CHAPTER SEVEN

1542 Words
Siguro nga.. it was the safest place dahil natagpuan niya ang sarili na muling bumabalik doon. Katunayan, iyon na ang pangatlong beses sa linggong iyon na nagpunta siya doon. "Nailagay ko na po ang lahat ng sangkap 'nay, ano na po ang isusunod ko?" Baling niya sa nanay ni Zeth na noo'y abala sa paghihiwa ng labanos sa may mesa. Nagluluto sila ng sinigang na hipon. After she found out that it was Zeth favorite ay nagpaturo na siya rito kung paano lutuin iyon. "Takpan mo na muna at hayaan na kumulo." Iyon nga ang ginawa niya. Matapos non ay masaya siyang bumalik sa kinauupuan sa harap nito. She watch her with fondness in her eyes. Hindi niya akalain na magiging ganito agad kagaan ang loob niya rito. Tatlong beses pa lang siyang nagpunta doon and she's already at ease and very much comfortable in their home. Well, sino nga bang hindi magiging kumportable kung ganito kainit ang pagtanggap nito sa kanya? Sino ang hindi gagaan ang loob kung ganito ito kabuti? She never treat her differently. She's so gentle and kind, and always a loving mother. Mga katangiang kailan man hindi niya nakita sa kanyang mama. "Oh, hugasan mo na itong labanos at talbos ng kangkong para mailunod mo na sa niluluto mo, tapos puntahan mo na si Zeth at nang makapananghalian na tayo. Ihahanda ko lang ang minatamis." Mabilis naman siyang tumalima. Ilang sandali lang ay tinatahak na niya ang makipot na iskinita papunta sa labasan kung saan ang talyer na pinagtatrabahuhan ni Zeth. "Uy.. miss Andrea, pupuntahan mo ba si Zeth?" Pati ang mga kapitbahay at kakilala ni Zeth ay naging kaibigan na rin niya. Noong ikalawang beses niyang pagpunta doon ay takot pa siya at kabado. Ang alam kasi niya halos mga sanggano at mga basagulero o kaya naman mga bastos ang karamihan sa mga nakatira sa ganoong klaseng lugar. It was mostly what she heard in the news-- which she realized that its not true. Actually mga palakaibigan ang halos na nakasalamuha niya sa lugar na iyon. "Ah, Oo Froi, manananghalian na kasi." "Wow.. asawang-asawa na ang dating ah! Swerte ni Zeth!" Ngumiti lang siya saka nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang minuto lang ay nasa talyer na siya. Magulo at maingay doon dala ng mga pukpok o kaya dahil sa mga nagwe-welding at andar ng mga sasakyan. Si mang Carding ang unang nakakita sa kanya na agad naman siyang nilapitan. "Magandang tanghali po," bati niya. Ang mga mata ay naghahagilap sa likod nito pero hindi niya nakita ang hinahanap. "Naroon si Zeth sa bandang likod." sabi nito na tila alam na alam nito kung sino ang hinahanap niya. "Ah, manananghalian na po kasi." The Old man chuckled more. "May libreng tanghalian naman dito ineng at dito na iyon nanananghalian pero dahil narito ka pala tiyak mapapauwi iyon ngayon." "S..si inay po ang nagpasundo sa kanya mang Carding." sabi niyang hindi rin masyadong kumbinsido dahil sa kaloob-looban alam niyang atat na atat na rin siyang makita ito. Malayo pa lang nakita na niya ang lihim na pagsiko ng kasama nito dito. They are both under an old ten wheeler truck. At dahil ang kasama nito ang nasa may labas na bahagi kung kaya ito ang unang nakakita sa kanya. Hindi na siya magtataka kung kilala na rin siya ng mga tao doon sa talyer kahit iyon pa lang ang pangalawang beses na nagpunta siya doon. The first time she came into that place was the night when Zeth return the Jeep at si mang Carding lang ang tao noon. Kilala na siya sa looban kaya imposible na hindi dito sa talyer. Knowing the place.. kay daling kumalat ang balita sa ganoong lugar. She's just thankful that everyone was friendly. Kita niya agad ang pagkunot ng noo ng binata ng lumabas mula sa ilalim ng truck. His dark hooded eyes darted directly on her face. Natural lamang iyon dahil hindi nito alam at hindi inaasahan na babalik siya ulit doon. Marahan itong bumangon mula sa pagkakahiga sa mababang tila kariton de gulong na siyang gamit nito habang nasa ilalim ng truck. Her eyes immediately darted on his body. Puno ng grasa ang lumang abuhin nitong t-shirt. Ganoon din ang kupasin at butas-butas nitong maong. His hand were full too and his hair was in a mess pero kahit na ganoon ang ayos nito hindi pa rin kabawasan iyon sa taglay nitong kagwapuhan. Tingin nga niya mas lalo iyon nadepina ngayon. For her, he became more handsome, he became more matured. But there's one thing in him na wala na yatang pag asang magbago. His usual dark expression. Hobby na talaga yata nito iyon. Napakagat labi siya ng makitang naglakad ito palapit sa kanya. "Why are you here... Again?" He asked with emphasis on his last words. "P..pinapunta ako ni inay." s**t! Bakit ba siya kinakabahan, eh wala naman siyang ginagawang masama? "Magtatanghalian na daw." dugtong niya pilit na pinakalma ang sarili. He heave a sigh. Wala na itong sinabi ng lagpasan siya. Diretso ito sa isang gripo sa gilid. "Alam ba ng mga magulang mo na pumupunta ka rito?" He asked while washing his hands. Nanatili siya sa kinatatayuan niya. Samantalang nakatalikod naman ito sa direksyon niya. "I told you.. they don't care." She said bitterly. "Walang magulang ang walang pakialam sa anak Drey." Nagkibit siya ng balikat. "Maybe.. but not in my case." Lumingon ito ngunit wala naman sinabi. Nanatili lang ang titig sa kany, marahil inaarok kung totoo ang mga sinasabi niya o nagsisinungaling lang siya. At kung naniniwala man ito sa kanya.. marahil rin dahil sa awa ang tinging ibininigay nito sa kanya ng mga sandaling iyon. "Kahit na, magpaalam ka pa rin." sabi nito saka muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa and without a single warning, naghubad ito ng t-shirt doon mismo sa kanyang harapan. He then wash his body as if she wasn't there looking at him. She bit her lip. Hindi niya alam kung bakit ramdam niya ang pag-init ng pisngi gayong hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong walang suot na t-shirt. Noon nga ang lakas ng loob niyang pumasok sa locker room ng mga ito. Ni hindi siya nagdalawang-isip sa kung ano ang maaaring datnan niya doon. It's because you had a dirty plan then!' Sigaw ng isang bahagi ng utak niya. Bakit ngayon, wala na ba?' Kantiyaw ng isang bahagi pa. She shrinked in horror as realization drown her. Nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya naroroon at kung bakit hinahabol-habol niya si Zethrius. She was so overwhelmed in that new environment, her new found friends and Zeth mother who was so kind reason why she forget about the deal. Oo nga pala, may pustahan pala sila nina Vera, Marga at Jayla. Hindi niya alam kung bakit nalungkot siya ng maisip iyon. Kapag nalaman ni Zeth ang bagay na iyon.. sigurado siya, magagalit at kamumuhian siya nito. Oh, e ano ngayon?' "Nagsisisi ka na ba na nagpupunta ka rito sa amin?" Bahagya pa siyang nagulat ng marinig ang baritonong boses nito. Nang humarap siya ay malinis at nakabihis na ito. Lumang puting t-shirt at kupasin maong parin ang suot. Lihim siyang napalunok saka pilit na ngumiti. "W..why should I?" Damn! Kita niya ang biglang pagkunot ng noo nito ng dumako ang mga mata sa kanyang mukha. Nananantiya ang tingin nito na tila bang alam nito na pilit lang ang ngiting nakarehistro sa kanyang mga labi. "H.. hinihintay na tayo ni inay kaya halika na." Nagpatiuna na siyang maglakad. Ewan niya kung bakit sa pagkakataong iyon ay naduwag siyang salubungin ang mga mata nito. Tahimik nilang tinahak ang makipot na eskinitang pauwi sa bahay ng mga ito. Hindi man ito nagtanong o nagsalita pero ramdam niya ang maya't- maya'y sulyap nito sa kanya. "Alam mo si Drea ang nagluto ng sinigang na iyan." tila buong pagmamalaking sabi ni inay Zeny. Mula sa kinakain ay umangat ang tingin ng binata sa kanya. "Marunong na siyang magluto Zeth." Puri pa rin nito. Pagak siyang tumawa. "Ako lang po ang naglagay ng mga sangkap, kayo pa rin po ang nagtimpla." Muli siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya talaga masalubong ang tiim na titig nito. Bakit ba kanina pa tila nananantya ang mga tingin nito? "Sa susunod mong pagpunta rito iha, tuturuan naman kitang magluto ng kare-kare, isa pa iyon sa paborito nitong si Zeth." Napalunok siya. Parang may kung anong kumurot sa puso niya habang minamasdan ang magiliw nitong mukha. Bigla siyang nakonsensiya. Hindi man literal na niloko niya ito, pero parang ganoon na rin ang ginawa niya. She wouldn't be here if it wasn't for their deal right? "Nagagalak talaga akong narito ka, pakiramdam ko biglang sumaya ang paligid nitong munti naming bahay nan dahil sayo. Parang nagliwanag bigla, hindi ba Zeth?" Dahil sa tinuran nito, di niya napigilan ang pag-angat ng tingin. Their eyes met, and this time, his gaze was serious. Bumaling ito ng tingin sa ina. He then nodded gently. "Tama kayo inay." Hindi niya alam kung pagpapanggap lang ang sagot na narinig niya dahil sa hindi nito gustong salungatin ang ina o totoo iyon sa loob nito. But even if he was just pretending hindi pa rin niya napigilan ang paglukso ng kanyang puso sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD