin.
"That girl." Unbelievable! Bwisit na babaeng yun!
"Hey don't be mad at her. I actually forced her to tell me so it's technically my fault to begin with." Pasalamat ka talaga Novwynne kung hindi malilintikan ka talaga sa akin!
"Okay I'll try not to." Narinig ko naman siyang tumawa dahil sa sinabi ko. Ilang saglit pa ay dumating na yung pagkain namin kaya't nagsimula na kami. Wala namang masyadong nangyari nung kumain kami, we just talked about things like hobbies and such. Yeah I know, getting to know each other stage kami. But it was fun and I enjoyed being with him. Ilang saglit pa ay nag-aya na siya. Tumango naman ako.
He called for our bill and I was about to hand out my card to him but he insisted. Sumimangot naman ako, nakita naman niya yun kaya natawa siya.
"Don't worry, I'll let you pay next time. But only once." He handed out his card and then he looked at me while smiling and so I smiled back at him.
We waited for his card to be returned before we headed out of the restaurant. And once again he opened the door for me which made me screamed inside of my head. And take note, he is fxcking smiling while watching me getting inside his car. Why does he have to be like that? Nagiging marupok na ata ako wala pa man. Come on Akeisha, maging pusong bato ka dapat, hindi yung konting galaw niya lang halos kiligin ka na. Be normal. But I cannot contain myself.
"Why are you like that?" tanong ko ng wala sa oras. Stupid me. Nasabi ko na dapat na nasa isip ko lang.
"Like what?" aniya at nakangiti pa yan ha.
"You're always smiling! Pansin ko na kanina ka pa ngumingiti na halos natatawa na. Hindi mo ba alam na delikado yan ha?" Tumaas naman yung kilay niya dahil sa mga pinagsasabi ko.
"Bakit naman delikado?" tanong niya ng may nagtatakang mga mata.
"Delikado yan sa akin dahil baka mahulog ako sa mga ngiting yan! Mahirap na!" Tell me I didn't said that out loud, tell me. I looked at him and confirmed, he looked surprised. Oh my God. Stupid Akeisha. You're so stupid.
Mukha namang nakabawi siya dahil natawa siya. God, nakakahiya.
"I didn't know that you were a rapper Akeisha." aniya habang natatawa pa rin. I just looked down, still embarrassed of what I just said.
"But you know, I'm glad to hear that." Just to inform you that he's still outside when I said all that. And so he leaned forward making me feel tense. And the next thing I knew was him pinching my cheeks.
"You're so cute you know." He said while smiling. Then he closed the car door and finally got inside the car and maneuvered it.
At sa buong biyahe ay tahimik lang kami ngunit hindi naman nakakailang ang katahimikan. Nang magtanong naman siya kung saan ang bahay namin ay sinabi ko naman at itinuro ang paliko liko. Buti hindi sinabi ni Nowvynne kung ano ang address ko, konti na lang ikwento na niya lahat tungkol sa akin eh.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami. Tinignan ko naman ang bahay namin at nakapatay na ang mga ilaw, tulog na ata sila mommy at daddy, napagod siguro sa biyahe.
Tinanggal ko naman na ang pagkakaseatbelt ko. Tinignan ko naman si Axel, nakatingin rin siya sa akin.
"Thanks for today. I had a great time with you." sabi ko at nginitian siya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at akmang lalabas na nang bigla niya akong hinatak paharap sa kaniya at hinalikan -- sa noo. Wag kayong ano diyan, hindi nga sa labi eh. Pero okay lang, kinilig pa rin ako.
"I had a great time with you too Akeisha." Aniya at tsaka na umayos uli ng pagkakaupo. Lumabas na ako ng kotse niya at hinintay ko siya hanggang sa makalayo bago ako pumasok ng bahay.
As expected, tulog na ang mga kasama ko sa bahay at nasa kani-kanilang mga silid na kaya't dumiretso na ako sa aking kwarto at naligo na ng mabilisan. Nagbihis ako katapos at tsaka ako nagpatuyo ng aking buhok. Nakita ko namang may nagmessage sa akin ngunit hindi ko na muna tinignan. Ilang minuto lang ay natapos na akong magblowdry kaya't dumiretso na ako sa kama. Hindi ko na naayos ang mga gamit ko, pati yung bigay na flowers hindi ko na nailagay sa vase. Tinignan ko naman yung phone ko kung sinong nagmessage at nakita kong si Axel.
Axel: Goodnight Akeisha :> Have a good sleep, sweet dreams and last of all, dream about me.
At naalala ko na naman yung paghalik niya sa akin sa noo. Sweet.
Nireplyan ko naman siya ng goodnight and after a few minutes, I drifted off to sleep with a smile flashed on my face.
----------
©eumoiriety