Naghalukipkip siya at bahagyang napakagat-labi ng mapansing pinapasadahan siya ng tingin ng bawat studyanteng dumadaan sa harapan niya.
Because of what happened, everyone now was curious and talking behind her back. Hindi nga lang niya masigurado kung mga magagandang komento o mga malisyosong usapan ang ginagawa ng mga ito. And because she don't care at all, she just ignore those curious stares and malicious talks at tahimik na naghintay doon.
Muli niyang tiningnan ang kanyang cellphone. Paulit-ulit lang na pinapasadahan ng tingin ang isang partikular na numero.
Naalala niya kung paano siya naghimutok ng hindi man lang niya alam ang cellphone number ni Zeth at hindi nito ibinigay. Naisip niya pa na kaya hindi nito ibinigay dahil wala naman itong interes sa kanya.
Until earlier.
"Hanggang anong oras ang klase mo ngayon?" Tanong nito matapos ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila.
She was still mesmerized from his confession. Wala na siyang ginawa kundi ang kagatin ang kanyang labi kanina pa. Mabuti nga hindi pa iyon nagkasugat-sugat.
"Ahm, isang subject nalang ang meron kami.. hanggang 3:30 ang klase namin doon."
"Give me your phone.."
"Huh? B..Bakit?"
Bagama't nagtataka ay kinuha niya pa rin ang cellphone niya at iniabot rito. He get his own at nag-type doon. Ganoon din ang sa kanya. Ibinalik nito iyon pagkatapos.
"Tatawagan kita pag tapos ka na sa klase mo."
Marahan siyang tumango. She wanted to ask why? pero pinigilan niya ang sarili. "Hmm.." sagot nalang niya saka isinilid sa bag ang hawak.
He nodded too. Tumingin ito sa mukha niya at sandaling nanatili ang mga mata doon. Wala na itong sinabi o nag-expect ng sagot sa kanya. He just stare at her with those passion in his eyes.
"Nagtatanong ang inay kung bakit hindi ka na pumupunta sa bahay." He asked after a while.
"A..Anong sabi mo?" Naroroon na naman ang guilt niya. Ewan niya, after she met her-- natubuan yata siya ng konsensiya. Wala siya non dati. She care less at wala rin siyang pakialam sa damdamin ng iba.
"Sabi ko busy ka sa pag-aaral." he chuckled. "Mukhang hindi nga naniwala, akala niya m..may ginawa ako kaya hindi ka na pumupunta sa amin." nananantiya ang tingin nito. Naroroon pa rin ang tanong. Tanong na natatakot siyang bigyan ng kasagutan.
She don't want to ruin this moment. Pwede naman siguro iyon di ba? Kahit ngayon lang.
She bit her lip. "Pupunta ako mamaya sa inyo.. I'll--"
"You have to.. kaarawan niya ngayon."
Nanlalaki ang mga matang umangat ang tingin niya sa mukha nito.
"Oh.."
Umangat ang gilid ng labi nito. "Tiyak matutuwa iyon kapag nakita ka." He said in gentle eyes.
Parang kinurot ang puso niya sa nakikita niya sa mga mata nito. Obviously, he love her mother so much. Hindi man nito sabihin alam niyang si nanay Zeny ang lahat-lahat para rito.
>>>>>>
"KANINA ka pa?"
Bahagya pa siyang nagulat ng marinig ang boses ni Zeth. Hindi man lang niya namalayan ang pagdating nito. She darted her eyes on him. Nakaputing t-shirt na ito at kupasing maong.
Bahagya siyang ngumiti. "Actually, hindi pa ako bumabalik sa classroom mula ng umalis ka."
Kumunot ang noo nito.
"Nagtext kasi si Lila na nagka-emergency ang teacher namin sa management kaya ikinancel na muna ang klase."
"You should have texted me. May number na ako sayo di ba?"
"May practice ka kaya--"
"Pwede naman akong lumiban muna sa practice."
"I don't want you to.."
She whisper as she look at him with honest eyes. Assuring him that it's really okey with her. Ang totoo mas gusto nga niya iyong hindi natuloy ang kanilang klase. Nakaiwas siya kina Vera, Marga at Jayla. She already pictured out what will gonna happen if they saw her in their classroom earlier. Hindi pa siya handa sa mga ibabatong tanong ng mga ito o sa sasabihin na rin niya.
She will face them tomorrow. Bahala na ang bukas ang magdesisyon sa mangyayari para bukas. Dahil ang para sa araw na iyon ay ang puso niya ang hinayaan niyang magdesisyon.
"Saka isang oras lang naman kaya okay lang."
Bumuntong hininga ito. Tila hindi pa rin gusto ang ginawa niyang hindi pag text dito.
"Halika na."
Tumayo siya at nagpatiunang maglakad. Pero tumigil rin ng hawakan nito ang braso niya.
Nagtataka siyang lumingon.
"Sa susunod i-text mo na ako. I want everything Drey." He murmured possessively. "Kung nasaan ka, kung nakauwi ka na, kung anong ginagawa mo, kung matutulog ka na o papasok sa school.. Lahat ng gagawin mo.. gusto ko alam ko."
Napalunok siya sa intensidad ng boses nito at sa seryosong mga mata.
She always hate demanding and possessive boyfriend. Kaya nga hindi nagtagal ang relasyon niya noon sa dalawang ex niya dahil naging demanding na at possessive ang mga ito sa kanya. They all want her to report everything she'd do na ikinairita niya. Ayaw na ayaw niya ang ganoon. Even if she's in a relationship, she still want her freedom. Hindi iyon parang itinali na siya sa leeg.
Kaya ng dumating na sa point na sinabi na ng mga ito na kailangan niyang sabihin o i-txt ang mga ginagawa niya o kung nasaan siya ay nakipaghiwalay siya agad sa mga ito. She really don't want to have a clingy boyfriend. For her, it feels suffocating and she hates it.
Pero bakit ngayong si Zeth ang nagsabi niyon ay hindi niya magawang mainis? Bagkus parang musika ang lahat ng sinabi nito sa kanyang pandinig.
And God, why was her heart feels like jumping out of her ribcage because of excitement?
Hindi pa sila sa lagay na iyon hah!
"And I'll do the same. Sasabihin at ite-text ko sayo lahat ng mga ginagawa ko. I want everything between US updated." Paos na dugtong bulong nito na ikinabaliw pa lalo ng kanyang puso.
>>>
MALAYO pa lang ay kita na niya ang tuwa sa mukha ni nanay Zeny ng makita sila. Agad sila nitong sinalubong.
"Happy birthday po nay." She greeted gently as she reach her.
Mahigpit na yakap ang agad na ibinigay nito sa kanya.
"Akala ko hindi ka makakapunta rito iha, sabi kasi nitong si Zeth." Sandali nitong ibinaling sa binata ang mga mata bago muling ibinalik sa kanya. "Busy ka raw dahil exam ninyo."
She smile indifferently. Tumingin rin kay Zeth bago na marahan na tumango. "Ah, oho nay.." maikling tugon niya. Sinang ayunan nalang ang naging rason ng binata kahit ang totoo ay wala naman talaga silang naging exam.
"Mabuti naman at nagkaroon ka ng oras para pumunta rito ngayon."
"P..Pwede po bang hindi ako pupunta eh, birthday ninyo ngayon."
Mahina itong tumawa. "Muntik ko na ngang makalimutan ang araw na ito kung hindi lang ako binati nitong si Zeth kaninang umaga pagkagising na pagkagising ko. Alam mo bang sa tuwing kaarawan ko ay siya palagi ang unang nakaka-alala?"
Zeth gently smile. He shifted his stand at pumagitna sa kanila saka inakbayan ang ina.
"Paano ko makakalimutan ang araw na ito, eh ito ang araw na isinilang ang pinaka-mabait at pinaka- mapagmahal na nanay na nakilala ko." He said proudly. "Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo!"
"Asus.. binola mo na naman ako." natatawa nitong sabi. "Pumasok na nga lang tayo sa loob. Halika na iha." Bumaling ito sa kanya. "Baka matunaw na ako rito sa pinagsasabi nitong anak ko."
Nagpatiuna itong maglakad at dahil akbay ito ni Zeth kaya napasunod rin ito. But he did not let her walked inside alone. Without words he hold her hand. Pinasalikop nito ang kanilang palad at sabay na silang pumasok sa loob. Akbay nito ang ina at hawak naman nito ang kanyang kamay.
At habang papasok, mariin niya nakagat ang kanyang labi. She need to do that to suppress the loud pounding of her heart. Ang totoo, hindi pa rin tuluyang nasisinc-in sa kanyang puso't isipan ang lahat.
Ang paghalik nito kanina, ang pagtatapat nito, pati ang sandaling iyon na magkasama silang dalawa... everything is still blurry to her. Parang panaginip pa rin, parang hindi totoo.
But then she felt Zeth hands gently squeeze her hand. Tumingin siya sa magkahugpong nilang mga palad. And as she saw his huge hands on her, and felt it's warmth, doon niya narealize na hindi panaginip ang lahat. Zeth really did kiss and confessed to her.
At aaminin niya, itong araw na ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya.