B..Bakit ka nandito?" Ipinilig niya ang ulo ng mahimasmasan. Patuloy pa rin siya nitong hinihila palabas. Malalaki ang mga hakbang nito kaya nagkakandahirap siyang sumunod.
Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan niya.
Napangiwi siya habang nakatingin doon. Namamaga na yata iyon sa higpit ng pagkakahawak nito. Iniangat niya ang mukha. Mula sa likod ay ramdam niya ang madilim nitong aura.
Padaskol siya nitong pinasok sa harapang bahagi ng isang owner type Jeep saka binitiwan.
Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila galit na galit ito!
Marahan niyang minasahe ang palapulsuhan habang tinatanaw itong lumigid sa kabilang bahagi ng sasakyan. Madilim pa rin ang mukha at tiim ang mga labi ng sumampa sa driver seat.
"Saan ka umuuwi?" He asked coldly.
Sumimangot siya. Hindi ba dapat tinatanong muna siya nito kung kumusta siya? Nakita naman siguro nito ang ginawang pangha-harass sa kanya ng lasing na iyon!
Umismid siya. "If I wanted to go home, eh di sana hindi mo ako nakita rito!"
Natigilan ito. Kunot-noong bumaling sa kanya.
"Ang sabi mo kanina, uuwi ka na, nagmamadali ka pa kaya--"
"Sinusundan mo ba ako?" Kunot-noong baling niya.
Sinalubong nito ng madidilim na mata ang titig niya. He didn't answer her nor say a word. He just gritted his teeth hardly bago muling itinuon ang tingin sa harapan.
"Where's your home Drey?" Pilit nitong pinapahinahon ang boses.
Home? She painfully chuckled. Wala siya noon. Their house was nothing but an empty shell. It was never a home and never will be in the future.
"Hindi ako uuwi." Mahina niyang sabi.
"Kung ganoon mas gugustuhin mong matulog sa ganitong lugar at mabastos?" he asked coldly. Ilang sandaling natigilan na tila may inisip.
Tiim na tiim ang mga labi nito ng muling umangat ang tingin sa kanya.
"O baka gawain mo talaga ito?"
Akala niya ang pag-alis niya ng bahay ang tinutukoy nito pero ng tuluyan nasicn-in sa utak niya kung ano talaga ang ibig nitong sabihin ay nanlamig siya.
Hindi man nito iyon diniretso ay kitang-kita naman niya sa mga mata nito. Ang mga matang disgustadong nakatitig sa kanya.
She painfully gritted her teeth. She had enough pain at dinagdagan pa nito.
Walang sabi-sabing bumaba siya ng jeep.
"Go home Zeth.." mahina at walang emosyon niyang sabi bago ito tinalikuran.
Nakakatatlong hakbang pa lamang siya ng naramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya.
"Saan ka pupunta?" matigas nitong tanong.
"Somewhere far away from my so called home and far away from you!" She said sarcastically. "Kaya pwede ba bitiwan mo ako!" Pumiglas siya mula sa hawak nito pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.
Sarkastiko niyang ibinaling ang mga mata sa kamay nitong nakahawak sa kanya pagkunway muling Iniangat sa mukha nito. She then give a bitter laugh.
How ironic her life can be. She wasn't cared by her mother, she wasn't love by her father and she knew, aside from Lila, all of her other friends were fake. And now, another blow hit her rock bottom. She was condemned by a man she thought was fair. Condemned without fair trial.
"Why are you stopping me? Kulang pa ba ang insultong ibabato mo sa akin?"
Ayaw niya, pero hindi niya napigilan ang pagnginig ng kanyang boses at kasabay non ay ang pagmuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Gusto niyang isipin dahil iyon sa galit at hindi sa sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Mabilis niyang iniwas ang mga mata. Wanted to hide her tears badly. Ito ang kahuli-hulihang tao na nanaisin niyang makita siya sa ganoong kamiserablehan.
Narinig niya ang malalim itong buntong-hininga. And after a moment of silence, he pull her again.
She look at him in disbelief.
Why the hell is he so dominant and rude?
"I said I won't go home! Ano ba Zeth!"
She hissed. "If you're just going to insult and judge me that way.. better leave me alone!"
Pero parang wala itong narinig. Patuloy lang siyang hinila. And with his strength, wala siyang nagawa ng sapilitan siya nitong ipasok muli sa owner jeep nito.
He started the engine at ilang sandali lang ay tinatahak na nila ang kahabaan ng highway.
"W..where are you taking me?"
Pero nanatili parin itong tahimik. Nasa harapan ang buo nitong atensyon.
Naghalukipkip siya. Bakit pa ba niya aasahang sasagutin siya nito o hihingi ito ng paumanhin sa sinabi nito kanina.. Knowing him.. matutunaw muna ang yelo sa antartica bago nito iyon gawin.
ISANG oras yata mahigit ang kanilang ibiniyahe bago niya naramdaman ang pagtigil ng sasakyan.
Pinatay nito ang makina at bumaba. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para iikot ang paningin sa paligid. Nasa loob sila ng isang tila bodega ng mga sirang sasakyan.
Dahan-dahan rin siyang bumaba.
"Kumusta ang jeep Zeth? Ayos na ba? Pwede na ba nating--"
Napatigil sa pagsasalita ang isang matandang lalakeng papalapit kay Zeth ng mapadako ang tingin sa kanya.
"May kasama ka pala.."
Makahulugan ang ngiti nito ng muling bumaling sa binata. "Gelfren?"
Hilaw itong ngumiti.
"Ah, hindi mang Carding, kaibigan ko lang ho. Si Andrea nga pala."
"Magandang gabi po," she greet politely.
"Magandang gabi naman ineng."
"Maayos na naman ho ang takbo ng jeep kaya bukas pwede na nating ipakuha kay mang --"
"Ikaw hah kunwari ka pa," Pero parang walang narinig ang matanda. Nanatili ang makahulugang ngisi nito. At bagamat pabulong lang ito kung magsalita hindi parin iyon nakaligtas sa kanya. "Hindi mo sinasabing may nobya ka na pala at ang ganda, ano ipapakilala mo ba siya sa inay mo kaya dinala mo dito?"
"Kaibigan ko lang talaga mang Carding, nagkaproblema lang sa kanila kaya dinala ko rito. Heto nga po pala ang susi ng jeep.."
Nagkunwari siyang abalang iniikot ang mata sa paligid ng marinig na nagpapaalam na si Zeth sa matanda.
Ilang sandali nga lang ay naramdaman niyang nasa tabi na niya ito. Kinuha nito ang bagpack sa jeep at isinukbit.
"Halika na." mahina nitong sabi bago malalaki ang hakbang siyang nilampasan.
Nagkumahog naman siyang sumunod.
Patingin-tingin siya sa paligid habang sumusunod dito. Muntik niya pang mabunggo ang isang tumatakbong bata. It was a crowded place. Maliit at makipot ang dinadaanan nilang skinita dahil halos sakupin na iyon ng mga dikit-dikit na mga bahay.
Langhap din niya ang usok. Dinig niya ang ingay sa bawat bahay na kanilang dinadaanan. May narinig pa nga siyang tila nagtatalo.
"Uy.. Zeth!"
Tawag ng isang lalakeng kanilang nadaanan kaya napatigil ang binata. May mga tatlo pa itong mga kasama na nakaupo sa pabilog na lamesa. Ang isa ay nakahubad pa ang itaas na bahagi ng katawan. Sa gitna ng mesa ay nasulyapan niya ang dalawang walang lamang bote ng alak at isang nangangalahati pa lamang.
Gaya nung matanda kanina, kitang-kita niya rin ang makahulugang ngising ibinigay ng mga ito kay Zeth.
"Ang ganda ng kasama mo ah," sabi nong lalakeng nakahubad ng t-shirt sabay ngisi. "Siya na ba tol?"
"Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdala ka ng babae rito sa lugar natin.. mukhang seryosohan na iyan ah." sabat naman nung isa.
Zethrius just smile. "Kaibigan ko lang mga tol, si Andrea nga pala."
"Sus.. huwag mo ng ikaila at halata kang masyado."
Tawanan na ang sunod niyang narinig. Nagsalin ng alak sa baso yung lalakeng nakahubad-baro at ibinigay sa binata.
"Tagay ka muna, pampainit lang. Paniguradong mapapalaban ka mamaya." ngisi nito pagkunwa'y tingin sa kanya.
Hindi niya napigilan ang pag-init ng mukha. Hindi man diretsahang sinabi at sa klase na rin ng tinging ipinupukol ng mga ito sa kanya ay tila alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng mga ito.
At hindi man lang iyon sinasanla ni Zeth!
Natatawa pa nitong tinanggap ang baso saka tuloy-tuloy na ininom bago na inilapag sa mesa.
Nagulat pa siya ng hawakan nito ang kamay niya.
"Mauuna na kami, itutuloy nalang natin ang inuman sa susunod Froi." Hinila na siya nito.
"Sus! alam namin kung bakit nagmamadali ka, pero sige at naiintindihan namin iyan." natatawa nitong pahabol.