Malalaki ang hakbang na hinila siya nito. Kung saan siya nito dadalhin ay hindi niya alam. Dumako ang tingin niya sa braso nitong nakahawak sa kanya. She saw how the vein on his arms protruded and how his jaw clenched when she darted her eyes on him. Hindi iyon nagawang itago kahit na nakatalikod ang postura nito sa kanya.
He was pissed! And she knew the reason why. Mas lalo iyon nadepina sa nangyari kanina ng magsalubong sila sa gym.
Alam niyang nahalata na nito na umiiwas siya. Naisip na rin siguro nito na iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya pumupunta sa library.
Marahas siya nitong binitiwan.
"So you're done playing with me. Kaya ngayon umiiwas ka na?" Agad nitong akusa.
Napalunok siya sa lamig ng boses nito pero pinatatag niya ang sarili. It was better this way. Mabuti nga iyon dito na mismo nanggaling ang bagay na iyon. Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Hahayaan niya lang mag-isip ito na pinaglaruan nga lang niya talaga ito. Iyon naman talaga ang totoo di ba? And now she's done and it's over.
Sabihin niya lang iyon, tapos! Wala na siyang alalahanin. Sigurado ring hindi na siya nito guguluhin kapag sinabi niyang pinagpustahan lang nila ito. Na planado ang kanilang pagtatagpo. He will never bother her again because for sure he'll going to hate her, at ito na mismo ang iiwas sa kanya.
She gather all her courage to look at him, ready to fire those truth. Pero ng magtama ang kanilang mga mata ay naumid ang dila niya.
Napalunok siya. Despite of his cold voice, despite of his dark aura, hindi niyon nakayang itago ang tila pait sa mga mata nito. And seeing those emotions in his eyes made all of her courage burried into the deepest pit.
"I..Iyon naman ang gusto mo di ba?" Instead she ask him. Nawala ng parang bula ang kagustuhan niyang sabihin na dito ang totoo.
Pwede naman siguro siyang lumayo rito ng hindi nagtatapat di ba? She could give another reasons without hurting him.
Nagpapatawa ba siya. Paano ito masasaktan? Eh, Wala nga itong gusto sa kanya!
Inalis niya agad ang kaisipang iyon sa kanyang ulo. It was not helping. Ang kailangan niyang gawin ay mag isip ng ibang dahilan kung paano ito lalayo sa kanya ng hindi na nito kailangang malaman ang totoo. Ayaw niya rin namang maghiwalay silang may galit ito sa kanya.
Kung ano pa ang rason ng pagbabago niya ng loob maliban kay nanay Zeny-- Hindi na niya gustong alamin pa.
"You don't want me around you, you don't want me pestering you. All those days alam kong pinilit mo lang ang sarili mo na pakisamahan ako dahil sa kakulitan ko-- I'm sorry for realizing it too late Zeth." Ngumiti siya. Pilit. "I promise I won't be a bother anymore. Lalayuan na kita at hindi na gagambalain pa."
Hindi niya alam kung bakit napakabigat sa dib-dib ang sinabi niyang iyon.
"So inaamin mo na talagang pinaglaruan mo lang ako? Sinubukan mo lang kung mahuhulog ang loob ko sayo, ganoon ba?"
She winced at his still cold voice. But she tried to stand still.
She fake a laugh.
"Hindi naman di ba?"
Kitang-kita niya kung paano nagtagis ang bagang nito habang tiim na nakatitig sa kanyang mukha.
Lakas loob niyang hinamon ang titigang iyon dahil alam niyang imposible naman talagang mahulog ang loob nito sa kanya.
She wait for his answer. Pero wala siyang narinig hanggang siya na ang tuluyang bumigay. Hindi niya pa rin pala kaya ang salubungin ng matagal ang mga mata nito.
"Goodbye Zeth." She whisper before turning her back on him.
That's it. Hindi na pala niya kailangan ng maraming paliwanag. Hindi na pala niya kailangang sabihin ang totoo rito para lumayo sa kanya. He don't like her that's why a simple explanation is enough for him to let her go. May pakiramdam nga siyang nagdidiwang na ito ngayon. He was celebrating inside because someone as annoying as her was out of his life.
She walk away. Nagmamadali. Bahagya lang napatigil ng makita sina Marga, Jayla at Vera na palakad sa direksyon niya. Hindi na siya nakaiwas pa ng makitang nakita na siya ng mga ito.
Muli niyang inihakbang ang mga paa. Tamang-tama ang pagkikita nilang iyon. Hindi na niya hihintayin na dumating ang makalawa para sabihin sa mga ito na ayaw na niya. Na sumuko na siya at talo na siya sa pustahan. Wala na siyang paki-alam kung iisipin ng mga ito na tulad ng iba ay binasted rin siya ni Zeth.
They can all laugh at her for all she care!
Kumunot ang noo niya ng makitang biglang tumigil ang mga ito sa paglapit sa kanya. They halted their steps as their gaze shifted from her then through her back.
Nagtatakang tumigil siya. Hindi pa man siya nakakalingon ay may humawak na sa kanyang braso. Forcing her to turn around.
"What the--"
Nalunod nalang sa lalamunan niya ang kanyang boses ng walang babalang inangkin ni Zeth ang kanyang mga labi.
Dahil sa gulat ay muntik pa siyang mawalan ng balanse. Pero naroon agad ang kamay nito sa baywang niya na mas lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito.
Nanlalaki ang kanyang mga matang napadako sa likod nito. And it widen more when she saw some students coming from the gym stand still as they saw them.
Narinig niya pa ang pagsinghap ng iba ng makita sila.
Sinubukan niyang ipagitna ang kanyang kamay para itulak ito. She also tried to move her body away from him pero parang bakal ang kaliwang braso nito sa pagkakahawak sa baywang niya.
Hindi pa ito nakontento. He pulled her again. So much closer into his body without taking his lips from her.
Napaungol siya ng makaramdam ng hapdi sa kanyang labi. He was kissing her fiercely, as if he was punishing her for avoiding him. Kaya gustuhin niya mang iiwas ang kanyang mga labi ay hindi niya magawa. With the way his holding her, she doubt it if he'll just let her lips part from him that easily.
Hindi niya alam kung dahil sa nawalan na siya ng lakas kaya tumigil siya sa pagpipiglas o dahil ramdam na niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod sanhi ng sensasyong unti-unting lumulukob sa kanyang katawan.
Walang nagbago sa paraan ng paghalik nito pero ang kaninang nanlalaki niyang mga mata ay unti-unting pumungay at ang kaninang tensyonado niyang katawan ay unti-unting nare-relaks.
She finally close her eyes without minding everyone on their surrounding looking at them.
"How dare you avoid me after making me fall for you." Humihingal at paos nitong sambit matapos siyang bitawan. Wala na ang madilim nitong aura. Ang tanging nakarehistro sa mukha nito ay panghihina.
SHE'S still not herself after he pull her and brought her at the back of their school building. Parehas silang tahimik habang nakaupo doon sa bench. She still can't process everything just happened. His declaration, and his kissed was still blured in her mind. Kung hindi nga lang malinaw na nasa tabi niya ito ngayon ay iisipin niyang imahinasyon niya lang ang nangyari.
He clearly said that he'll never like her at hindi naman ito nagpakita ng interest sa kanya noong mga araw na nagkasama silang dalawa. Ang totoo nga ay napakalamig ng pakikitungo nito sa kanya.
"I'm sorry.."
Maang siyang napabaling dito. Kumunot agad ang kanyang noo.
Para saan iyon? Bakit humihingi ito ng tawad? Did he realized that what he said was a mistake? That what he did was wrong? That he didn't mean to kissed her?
"I'm sorry for making a scene out there." Mahina nitong dugtong. "Dahil sa ginawa ko magiging tampulan tuloy tayo ng usapan sa buong campus."
Ewan niya, pero nakahinga siya ng maluwag dahil iyon ang naging rason nito at hindi gaya ng mga inisip niya.
"Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. Watching you turn your back away from me makes all of my self control vanished in thin air. Habang nakikita kitang naglalakad palayo sa akin, isang bagay lang ang agad na pumasok sa isip ko.. yun ay ang kaisipang kapag hinayaan kitang humakbang palayo ay tuluyan ka ng mawawala sa akin."
Napalunok siya sa intensidad ng boses nito. She wasn't expecting every word she heard. Not from him. Kaya dahil sa gulat hindi pa rin siya makapagsalita hanggang sa mga sandaling iyon.
"Ayokong mangyari iyon, ayokong lumayo ka, and I didn't realize that until you start walking away from me."
He swallowed and clench his jaw hardly. Pagkunwa'y tinitigan siya sa namumungay na mga mata.
"Alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo ko sayo, pero sana maniwala kang-- mahal kita Drey.. Mahal kita.."