CHAPTER FOUR

2280 Words
Ang masayang pakiramdam na dala niya hanggang sa kanyang pagtulog ay napalitan ng iritasyon at pagkainis. Naalimpungatan siya sa ingay at sigawan na nagmumula sa labas. Tiningnan niya ang maliit na orasan na nasa side table ng kanyang kama.. Alas dos ng madaling araw! Nagtiim-bagang siya. Hindi na niya iyon ipinagtaka. What else is new? "Galing ka na naman sa kerida mong hayop ka!" Narinig niyang sigaw ng kanyang ina. It was always the main topic. Ang pambababae ng kanyang Papa. "Kaya nagkakandaletse-letse ang buhay natin dahil diyan sa kawalanghiyaan mo!" "Tumigil ka na Dianna! Kung natalo ka sa casino huwag mo sa akin ibunton ang init ng ulo mo!" "Walanghiya ka talaga!" Mga kalabog at kalansing na ng mga natapong bagay ang sunod niyang narinig. "Lumayas ka rito!" Inis siyang dumapa at ibinaon ang ulo sa malambot na kutson ng kanyang kama. Hindi pa siya nakontento, tinakpan pa niya ang kanyang taynga ng unan. Dapat sanay na siya dahil iyon naman palagi ang senaryo sa kanilang bahay. Her father being an unfaithful husband and her mother being a casino addict. Simula ng magkaisip siya, mabibilang lang yata sa kamay niya ang mga araw at gabi na hindi nag aaway ang dalawa. Their house was never in peace eversince. They always have arguments. Nagtataka nga siya kung bakit hindi pa naghihiwalay ang mga ito gayong hindi naman magkasundo. Kung siya ang tatanungin mas gugustuhin na niyang maging bunga siya ng broken family kaysa ganitong buo nga ang pamilya niya pero wala namang ginawa kundi mag away at magsakitan. But she doubt if her mother would allow that. Alam niyang hinding-hindi mangyayari iyon because her father was always her mother obsession. How she knew that? Dahil kinalakihan niyang iyon ang palaging isinusumbat ng kanyang Papa sa kanyang mama tuwing nag-aaway ang mga ito noon. She grew up knowing that she was only concieve because of a night mistake o mas tamang sabihing nagbunga siya dahil pinikot lamang ng kanyang mama ang kanyang Papa. Hindi niya man alam ang buong detalye but as she gets older she realized that her father never loved her mother and he never did even after their marriage. And maybe because of frustrations and pain why her mother ended that way. Uhaw ito sa pag-ibig at pagmamahal at nang hindi iyon masuklian ng kanyang Papa ay naging obsesyon nito iyon. And she pitied her for that. She blamed her father for her mother miserable life and she blame them both for her miserable life. If only she could choose her parents she will never choose them. They're both responsible of why their lives is miserable. Her mother love was selfish and toxic. She love her father so much that she forget everyone else. Kahit na siya. Wala siyang natatandaan na nagkaroon sila ng bonding na mag-ina gaya ng ibang mga kaedad niya. Wala siyang natatandaang nagtanong ito kung anong ginagawa niya o kung kumusta ang pag-aaral niya o may crush na ba siya o boyfriend sa school. She didn't bother asked her all of that like what other mother's asking their daughters. All her mother's life, she was busy seeking attention and love from her father na hindi naman nagawang suklian. Ganoon din ang Papa niya. He lived all his life blaming her mother. He was a selfcentered man that only think of himself. Mabibilang nga lang sa kamay ang mga pagkakataong nagkausap silang dalawa. Gaya ng kanyang mama hindi rin niya naramdaman na mahal siya nito. He hated her because she was her mother's daughter. She wonder now.. if he did tried to love her mother back.. If he only gave her and himself a chance.. maybe they didn't end as miserable as what they are now. Maybe there was a possibility that they are living their lives normally. Nagulat pa siya ng magising kinabukasan na nasa hapag ang mama niya. Ipinagtaka niya ang paggising nito ng maaga. Nasanay na kasi siyang gumising na kung hindi tulog pa ito ay nakaalis na ito ng bahay. "Good morning 'ma.." lumapit siya at hinalikan ito sa pisngi. Kahit na masama ang loob niya rito ay pinili niya pa ring maging magalang. She just blankly look at her. And then in her uniform. "Papasok ka na?" Balewala nitong tanong. Marahan siyang tumango. Ganoon din ito. Ipinagpatuloy nito ang pagkain na tila wala sa sarili. Lihim niya itong minasdan. Namumutla at namamaga ang mga mata nito sa kaiiyak marahil kagabi. She wonder what happened? O kung nasaan ngayon ang Papa niya? Looking at her in a pain right now sent tears in the depths of her heart. Hindi man maganda ang relasyon nilang mag-ina, she was still her mother. Wala man itong pakialam sa kanya.. she was still the one who brought her to life and into this world. Parte pa rin siya ng dugo at laman nito kaya napakasakit na makita itong nasasaktan ngayon. "Umalis ang Papa mo.." Mahina nitong sabi. "What else is new?" She said coldly. And she hated her father more. "Ano ka ba Andreanna!" Galit na baling nito na ikinagulat niya. "You should call him and ask him to come back!" Ang kaninang awa at sakit na nararamdaman para rito ay napalitan ng iritasyon. "Bakit ko gagawin iyon?" She fired back. "Hindi ba kayo naman ang nagpalayas sa kanya? Bakit nyo ginawa iyon kung ganyang hindi nyo naman pala kayang mabuhay ng wala siya?" Biglang nanlisik ang mga mata nito. "How dare you talk to me like that!" She hissed. Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata nito. Bigla siyang natauhan. Her heart once again softened. Lumapit siya rito at niyakap ito. "Bakit ba kasi ipinipilit mo pa sa kanya ang sarili mo Mama? Can't you see that he doesn't love us? He doesn't need us.. why not set him free?" Mahina niyang sabi. Trying so much to put sense on her senses. Pero galit itong kumawala. "Para ano? Para malaya silang magsama ng kabit niya? Huh! I will never let him live happily! I will never give him that privilege! I will never set him free!" "Kahit hindi mo iyon gawin, malaya pa rin naman niya nagagawa ang gusto niya! so wake up mama! Wake the f*****g up! Hindi ka niya Mahal! Hindi ka niya kailangan! So let him go so that we can live in peace!" "Hindi! Hindi ko gagawin iyon!" Nagtiim-bagang siya. Minasdan ang inang puno ng kamiserablehan. "Then continue to live in this f*****g hell!" "You ungrateful b***h!" Huli na para umiwas. Buong lakas na dumapo sa kanyang pisngi ang kamay nito. Ikinalaki niya ng mata ang ginawa nitong iyon. She maybe not a good mother but she never did hit her. Ngayon pa lang. And all because of her so called father! Pare-pareho lang ang mga ito! She look at her painfully. "I hate you! I hate both of you!" Luhaan siyang tumalikod at nagtatakbo papunta sa pinto. Narinig pa niya ang pagtawag nito. Pero ni hindi niya nakuhang lumingon. Agad siyang nagpara ng taxi at pinalayo doon. She wanted to run away from them and from that house so badly and never wanted to come back. Para sa kanya isinumpa ang bahay na iyon. Lahat silang nakatira doon ay miserable. It was a house that was never a home for her. Hindi siya pumasok sa paaralan ng araw na iyon. She can't go to school feeling so miserable. So she just wander around and spend mostly of her time in the park-- alone. Doon ibinuhos niya ang kanyang mga luha na pinilit niyang sinikil kaninang kaharap niya ang ina. Nang magtanghali ay kumain siya sa isang fast food chain at nagdesisyong manood ng sine pagkatapos. Nakadalawang ulit siya sa pelikula pero wala siyang naintindihan sa napanood dahil gulong-gulo ang isip niya. Nag kukulay kahel na ang paligid ng lumabas siya. She look at her wrist watch and it's almost six o clock in the evening. Wala sa sariling nagpara siya ng taxi. Napakunot-noo pa siya ng huminto ang sinasakyan sa harap ng universidad nila. Sinabi ba niya sa driver na doon siya nito ibaba? O hinula lang nito dahil sa uniporne niya? Pabuntong-hininga siyang naglakad papunta sa waiting shed malapit sa may gate. Tuluyan ng naagaw ng dilim ang paligid. Ang tanging liwanag lang sa kinaroroonan niya ay ang dalawang ilaw na nasa poste ng gate. Binati pa siya ng dalawang gwardiya na naroroon. Kimi siyang tumango bago umupo sa bench. Ngayon lang siya nakaramdaman ng pagod sa mga nagawa niya sa buong araw na iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idi-nial ang numero ni Lila. Nakakadalawang ring din iyon bago nito iyon sinagot. "Where are you?" Agad nitong bungad. "Bakit absent ka kanina?" "Ahm.. nasa labas ako ng school.." "Huh? Bakit ka nandyan?" "As usual.." Mapait siyang tumawa. Hindi na niya kailangang magpaliwanag rito. Alam nito ang lahat sa kanya. "Pwede ba ulit?" She asked. "Ahm, pasensiya na Drey. Wala kami sa bahay ngayon. Narito kami sa bulacan. Di ba nasabi ko sayo na dito kami magwewek-end?" Oo nga pala. Nakalimutan niya. "Nakalimutan ko.. magulo kasi ang isip ko--" "Ate Lila.. maghahapunan na raw.." narinig niyang may tumawag rito. "Oo, susunod na!" "Ah sige Lil.. pumunta ka na doon.." "Teka, anong plano mo ngayon? Saan ka pupunta?" Halata niya ang pag alala sa boses nito. "Uuwi nalang siguro. Baka wala na naman doon si Ma--" "Lilia ano ba? Kakain na sabi eh! Tigilan mo ng kaka-cellphone dyan!" "Sigi na.. ibababa ko na 