Malalaki ang hakbang na lumayo sila sa umpukang iyon. Nakasunod siya rito pero nasa magkahawak nilang kamay ang kanyang mga mata.
Binitiwan lang siya nito ng huminto sila sa isang pinto.
"Zeth ikaw na ba iyan?"
Narinig niyang tanong mula sa loob at hindi pa man nakakasagot ang binata ay bumukas na iyon.
Agad dumako sa kanya ang tingin ng isang medyo may edad ng babae na sumungaw sa pinto. Agad niyang nakita ang tanong sa mga mata nito ng bumaling kay Zeth.
"Mano po inay."
Inabot ng binata ang kamay nito at inilagay sa may noo.
"M..May kasama ka pala, naku pasok ka." Agad itong nagbigay ng daan.
"Ah, Si Andrea po inay, kaibigan ko." Bumaling ito sa kanya. "Si inay."
Hindi niya alam kung anong tamang gesture ang gagawin niya. Dapat ba siyang magmano rin? Hindi siya sanay na ganoon dahil kahit kailan hindi naging uso iyon sa kanila.
Hahayaan niya nalang? Pero baka isipin nitong wala siyang galang. At ano ang itatawag niya rito? Auntie? Tita? Tiya? Aling? Pero hindi nasabi ni Zeth ang pangalan nito.
Sa walang maisip ay inabot niya nalang ang kamay nito at nagmano rin. "Magandang gabi po inay."
Tinanggap naman nito iyon saka ngumiti.
"Ikinagagalak kong makilala ka iha."
"Ako din po." she said wholeheartedly. Hindi niya alam kung bakit pero ramdam niya agad na magaan ang loob niya rito.
"Nagluto ako ng sinigang na hipon, teka at iinitin ko para makapaghapunan kayo."
"Ako nalang inay." si Zeth.
Tatalikod na sana ito ng pigilan ng ina.
"Ako na, alam kong pagod ka sa talyer." sabi nito pagkunway tumingin sa kanya.
But he insisted. "Ako na ho.. magpahinga na kayo." sabi nito saka tuloy-tuloy silang tinalikuran papunta sa isang espasyong kanunog ng maliit na sala ng mga ito na tanging cabinet at maliit na estanteng kinalalagyan ng Tv ang pagitan.
Sinundan niya ito ng tingin. Mula sa kinauupuan kita niya sa siwang ang likod nito habang abala sa may lababo.
She can still feel his dark aura even with his back on her. Galit parin yata ito.
Teka nga muna.. ano ba talaga ang ikinagagalit nito? Is it because she lied? Is it because she was about to check-in in that motel earlier? Or is it because of that p*****t? Eh, hindi naman niya kasalanan iyon ah!
Dapat nga siya pa itong magalit dahil sa ipinaratang nito sa kanya kanina. Ni hindi nga siya nagreklamo ng hindi man lang ito nag sorry sa sinabi nito. She didn't even rant or get mad at him!
"Pasensiya na sa abang namin tahanan iha."
Napapitlag siya ng marinig ang boses ng kaharap. Agad niyang ibinaling ang tingin rito. Maamo itong nakangiti na tila nahihiya pa sa kanya.
"Naku po, ako nga po ang dapat na humingi ng pasensiya dahil naabala ko kayo."
"Hindi ito kaabalahan iha, kaibigan ka ng anak ko kaya bukas ang tahanan namin para sayo. Natutuwa nga ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon may ipinakilala siyang babae sa akin. At nagagalak ako na ikaw iyon."
She swallow and bit her lip. It was just a simple words but it really touch her heart. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagsabi sa kanya na nagagalak sa existence niya. She never heard of it even on her parents. For them, she was just an object that was never meant to treasured. Kaya nga ngayong narinig niya iyon ay parang hinahaplos ang puso niya. Because of all people, sa isang estranghero niya pa narinig ang salitang iyon.
"Halika na, nakahanda na ang hapunan."
Napa-angat ang tingin niya. Zethrius was looking at her with ceased brow. Pero hindi ito nagtanong. He just turn his back again.
"Sige na iha, maghapunan muna kayo."
She smile. "Maraming salamat po."
NAKAKABINGING katahimikan ang namayani sa kanila habang kumakain. Masarap ang lutong sinigang ng nanay ni Zeth, pero halos hindi niya iyon malunok dahil sa dilim ng aura ng kaharap.
She bit her lip in awkwardness.
"Ang sarap ng luto ni inay." she tried to break the silence. Hindi na niya kaya ang animosity na namamagitan sa kanila.
Umangat naman ang tingin nito sa kanya. Ilang sandali din bago muling ibinalik sa kinakain.
Maya-maya ay tumigil ito at nang muli nitong iniangat ang mata sa kanya ay hindi na iyon kasingdilim sa kanina.
Marahan itong nagpakawala ng hininga.
"Pasensiya na nga pala sa nasabi ko kaninà." he softly murmured.
Mula sa kinakain ay napa-angat siya ng tingin. Mangha siyang tumitig rito. She didn't expect that coming. Akala niya wala sa bokubularyo nito ang humingi ng tawad. And hearing him apologize right now seems too good to be true.
"I was mad, you didn't tell me anything and you lied."
She bit her lip.
"Pero hindi ibig sabihin non na pwede mo na akong akusahan ng ganoon."
"Alam ko, kaya pasensiya na, nadala lang ako sa galit ko ng malamang nagsinungaling ka tapos nakita ko pang binabastos ka ng lasing na iyon. Paano kung hindi ako dumating? Baka kung--"
"There were guards Zeth, pwede naman akong sumigaw o kaya naman tumakbo kapag--"
Umungol ito.
"What's the used of screaming and running when he already did touched you!"
Tumaas ang kilay niya. "He didn't.."
"Iyon ay dahil dumating ako!"
Napakagat labi siya. May punto ito. Pero kahit hindi ito dumating ay hindi naman niya hahayaang mabastos ng ganoon-ganoon lang. Poprotektahan naman niya ang kanyang sarili pag nagkataon.
She don't want another mis-understanding kaya imbes na iginiit iyon ay nagpasalamat nalang siya. Iyon naman talaga siguro ang dapat niyang gawin dahil tinulungan siya nito and he already apologized so it was enough.
"Thank you nga pala sa tulong.."
"Bakit ba ayaw mong umuwi sa inyo?"
Nagkibit siya ng balikat. "Wala naman akong uuwian doon."
Nakita niyang kumunot ang noo nito. Naghihintay ng idudugtong niya.
Pinilit niyang ngumiti.
"It's simply that.. nobody's care." Mahina niyang dugtong saka muling ngumiti.
Mataman siya nitong tinitigan.
"Ang sarap talaga nitong sinigang ng inay mo Zeth." sabi niya kapagkuwan saka sunod-sunod na sumubo. She said that not just to change the topic. Sinabi niya iyon dahil iyon ang totoo. Ngayon niya higit nalasahan ang sarap non dahil hindi na masyadong mabigat ang animosity sa pagitan nila.
Zethrius still didn't say a word. Hindi na rin ito muling nagtanong dahil marahil napansin nitong umiiwas siya sa usapang iyon.
Bumalik ulit ang atensyon nito sa pagkain.
"Siya nga pala, b..bakit dito mo ako dinala sa inyo? I.. I mean.. ahm.. ang mga tao kasi nag-iisip tuloy na--" Nagkagat siya ng labi. Her face heated kaya itinuon niya iyon sa pagkain "Na girlfriend mo ako."
"Huwag mo nalang silang pansinin." he said in baritone.
She nodded.
"Pasensiya na kung naasiwa ka."
"Hindi naman problema sa akin iyon Zeth, ikaw ang inaalala ko."
Kumunot muli ang noo nito.
"Baka kasi may magalit, baka mabibigla nalang ako na may--" She bit her lip as she saw him raised an eyebrow. May multo pa nga ng ngiti ang dumaan sa mga labi nito.
"Don't worry, you're safe in that part, walang sasabunot sayo dahil wala akong girlfriend kung iyon ang inaalala mo. As what you've heard earlier, ikaw pa lang ang kauna-unahang babae na dinala ko rito at ipinakilala kay inay."
Nag-iwas siya ng tingin ng mapansing tiim na tiim ang titig nito. Kita na niya ngayon ang pilyong ngisi sa labi nito na para bang alam nito na sinabi niya lang iyon para maamin nito kung may girlfriend nga ito o wala.
"At tungkol naman sa tanong mo kung bakit dito kita dinala, iyon ay dahil mas ligtas ka rito kaysa sa motel na iyon." He look around. "Maaaring hindi halata sa lugar, pero sinisiguro ko sayo, it's the safest place Drey dahil.." sandali itong tumigil para lalo siyang matitigan. "Kasama mo ako."