'to.." Sabi niya. Pero nagpahabol ito bago niya tuluyang pinatay ang tawag niya. "Tatawag ulit ako mamaya matapos maghapunan. Huwag mong i-off ang cp mo.." Malalim siyang napabuntong-hininga matapos ang tawag. Aside from Lila wala na siyang ibang mapupuntahan pa. She can't call Vera or Jayla lalo na si Marga dahil hindi naman sila masyadong close ng mga ito . May pakiramdam nga siyang pakitang-tao lang ang pakikitungong ginagawa ng mga ito sa kanya. She heave another sigh. Wala nga siyang mapuntahan, magkaganoon man ay hinding-hindi siya uuwi sa bahay nila ngayong gabi. Hindi rin naman magiging payapa ang magdamag niya doon. "Anong ginagawa mo rito?" Gulat siyang napa-angat ng tingin. Magkasalubong ang mga kilay at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya si Zethrius then into her uniform. "Absent ka kanina.." Hindi iyon tanong. Mukha pa ngang iniisip nitong nagbulakbol siya base sa pagkakatingin nito sa uniporme niya. "Ahm, may pinuntahan lang ako dito" "Nang ganitong oras?" Pinilit niyang ngumiti. "Kanina pa ako. Actually pauwi na ako. Sinagot ko lang ang tawag ni Lila.." ini-angat pa niya ang cellphone niya to make her reasons more convincing. Sinundan naman nito iyon ng tingin pero pagkatapos ay bumalik rin sa mukha niya. Naninimbang. Iniwas niya ang mga mata rito. "Pumunta ako ng library.." Mahina nitong sabi. Kung sa ibang pagkakataon nito iyon sinabi malamang nagtatalon na siya sa tuwa. Dahil indikasyon iyon na hinintay siya nito doon. Pero hindi niya mahanap ang saya ngayon sa kanyang puso. She was so heartbroken this entire day. Pinilit niyang muling ngumiti at pasiglahin ang boses. "Pasensiya na kung hindi ako nakapunta Zeth.. masyado kasi akong naging busy.. natapos mo ba kanina ang pinag-aaralan mo?" Umiling ito. Nanatili sa kanya ang naninimbang na tingin. Kaya bigla siyang hindi naging kumportable. "If you still want.. Sa lunes magli-library ulit tayo.. ahm.. yun ay kung ganoon pa rin ang schedule mo.." Hindi ito sumagot o nagsalita. Basta nanatili lang itong nakatingin sa kanya. "B..Bakit ka nga pala napagabi?" "May practice kami sa gym.." Tumango-tango siya. "G..Ganoon ba.." napakagat labi siya. Hindi talaga siya kumportable. Bakit ba kasi ganito ito kung makatitig? Na tila puno ng pagdududa, na tila may ginawa siyang masama? "Ahm, uuwi na ako.." Hindi na niya hinintay na sumagot ito. She walk pass him at agad na sumakay sa dumaang tricycle. Nasa kahabaan na sila ng highway ng niluwagan niya ang kanyang paghinga. Ewan niya kung bakit bigla nalang naghuramentado ang puso niya pagkakita niya rito. Maybe because she was shocked to see him there. Hindi niya kasi iyon inasahan. "Miss saan ka bababa?" "Huh?" Nagulat pa siya ng marinig ang driver. Nilinga niya ang paligid. Nasa sentro sila ng bayan. Hindi man lang niya iyon namalayan. Bumaba na rin siya doon. Nagpapasalamat siyang doon siya nito inihatid. Madali nalang sa kanyang maghanap ng matutulugan para sa gabing iyon. She checked her purse, kung maghohotel siya, hindi na magkakasiya ang dala niyang pera kaya nagdesisyon siyang sa isang motel nalang siyang magpapalipas ng gabi. Malalim siyang bumuntong-hininga habang tinitingnan ang malaking karatula sa gilid ng building na iyon. 'Marianna's motel'. Ito na yata ang pinakadisenteng motel na napuntahan niya. She started to walk into the information counter pero napatigil sa kalagitnaan ng maunahan siya ng isang lalakeng pagewang-gewang kung maglakad. Tumigil rin ito saka bumaling sa kanya. Minasdan siya mula ulo hanggang paa. "O..okey ka M..miss ah.. P..pang tuition ba? M..magkano?" Kumunot ang kanyang noo. Pinagkamalan ba siya nitong callgirl? Bahagya siyang umatras ng makitang humahakbang ito pabalik sa kanya. "P..pasensiya na Mama pero mali po kayo ng iniisip.. Hindi po ako--" "P..pa-presyo ka pa.. magkano nga?" kinuha nito ang walllet at kumuha ng ilang lilibuhing papel "K..Kita mo, marami akong pera.. S.. sabihin mo lang, K..kahit magkano babayaran k..kita.." tinangka siya nitong hawakan. Natitilihang napapitlag siya. "Hindi nga ako isang bayarang baba--" Isang marahas na hila ang nagpaurong bigla sa kanya. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang palapulsuhan at malalaki ang hakbang na hinila palabas. Nang mahimasmasan saka pa lang niya nai-angat ang kanyang mga mata. Una niyang tiningnan ang palapulsuhan niyang tila mababali na sa higpit at rahas ng sino mang iyon humila sa kanya. And when her eyes darted exactly on his face, her eyes widened. "Zeth?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD